Chapter 65:Dream

3.5K 133 36
                                    

*KYLA/JAYCA POV*

"Ma, punta lang po ako sa likod."  Paalam ko kay mama pagkalabas ko galing kwarto. Masama pa rin loob ko kay Mrs.Principal. Kasi tinawag na naman ako ng Kyla kanina, sabi niya "Ang tigas talaga ng ulo mo Kyla!" Pero ang totoo, sa kanya lang naman ang matigas eh. Kasi Kyla nang Kyla, eh Jayca naman pangalan ko. Haist!

"Sige 'nak, maghahanda lang ako ng hapunan natin." Tumango lang ako kay mama at lumabas na ng bahay. Dumiretso ako sa likuran at umupo kaagad sa puntod ni kuya.

"Hi kuya. I miss you." Malungkot kong bati sa kanya. Ayaw kong umiyak kahit gusto ko. Si kuya kasi, pinagalitan niya ako no'ng nakaraang gabi. Bakit daw ako iyak nang iyak eh 'di naman daw talaga siya nawala.

Nandito daw palagi siya, kaya ayon nga 'di na ako umiyak. Baka dalawin niya ulit ako sa panaginip ko eh at kukutusan na ako.

"Kumusta ka na diyan? Okay ka lang ba? Nakakain ka ba ng maayos? Ah wait! Kumakain po ba kayo diyan kuya?O hindi? Hmm, hindi ko alam. Matanong nga si mama. hehehe."  I paused. Took a deep breath and smile bago nagpatuloy.  "Alam mo kuya, kung 'di mo lang ako dinalaw sa panaginip ko baka hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Salamat kuya ha? Tama ka nga po, wala ka nga dito, pero nandito ka sa puso ko. Sa puso namin."  Naluluha na naman ako nang maalala ko ang mga sinabi ni kuya sa'kin.

^Flashback^

"Baby princess. Baby princess?"  Nagising ako nang may humahaplos sa mukha ko habang tinatawag ako. Nagulat ako nang makita ko na si Kuya Jason ang nasa harapan ko.

"Kuya!"  Malakas kong tawag sa kanya at niyakap kaagad siya. 'Di ko na napigilan ang mga luha ko, automatic itong nagsipagbagsakan.

"Shh, I'm here. I'm here."  He said while tapping my back. Niyakap niya ako ng mahigpit. Mas lalo ko naman siyang niyakap. Ayaw ko siyang pakawalan, baka iwanan na naman ako.

"Kuya, you're here."  Halos pabulong ko ng sabi habang yakap siya. Humihikbi na ako, hindi ko na makayanan. Masakit sa dibdib.

"Yes, baby. Stop crying. Nandito na si kuya."  Marahan niya akong nilayo sa kanya at pinunasan ang mga luha ko. Nginitian niya ako at hinalikan sa noo.

"Hindi mo na ako iiwan? Kami?"  Umiiyak kong tanong sa kanya but he looked away saka bumuntong-hininga.

"Hindi na ako pwede dito baby. Alam mo na naman kung bakit hindi ba?"  Malungkot niyang sagot at tumingin sa'kin. Lalo akong napaiyak sa sinagot niya.

Alam ko naman 'yon eh pero nagbabakasakali lang ako. Baka sakaling bumalik pa siya. Baka may himala pa.

"Bakit kailangan ikaw?"

"At bakit hindi? Kung hindi ko ginawa iyon, ikaw naman ang napahamak baby."

"Mas okay na 'yon. Kaysa ikaw. Hindi ba marami ka pang pangarap? Hindi ba gusto mo pa maging secret agent?Kuya, bakit?"   He wiped my tears then smiled.

"Kasi hanggang doon lang ang buhay ko. And you, stop crying. Pumapangit ka na."   Natawa ako sa sagot nito kuya at hinampas siya sa braso niya habang umiiyak pa rin.

"Ang sama mo pa rin sa'kin. Kuya, hindi ko kaya."

"Kaya mo baby. Kaya mo. I know, kaya mo. Please, stop crying. Nahihirapan din ako, nasasaktan. Lagi mong tatandaan na nandito lang si kuya. Ayaw na kitang makitang umiiyak at nahihirapan. Baby please? I'm begging you. Stop blaming yourself. Stop crying. Stop torturing yourself. Nandito lang naman ako eh. Hindi mo nga ako nakikita, pero lagi mong tatandaan, nandito lang ako."  Sabay turo niya sa puso ko. I know, it's not my fault. Pinipilit kong tinatatak sa isip ko na kasalanan ko. Na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit nangyari ang mga 'yon.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now