Chapter 24

4.9K 209 21
                                    

*A/N:Hello babies. Gusto ko lang magpasalamat sa mga nagbabasa at nag-aabang ng updates ko. Thank you so much babies. Akala ko wala ng magbabasa nito eh, kasi nga diba? Ang tagal ko ng di nakapag-update. Huhuhu! Pasensya na, may reason lang kaya ako nawalan ng gana. And oh, kahit walang magbabasa nito or isa lang ang magbabasa. 'Di ako titigil sa pag-update, ang mahalaga naisulat ko ang mga tumatakbo sa utak ko. Hehehe. Again, thank you so much. Mwaahh!



--



*KYLA POV



"Patay!"  mahinang sabi ko pero dinig ng lima. "Pamilyar sa'kin ang boses." dugtong ko nang 'di umiimik ang lima at nagpatuloy na sa pag kain.

"Arvin Montecillo!"  sigaw na naman ng babae. Nanlaki mga mata ko nang maalala ko na kung sino 'yong nasa labas.

"Si Lovilla!"  mahina kong sabi sa kanila pero deadma again. Pero may naisip ako kaya nilabas ko ang cellphone ko.

"Ginagawa mo?"  nakakunot-noong tanong ni Arvin pero 'di ko siya pinansin. Kala nila ha? 'Di ako pinansin kanina eh, kaya payback time!

Dinial ko number ni Lovilla saka tiningnan ang lima na ang sama ng tingin sa'kin. Narinig ko naman na nagring phone niya sa labas.

"Hello Ate Kyla?"  sagot niya kaya nanlaki mga mata ng mga kasama ko. Pinindot ko naman ang speaker. Hahaha!

"Hi Love!"  masigla kong bati sa kanya. Iinisin ko lang 'tong mga lalaki.

"Ate? Bakit naririnig ko boses mo na nasa loob ng kubo?"  talas ng pandinig ah!

"Hahaha! Pasok ka!"  sabay end call.

"Walangya ka talaga!"  bakas sa mukha ni Arvin ang inis pero dineadma ko. Problema na nila kung isusumbong sila ni Lovilla. Hindi ko na problema 'yon.

"Ako bahala."  Nakangiti kong sabi saka sumubo ulit. Ako bahala, sila kawawa. Hahaha!

"Oo nga. Ikaw bahala, kami ang kawawa."  Sarcastic na sabi ni Donald. Ngumiti lang ako, nabasa yata ni Donald ang naisip ko.

"Arvin!"  sigaw ni Lovilla at malakas na binuksan ang pintuan.

"Hi Love!"  masiglang bati ko sa kanya at kumaway pa.

"Hi ate!"  masiglang bati niya rin at umupo sa tabi ko saka inagaw ang plato ko.

"Akin yan eh!"  sigaw ko sa kanya sabay agaw ng plato ko.

"Ate naman!"  nakasimangot niyang sabi. Pero napangiti naman agad ng malawak nang inabutan siya ng kuya niya ng plato na may lamang kanin at ulam. "Thanks kuya."

"Bakit ka pumunta dito?"  manahinahong tanong ni Arvin bago sumubo ulit.

"Kashe nag-aalala na shilang lahawt down."  Sagot niya na puno ng kanin ang bibig.

"I told you, don't talk when your mouth is full."  Saway ni Arvin kaya sumabat ako.

"Nagtanong ka kaya! Tanga nito!"  sinamaan niya ako ng tingin at ang apat na zombies? Humagalpak ng tawa.

"Tang-ina! Ang hilig nito mangbara! Hahaha!" -- Cesar.

"Totoo naman sinabi ko ah?"  depensa ko.  "Saka ikaw, ang hilig magmura."  Umingos lang siya sa sinabi ko.

"Ang sabihin mo, gustong-gusto mo lang kaming bwesetin!" -- Donald duck.

"Hehehe. Buti alam mo."  Mas lalong sumama tingin ni Arvin sa'kin.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora