Chapter 55 ♥

Magsimula sa umpisa
                                    

Kararating ko lang dito sa mansyon at nagulat ako na narito siya. Bakit ba siya pinatuloy ni Butler? Aish.

"Kyle let me explain..”

Bakit pa ba niya kailangang guluhin ang buhay ko? Kung tutuusin, ngayong tinitingnan ko siya, parang hindi na siya yung Mandy na minahal ko. Simple lang yun at walang arte sa katawan. Pero ngayon, ang laki na ng pinagbago. Sopistikada, naka-make-up, maiksi ang suot na dress. Para siyang pupunta sa fashion show. Kung sabagay model nga naman.

 “Ano pang dapat mong i-explain?” patuloy na tanong ko. Galit ako sa kaniya at hindi niya ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito.

Mabilis siyang lumapit sakin at niyakap ako. Nagpumiglas ako.

Wow. As in. napahawak ako sa bandang dibdib ko. Bakit ganon? Bakit wala yung feeling na, bumibilis yung tibok ng puso, yung parang may butterflies sa stomach ko? Yung feeling na in love?

Mahal ko pa nga ba si Mandy?

Parang bigla-bigla hindi na ako sigurado. Parang ngayong nakaharap ko siya, nawala yung sakit at pagmamahal ko. Tanging galit na lang natira.

“Don't even dare to touch me again.” banta ko sa kaniya.

She suddenly cried in front of me. Pero bakit ganon? Wala akong makapang pag-aalala sa kaniya? Dati, makita ko lang ang kaunting luha sa pisngi niya, nag-iinit na yung dugo ko sa nagpa-iyak sa kaniya. But now? Bakit parang wala akong pakialam sa kaniya? Bakit parang wala man lang akong nararamdaman kahit awa?

“Kyle, I'm begging. Please listen to me..”

Lumuhod siya na hindi ko inaasahang gagawin niya.

“Stand up. Hindi mo ako madadala sa pagluhod mo. Now, I will give you a chance to explain but don't expect me to love you again.”

Is it really me? Ito ba yung pino-problema ko kagabi? Na nasasaktan ako kasi pakirmdam ko mahal ko pa din siya? Damn! Bakit ngayon, wala akong makapang kahit konting pagmamahal sa kaniya? Para nga siyang normal na tao lang para sakin?

Is it possible na naka-move-on na ako sa kaniya?

“Okay Kyle. Just listen to me." sabi niya saka tumayo mula sa pagkakaluhod. Umupo kami dito sa couch sa living area. Magkatapat kami at hindi magkatabi.

Sinensyasan ko lang siya na magsimula na sa pag-e-explain.

“I was wrong to hurt you that time. Natakot lang ako Kyle na baka hindi matupad yung pangarap ko kung itutuloy natin ang relasyon natin. Alam mong pangarap ko talagang maging model. Pero ngayong nakamit ko na siya, handa na akong balikan ka. Andito na ako Kyle, mahal na mahal pa din kita. Halos dalawang taon ang tiniis ko. Please Kyle, come back to me..”

“I'm sorry but I can’t.”

“Bakit Kyle? Di ba ako pa din naman ang mahal mo?”

She still crying while speaking pero parang balewala lang sakin,.

“No.”

“Hindi Kyle. You still love me. I know that.”

“No Mandy, you're wrong. Oo siguro inakala ko na mahal pa kita pero mali pala ako. Ngayong nakaharap na kita? Ngayon ko na-realize na wala na akong nararamdama para sayo. Isa pa, hindi na ikaw yung dating Mandy na minahal ko.”

“Ako pa din si Mandy. Mahal mo ako Kyle.”

 “Gusto ko lang ipaalam sayo na ang gusto ko sa isang babae ay yung simple. Yung simple at hindi sopistikada. Yun yung dating Mandy na minahal ko.”

Matigas kong sabi. That's true. Hindi ko na yata siya kilala ngayon. Ibang-iba na. Hindi ko siya matatanggap kahit pa magmakaawa siya sakin.

“Kyle I'm begging you.”

“No Mandy. Please leave me alone and don't get near me again.”

“Bakit Kyle? May iba ka na ba? Ha?” medyo tumaas na yung boses niya.

Kagabi problemado ako. I even get drunk yesterday morning dahil kay Mandy at ngayon ma-re-realize ko lang na wala na pala akong nararamdaman para sa kaniya kung hindi galit.

I felt relieved dahil medyo gumaan ang pakiradaman ko. Nawala yung bumabagabag sa dibdib ko kahapon pa. Pag naiisip ko kasi si nobody, na-gi-guilty ako. Pati siya nadadamay sa galit ko kay Mandy. Babawi ako sa kaniya. Ngayon pa na na-realize ko ng wala na si Mandy dito sa puso ko.

Kailangan ko lang palang makaharap si Mandy para ma-realize ko 'to.

"Eh ano naman ngayon kung may iba nako?”

“So may iba ka na nga ha?”

“OO!” sigaw ko.

“Sino siya ha? May panama ba siya sakin? Mas sikat ba siya sakin? May laban ba siya sakin?”

Nag-init bigla ang dugo ko. Hindi na nga siya si Mandy na minahal ko.

“Oo! Lahat na nasayo! Lahat ng ayoko, nasayo ng lahat. At dun sa sinasabi mong IBA? May panama ba sayo? Now i'm telling you... she's hundred percent better than you.”

Then i walked out.

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon