Chapter 47:Saving Jake

5.3K 203 59
                                    

                  *JAKE POV*

"Shit!"  anas ko nang talian na ako ng mga hayop na 'to! Nakakainis! Bakit ba kasi after 5 minutes pa bago bumalik ang lakas ko? Napakawalang kwenta ko! Ang leader ng DAG ay nabugbog at naibitin ng patiwarik. Nakakahiya!

Nandito ako sa loob ng isang malaking bodega na parang isang gym pero magulo ang nasa loob. Dito ako ibinitin ng mga gago. Wala man lang akong nagawa para iligtas ang sarili ko. Kung wala lang ang kapatid ko, kung 'di lang sila marami. Sana wala ako ngayon dito. Bullshit! I'm useless. Pero nagpasalamat ako na wala sina mama at papa kundi hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Kumusta na kaya si Jason? Okay na kaya siya? Sina mama at papa kaya? Ano kaya nangyari sa kanila? Okay lang ba sila?Sana pinuntahan ni boss sila? Okay lang na 'di nila ako ililigtas,bbasta ang pamilya ko ay okay lang at ligtas.

Napapabuntong-hininga nalang ako dito sa upuan na nakagapos. Mga hayop talaga! Kadena ba naman ang igapos sa'kin. Takot na takot na makatakas ako.

^FLASHBACK^

"Kumusta na siya?" rinig kong tanong ng isang babae sa labas ng kwartong ito. Napakapamilyar ng boses niya, huwag naman sanang kasabwat siya kundi ako mismo ang papatay sa kanya kapag nakatakas ako dito.

Ang sakit ng katawan ko, halos 'di ko na maimulat ang mata ko dahil sa tindi ng pambubogbog nila.

"Sige na, magmeryenda na muna kayo do'n. Kami muna bahala dito."  rinig ko na naman na sinabi ng isa. Shit! Hindi ako nagkakamali! Silang dalawa talaga!Mga hayop! Mga traidor!

"Sigurado ba kayo diyan? Baka magagalit si boss."  sagot ng lalaking nakabantay, isa sa bumugbog sa'kin.

"Tsk! Wala si boss, kaya siguradong 'di magagalit 'yon. Saka isa pa, nandito kami. Nakagapos naman 'yon, sa palagay niyo ba makakatakas pa 'yon?" may himig-irita na sagot no'ng unang nagsalita kanina.

"Okay. Sabi niyo eh."  sagot ng isang nagbabantay at narinig ko na ang mga yabag ng kanilang mga paa papalayo.

Napatingin ako nang may nagbukas ng pintuan at kahit masakit ang mukha ko, tiningnan ko ng masama ang dalawang pumasok dito sa loob.

"Siguraduhin mong walang tao bestie."  Jeline said. Yes! Itong dalawang demonya!nandito sa harapan ko.

"Don't worry bestie, ako bahala. Go, talk to him." tumango naman si Jeline at lumapit sa'kin. Si Jeralyn nakabantay sa pintuan.

"Kuya Jake, 'wag ka magagalit. Pero kakampi mo kami." pabulong na sabi nito na ipinagtataka ko. Pero 'di ako  sumagot.

"Heto kumain ka, kundi mapapatay kami ni Master K."  lalong nagtaka ako. Bakit kilala nila si Master K? Paanong nagiging master nila ito?

"Oh, nganga. Kumain ka para magkaroon ka ng lakas. Pasensiya ka na, hindi pa ako nakakauwi eh. 'Di pumayag 'yong demonyita kaya hindi pa ako makakakuha ng gamot mo."  Hindi ako sumagot pero ngumanga lang ako. Gutom na gutom na ako eh!

"Kuya, ako si J1. At si Jeralyn si J2."  nakangiti niyang dugtong at lalong nalito ako. I knew Master K and about her underlings. Peto hindi ko siya kilala. Kung sino talaga siya.

"W-who?" pautal-utal kong tanong dahil sa sakit ng bibig. Lumuwa pa ako ng dugo kanina.

"Nag-join ako. Gusto kong bumawi sa mga nagawa ko sa kanya. Kaya kumain ka ng marami para manatili ang lakas mo. Sa ngayon, wala pa kaming magagawa. Hintayin lang natin ang signal niya, makakalabas ka din dito kuya."  malungkot na sagot niya kaya tumango lang ako ng marahan. Makikita mo ang sinseridad sa kanya kaya alam kong totoo mga sinasabi niya.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon