Chapter 73: Baron is..

4.3K 111 43
                                    

--------

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko sa lalaking nakatalikod sa'kin. Nakaupo ito sa isang bench.

Lumingon ito at dali-daling tumayo na nakaharap sa'kin.

"Ah, no. Bago lang." Sagot nito na alanganing ngumiti.

Dahan-dahan naman akong humakbang papalapit sa kanya at ngumiti.

Tumingin siya sa bandang likuran ko at tiningnan ko rin ito.

"Sinama ko siya. Okay lang ba?"

"Uh, y-yeah." Nauutal niyang sagot at iminuwestra niya ang upuan kaya umupo ako sa dulo.

"So, kumusta?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Mas mabuting mauna na akong bumati kaysa siya. Nauutal pa eh, halatang kabado.

"I'm okay. How about you?" Sagot niya at sumulyap sa'kin.

"Mabuti. Pero nasasaktan pa rin sa pagkawala ni kuya." Nakangiti ko pa ring sagot at nakatingin sa harapan. "Bakit nga pala gusto mo akong makausap?"

"Uh, I just want to say s-sorry. Sa mga nagawa ko, sa pananakit sa'yo, sa panloloko at panglalait. Pati na rin sa nangyari sa kuya mo." Nakayuko nitong sagot at nakapatong ang dalawang kamay sa kanyang hita.

"Okay na 'yon, nakalimutan ko na 'yon. Mas mabuti nga na ginawa mo 'yon hindi ba? Kasi marami akong natutunan dahil do'n. Pero sana Baron, wag mo na uulitin 'yon. Masakit eh! Masakit ang maloko." Oo. Si Baron ang kausap ko ngayon, siya ang nagtext sa'kin kanina na gusto makipagkita. Pinagbigyan ko naman, pero syempre kasama ang boyfriend ko na ang talim ng tingin kay Baron. Hahaha! Nagseselos pa yata. Sinabihan ko kanina na samahan ako rito pero umayaw.

"Mahal mo ba siya?" Biglang tanong niya. Ngumiti naman ako ng matamis saka nilingon ang lalaking mahal ko, ngumiti din ito pabalik sa'kin.

"Yes. Mahal na mahal." Buong-puso kong sagot na ikinatulala niya at napatitig sa'kin.

Karma na ba?

"Ikaw? Kumusta na kayo ni Jeline?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Matagal na akong nakamoved-on sa kanya. Matagal ko nang tinanggap na wala na kami, kaya okay na sa'kin kahit maging sila pa ni Jeline.

Natigilan ito sa tanong ko at tumitig sa'kin. Sinalubong ko naman ang titig niya, 'di na ako naiilang eh. Wala na talaga akong nararamdaman sa kanya. Siguro paghanga lang talaga 'yong nararamdaman ko sa kanya noon.

"Wala namang kami." Sagot niya at ngumiti ng tipid. Napatango-tango naman ako. Pero nagtataka kung bakit hindi naging sila.

"Ah, akala ko naging kayo." Natatawa kong sabi at bumuntong-hininga.

"Na-nakabuntis ako." Automatic na napalingon ako sa kanya na nalalaki ang mga mata.

"Seriously?" Gulat kong tanong.

"Karma na yata ito. Sa mga ginawa ko sa'yo." Natatawa naman niyang sagot. "Kung hindi siguro kita niloko at sinaktan, 'di siguro nangyari 'to." Dugtong niya.

"Hindi iyan karma. Kasi kagustuhan mo naman 'yan eh. Ginusto niyong dalawa na gawin ang bagay na hindi niyo dapat gawin. Kaya wag mo sasabihing karma iyan." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Mahalin mo yung babae, yung anak niyo. Wag mo sila pabayaan. Blessing yun, Ron. Sana, wag mo silang sasaktan. Be a man." Nakangiti kong payo sa kanya.

"Salamat, Ky. Napakaswerte niya sa'yo." Tugon niya at sinulyapan si Melvin na nakatingin pa rin sa'min.

"Mas maswerte ako sa kanya." Nakangiti kong sagot.

"I'm so sorry, Ky. Sa lahat. Alam ko mahirap akong pata--"

"Na-uh! Matagal ko nang kinalimutan 'yon. 'Di na ako galit. Naiintindihan ko naman." Putol ko sa sasabihin niya. Hindi na ako galit, nagpapasalamat pa nga ako na nangyari iyon eh. May natutunan ako.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now