Chapter 49:Life in Jail

4.3K 168 42
                                    

---

                 *KYLA POV*

"Pambihira kasi umaasa lang sa bestfriend kaya gano'n!"  rinig kong sabi ni Thunder at galit ang tono. I'm sure, si Jeline na naman kaaway nito.

"How about you? Mayabang ka lang kasi malakas ka. Pero kung hindi, duwag ka rin naman."  galit din na sagot ng isa.

"Oh really? Mayabang ako? Eh ikaw?!Ano? Maarte!Pabebe! Ma--"

"Shut-up! Wala kang--!"

"Both of you! Shut-up!"  muntik pa akong mapatalon sa pagsigaw ng boyfriend ko. Nakakatakot 'yong boses niya. Siguradong kanina pa 'to nagtatalo ang dalawa kaya pinatahimik na niya.

"You, shut-up! Sino ka para utusan kami?!"  galit din na sigaw ni Jeline kay Melvin.

There! Hindi na ako nakapagpigil, idinilat ko ng kaunti ang mata ko para makita kung saan banda si Jeline saka dahan-dahang kinuha ang shuriken na naiwan sa pocket ko at hinagis sa kanya.

Siniguro ko lang na 'di matamaan ang kanyang mukha. Baka lalong pumangit eh.

"Sh*t!"

"Pucha!"

Kung anong-ano mura ang narinig ko bago dumilat ng tuluyan at dahan-dahang bumangon. Hinanap ko si Jeline at sinamaan ko siya ng tingin. Ang pinakaayaw ko sa lahat, iyong 'di nirerespeto ang mga taong importante sa'kin.

"He's my boyfriend." madiing sabi ko at matalim na nakatitig sa kanya.

"M-master!"  takot ang rumehistro sa kanyang mukha at nauutal pa ito.

"Love..."  napatingin naman ako sa boyfriend at ngumiti. Mabilis siyang lumapit sa'kin at saka ako niyakap ng mahigpit.

"Thanks God! You're awake love."  mahinang sabi nito habang nakayakap sa'kin.

"OA mo, nahimatay lang ako eh."  natatawa kong sagot sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Can't help it! I'm so worried."  napabuntong-hininga nalang ako saka siya inilayo sa'kin at nginitian.

"I'm okay. Hmm?" tumango naman siya at hinalikan ako sa noo saka ako napapikit sa ginawa niya.

"Ahem!" sinamaan ko ng tingin si kuya. Panira eh!

"Woah woah!"  he chuckled then raise his hands.

"How's Kuya Jake?"  nag-aalala kong tanong.

"Nasa kabilang kwarto lang baby sis. You want to visit him?"

"Hmm."  saka ako bumaba sa hinihigaan ko at inalalayan naman ako ni Melvin.

"Jeline!" seryosong tawag ko sa malditang 'to. Napaangat naman siya ng tingin. Sigurado ako, kanina pa 'yan nakatungo.

"Learn how to respect others. Specially sa mga taong mahal ko at mahalaga sa'kin. And learn how to respect yourself, too."  after I said those words. Umalis na ako na hindi pa siya nakakasagot. Ang pinakaayaw ko sa lahat, iyong binabastos ang mga taong mahalaga sa'kin.

"Right side o left side?"  tanong ko nang nasa labas na kami ng pintuan.

"Right side love." humarap naman ako sa right side ko at humakbang. Ilang hakbang lang, nasa pintuan na ako ng kwarto ni Kuya Jake.

Nanginginig ang mga kamay ko bago hinawakan ang door knob. 'Cause I know, once na mabuksan ko ito. Magbabago na ang lahat, maging ang pagkatao ko. I sighed deeply bago ito hinawakan at dahan-dahang pinihit ang seradura.
This is it!

🙈🙈🙈🙈

                *WENDY POV*



"PALABASIN NIYO AKO DITO!"  sigaw ko at nagwawala. Mga hayop sila! Wala silang karapatan na ikulong ako! WALA SILANG KARAPATAN!

"Hoy! Manahimik ka!"  sita ng isang bilanggo din dito na tomboy. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag, ngumisi lang ang gaga.

"Ano ba! PALABASIN NIYO AKO DITO!" sigaw ko ulit at humawak sa rehas.

"Sabing manahimik ka!"  sigaw ng nasa likuran ko at hinawakan ako sa braso saka pinaharap sa kanila.

"Bitiwan mo nga ako! Ang dumi ng mga kamay niyo!"  asik ko at hinablot ang braso pero hinigpitan lang ang pagkakahawak sa'kin at sinenyasan niya ang isa niyang kasama na hawakan ako sa kabilang braso.

"You bitch! Bitiwan niyo ako!"  napadaing nalang ako nang sinuntok ako sa tiyan ng leader-leaderan nila. Shit!

"Aba! Matapang ka bata ah?! Ano papalag ka? Hahaha! Akala mo naman kaya mo kami, huwag ka magmamatapang dito. 'Di mo kami kaya."  nakangisi niyang saad pero sinamaan ko siya ng tingin saka dinuraan sa mukha.

Napasinghap ang nakasaksi sa gawa ko at saka ako ngumisi. Pero napabaling sa bandang kanan ang mukha ko nang sinampal niya ako ng malakas.

"Bastos ka ah! Iyan ba ang itinuro ng mga magulang mo sa'yo?! Walang modo!" hindi ko siya tiningnan pero pinapatay ko na siya sa isip ko.

Napakuyom ako ng kamao ko. Huwag niya idamay mga magulang ko. Baka mapapatay ko siya.

"Ano?! Naputol na ba dila mo? 'Di ka na makapagsalita diyan ah? Tatapang-tapang, wala naman palang binatbat."

Tinapunan ko siya ng matatalim na tingin dahil sa galit ko. Sinipa ko ang nasa bandang kanan ko kaya nabitawan niya ako at sinuntok ko sa mukha ang nasa kaliwa ko na nakahawak pa rin sa braso ko.

"Mayabang lang kayo kasi marami kayo!"  sigaw ko. Pero biglang napaluhod nang sinuntok ako ng leader nila sa sikmura. Namimilipit ako sa sakit. Sobrang lakas ng pagkakasuntok niya, parang lalabas lahat ng kinain ko kanina.

"I will kill you all kapag makakalabas ako dito!"  matapang ko pa ring sigaw. Hah! 'Di nila ako matatakot sa mga suntok nila. Lalaban ako hanggang sa makalabas ako dito at gaganti pa ako sa Kyla na 'yon!Mga hayop sila! Pinakulong nila ako!

"Matapang ka talaga ha!" sagot ng tomboy na leader saka ako tinadyakan sa binti at sumunod naman ang kasama niya.

Sunod-sunod na suntok at sipa ang pinakawalan nila, tinakpan ko nalang ang ang mukha ko para 'di matamaan. Mga hayop! 'Di na ako makagalaw dahil sa sakit ng katawan ko hanggang sa nagrambulan na dito sa loob ng selda.

Hindi ko alam kung bakit sila nagrambulan.
Bago ako nawalan ng malay, narinig ko ang pagwhistle ng pulis and everything went black.

----

"Hmmm,"  ungol ko ng magising na ako. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nandito pa rin ako sa kulungan. Akala ko, dinala ako sa hospital. Ngumiti ako ng mapait.

"Gising ka na pala. Magpahinga ka saglit at pagkatapos linisin mo ang mga CR dito."  seryosong utos ng isang pulis at iniwan ako.

"Damn! 'Di pa nga ako makakilos ng maayos, tapos maglilinis ako ng  CR dito? Shit! 'Di ko pa naranasang maglinis ng CR. Never ako naglinis ng CR tapos dito maglilinis ako?! In their dreams!"

Pumikit ako ulit dahil sa pagod. Sobrang sakit ng katawan ko at inaantok pa ako.

Napangiti ako ng mapait nang maalala ko kung anong nangyari sa'kin. Galit na galit ako. Wala akong ibang sisihin dito kundi ang Kyla na 'yon. Iyong demonyang babaeng 'yon na nagbabalat-kayo. Akala mo anghel, pero may tinatago palang kademonyohan. Humanda siya! Tatakas ako dito. At kapag mangyari 'youln, gagantihan ko sila.

Babalikan ko sila, lalo na siya. Hindi ako titigil hangga't 'di siya mawawala dito sa mundo.

Humanda ka KYLA MAE! PAPATAYIN KITA!

---

ENJOY READING!

- ATE MAE

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now