Chapter 55 ♥

475K 9.4K 1.5K

Chelsea POV

“Eto manong.” Inabot ko na yung abyad ko kay manong taxi bago ako bumaba. Saktong 100 peso eh.

Ngayon ko mas na-realize kung gaano ka-gastos ang mag-taxi sa pang-araw-araw.

Dito na rin ako sa wakas sa building. Didiretso na sana ako sa elevator nang mapansin ko si Adrian na nakatambay sa reception area. Malamang kanila 'tong building eh.

“Crush!” dali-dali siyang lumapit sakin. Alam niyo yung ngiting parang sinasabing, “At last!”

“Oy Adrian. Bakit ka andyan?”

Tsup!

Nakakahalata na talaga ako. Kyaaaa!! Ano ba ako? Poon para halik-halikan lang nila? Oo nila! TATLO na sila ngayon na basta nalang nang-hahalik. Asih.

“Sorry crush. Masyado lang akong nag-alala sa'yo. Akala ko kung san ka na napunta eh.”

Kitang-kita naman sa itsura ni Adrian na worry talaga siya sakin. Eh napatingin ako sa wrist watch ko, 7pm palang eh. “Aga pa naman eh.”

Pinirot niya ako sa pisngi. “Ouch!” napahawak tuloy ako sa kawawa kong pisngi.

“Kahit na po medyo maaga pa, mag-isa ka lang kaya nag-aalala ako. Tara na nga sa taas.”

Hinila na ako ni Adrian dito sa elevator. Kahit kelan talaga 'to. Naalala ko si James.

Shemay! Ang gwapo talaga nun. Hehe. Dagdag pogi points pa ang pagka-bait niya at ang sarap niya kasama.

*poke poke*

Pinindot-pindot ni Adrian yung pisngi ko. Eh kasi may sinasabi pala siya. Hindi ko naririnig. Haha, busy ako sa pag-iisip kay James. Sorry naman. Masaya lang ako na may new friend na ako at kaklase pa namin. Yehey! Excited na akong mag-lunes.

“Ang lalim ng iniisip mo. Si kyle ba?”

Sumeryoso yung mukha ni Adrian.

Umiling ako. “Hindi.”

“Pagpasensyahan mo na si Kyle sa ngayon. May problema lang siya.”

Kumunot yung noo ko. Ah, yun ba yung na-mo-mroblema siya dahil mahal pa din nya yung Mandy? Wow ha, nakalimutan ko na sana dahil sa kakaisip kay James pero ngayon. Ayan na naman,. Pinaalala pa. Aish.

Ting!!

“Crush, gusto mo samahan muna kita sa unit mo?”

Ayoko. Baka kasi hindi ko lang mapigilan ang sarili kong magtanong ng tungkol kay Kyle. “Ah, Adrian hindi na. Tutulog na din sana ako eh.”

“Aga pa crush. Wala naman tayong pasok bukas. Sunday kaya.”

“Napagod kasi ako. Alam mo na kung saan-saan ako nakagala kanina.” pagkukunwari ko. Gusto ko rin munang mapag-isa.

“Ah, okay. Sweetdreams nalang crush.” he smiled at me and pat my head.

Andito na pala kami sa harap ng unit ko. “Goodnight.” sabi ko kay Adrian bago pumasok ng unit ko.

Pasalampak akong humiga sa kama ko. Parang pagod na pagod ako. Kasama kasi ang emotion kaya siguro parang hinang-hina ako.

Pero pag naiisip ko si James, gumagaan ang pakiramdam ko. Masarap talaga siyang kausap. Super light pa ng feeling pag kasama mo siya. Harmless ika nga.

Nagmuni-muni muna ako..

zzzzZZZZZZZZZZZZZzzz..

 -

Sunday..

Kyle POV

“What do you want?” masungit na sabi ko sa babaeng dahilan ng pagiging miserable ko noon.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!