Chapter 71: The real culprit

3.8K 128 33
                                    

---

"Hello Joy." Nakangising bati ni Wendy kay Joy na nanlalaki ang mga mata at rumehistro ang takot sa mukha nito.

"A-anong---" napapaatras ito sa takot.

Hindi akalain ni Joy na makakaharap niya ang babaeng ginamit niya. Hindi niya akalain na makakalaya pa ito. Labis ang tuwa niya no'ng nakulong ito. Pero ngayon, nandito sa harapan niya.

"Anong ginagawa ko rito? Hmm, simple lang naman. Maniningil ako." Nakangising sagot ni Wendy.

Nanginginig sa takot si Joy na tumitig dito at bumaling sa isang babaeng malaki rin ang kanyang nagawang kasalanan.

"Huwag mo naman ipakita sa amin ang takot mo, Joy. Gusto ko tuloy humalakhak." Nakangisi pa ring saad ni Wendy. Halatang enjoy na enjoy ito. Sa isip nito ay makakaganti na rin siya sa babaeng may malaking kasalanan sa kanya.

"Akala mo Joy, habang-buhay ka nang magiging masaya ano? Iyon bang malayang nakakagala, nakakain at malayang makipaglampungan sa lalaking may asawa at anak na."

"H-how dare---"

"Oops! Hanggang diyan ka lang. 'Di mo ako maaabot ano? Hahaha! Ngayon Joy, oras na para tapusin lahat. Lahat-lahat. Mula kay Jayca, sa akin at kay Marga. Hmm, sino pa kaya ang nagawan mo nang malaking kasalanan? I bet, hindi lang kami." Kalma lang kung magsalita si Wendy. Pero ramdam ni Jayca ang galit nito ngunit nagpipigil lang.

Lihim na napangiti ang dalaga, dahil alam niya. Nagbago na talaga ang kanyang Ate Wendy.

"Ate Marga, sa palagay mo? Anong magandang parusa rito bago natin ipadala sa kulungan?" Tanong ni Jayca na may mapaglarong ngiti sa labi.

Nanlaki ang mga mata ni Joy. Lalong nadagdagan ang takot nito. Dahil batid niyang mas malala ang gagawin sa kanya nang mga ito. Kung sa kamay ng Dragona Ladies ay sobrang nahihirapan na siya. Tiyak mas malala kapag sina Marga at Jayca na ang gagawa.

"Paano kaya kung paiyakin natin siya ng dugo?" abnormal na suggestion ni Ryan kaya nakatanggap ito ng batok mula kay Philip.

"Aww! Tol!"  mahinang daing nito at hinihimas ang ulo.

"Pwede. Alam ko na kung paano. Hehehe." Tuwang sang-ayon naman ni Jayca kaya napaatras si Joy.

Natigilan ang dalagita sa paglapit at sumimangot.

"Ano ba 'yan! Hindi pa nga tayo nag-umpisa, natatakot ka na? Akala ko ba matapang ka? Wala ito Ate Wendy, duwag pala. Umaasa lang sa iba. Weak!" Nakasimangot na saad ni Jayca at napahalukipkip pa.

"Hindi ako duwag!" sigaw nito na nanlilisik ang mga mata.

"Relax. Galit ka na niyan? Ano pa kaya ang ginawa mo sa pamilya ko?" Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Marga. Ang lamig ng boses nito at kung normal ka lang na tao, 'di katulad nila na mga gangsters. Tiyak, maninigas ka sa kinatatayuan mo.

"Wala akong ginawa sa'yo!" sigaw na naman niya kaya sinampal ito ni Marga. Napabaling sa kanan ang mukha nito at nanatiling nakayuko.

"Nagmamatapang ka pa at nagmamaang-maangan! Sisiguraduhin kong triple ang sakit at hirap ang ibabalik ko sa'yo." Nakangising saad nito at may kinuha sa isang sulok na bagay. "Tagos hanggang sa kaluluwa mo ang sakit na ipapalasap ko sa'yo."

"Ate Wendy, ikaw muna mauuna. Gawin mo kung anong gusto mo. Kayo, maiwan niyo na kaming apat dito. Me, Ate Wendy, Jayca at Joy. Labas." Maawtoridad na taboy nito na ikinangisi ni Jayca at ng Dragona Ladies Gang.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now