Chapter 19

6.8K 237 47
                                    


--KYLA MAE POV


 Sa totoo lang, naririnig ko si Vin-vin pero nahirapan akong idilat mga mata ko nang sinubukan ko pati katawan ko 'di ko maigalaw. Pero buti nalang napisil ko siya nang paalis na sana siya. 
Nabigla pa ako no'ng narinig kong umiiyak si nanay at niyakap ako ng mahigpit habang si Vin-vin, hawak-hawak pa rin ang kamay ko.

  "Maliban sa sugat mo? May masakit pa ba sa'yo?"  nakangiting tanong ng doctor pagkatapos ng yakapan at iyakan namin nina nanay at Tita Pearl, pati din si Vin-vin, nakiiyak.

 "Wala na po doc."  Nakangiti ko ring sagot sa kanya.

 Itinapat naman niya sa dibdib ko ang stethoscope niya. Saka ngumiti ng malapad bago sumagot.

 "Okay naman ang paghinga mo. Normal na. But 'di ka pa pwede lumabas. Kailangan ka pang i-monitor, okay?"

 "Aaw! Kailan pa po ako makakalabas doc?"

 "Malalaman mo bukas. Okay?"

 "Okay po."  Nakalabi kong sagot. Pero ang gwapo pala ni doc. Hihihi!

 "So, lalabas na po ako ha? Si Nurse Jenny na ang mag-aasikaso sayo at magbibigay ng gamot."

 "Salamat po/Salamat doc."  Sabay namin na sagot ni nanay.

"Hi!"  namimilog naman nga mata ko nang pumasok si Ate Jenny. Luhhh! Siya pala ang nurse ko dito.

 "Ate Jenn---!Aww!"  napadaing ako sa sakit no'ng sumigaw ako.

 "Mae! Okay ka lang? Saan ang masakit? Saan?!"  natatarantang tanong ni Vin-vin habang chinicheck ang katawan ko. Si nanay naman napahawak sa kanang braso ko at bakas din ang pag-aalala.

 "Wala 'to. Hehehe. Biglang sumakit sugat ko dahil sa pagsigaw."  Natatawa kong sagot.

 "Mag-ingat ka naman." --- Melvin.

"Nak naman, 'wag sumigaw ng biglaan. Baka bumuka sugat mo."  Paalala ni nanay kaya napatango ako.

"Hay naku! The usual, 'di na po bago 'yan. Ganyan po 'yan, laging nakasigaw kapag nakikita ako."  Natatawang sagot ni Ate Jenny.

"Oy ate. 'Di po ah!"  pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Asus! Deny ka pa! Totoo naman."  Sabat naman ni Melvin kaya napasimangot ako.

"Oh! Tingnan mo! Pati si Melvin, sumang-ayon sa'kin."  Nakangiting dugtong ni Ate Jenny saka chineck ang BP(Blood pressure) ko.

"Hmp!"  ingos ko.

"Oh! Kain ka na! Alam ko naman na nagwawala na 'yang alaga mong dragon. Hahaha!"  pang-aasar ni Melvin sa'kin saka tinapat ang mansanas sa bibig ko. Pinandilatan ko naman siya ng mata at 'di pa rin binubuka ang bibig.

"Isa Kyla Mae, ibuka mo 'yang bibig mo."  Asar niyang sabi sa'kin pero 'di ko pa rin siya sinusunod. Pero ginagaya o ang sinasabi niya. "Dalawa."  Still deadma.

"Kapag umabot 'to ng lima, lagot ka talaga sa'kin."  Pagbabanta niya pero 'di pa rin ako natitinag. Sina nanay, Tita Pearl at Ate Jenny, natatawa lang sa'ming dalawa.

"Tat---"

 'Di niya naituloy ang pagbibilang dahil sa biglang pagbukas ng pintuan ng room ko. At napangiti ako ng malawak sa mga nakita ko.

 "Kuya!"  sigaw ko nang makita sila.

 Bigla namang tumakbo si Ryan papunta sa'kin saka ako niyakap ng mahigpit at sumunod sina Kuya Jake at Kuya Philip na nakangitirin at niyakap ako.At dahil si Ryan ang unang yumakap sa'kin at 'di pa umaalis, tinulak pa nga nito si Melvin eh at ang sama ng tingin sa kanya. Hahaha! May naisip akong kalokohan.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now