Chapter 10 ♥

613K 12.2K 2.4K


Chelsea POV

Ayt. Puyat na naman ako.

Hikab

Lakad

Lakad

Lakad

Pppppfffftttt..

Busina yan. Napatingin ako sa kotseng tumigil. Hindi kay Kyle Aish, as if naman inaabangan ko si Kyle.

Kumunot noo ko. Kanino namang kotse 'to? Bumusina ulit 'yun kaya lumapit ako.

Si Adrian? Bakit? 

"Sakay ka na crush!" yaya ni Adrian.

My gulay! Why so gwapo ba.

"Eh, wag na Adrian, nakakahiya." Sabi ko.

Syempre konting delikadesa muna. Haha

"Nah. Kaya nga ako dumaan dito para sa'yo." Sabi ni Adrian.

Oh that smile! Naman Adrian. Huwag ka mang-akit. Baka magpa-akit ako

Charot!

"Kaya ko ng maglakad. Sige na." Tanggi pa din ako.

Kahit papano may hiya pa din ako 'no! Bumaba si Adrian sa kotse nya tapos lumapit sakin.

"Ayaw mo talagang sumakay?" tanong ni Adrian.

Eh... sasagot pa sana ako ng biglang..

Bnuhat ako! Kyaaaaaaaa!

"Hoy, ibaba mo ako!"

Para akong timang na sigaw ng sigaw hanggang maisakay nya ko sa kotse niya.

Goosebumps!

Ano ba naman 'tong si Adrian? Grabe. Can't imagine na magagawa nya 'yun.

Pero ..

Kinilig ako. Haha.

"Gusto mo pa idaan kita sa santong paspasan." Sabi ni Adrian.

Pinaandar na nya ang kotse nya. Amp! Kinikilig ako.

"Lagi ka lang naglalakad papuntang school?" seryosong tanong ni Adrian.

Hindi niya inaalis ang tingin sa daan. Syempre baka mabangga pa kami

Hehe.

"Oo, malapit lang naman eh." Sabi ko

"Medyo malayo pa din. Kaya pala ang laki na ng muscles sa binti mo." Sabi ni Adrian.

Napahawak ako bigla sa binti ko. Tatawa-tawa pa 'tong si Adrian. Pektusan ko 'to eh.

"Aish."

Alam ko di naman ako ganoon kaganda at ka-sexy pero marunong din ako ma-conscious 'no?

"Mabuti pa, araw-arawin ko na ang sundo sa'yo niyan." Biglang sabi ni Adrian.

Ano daw? "Ha?"

Hanla bakit naman niya ko susunduin ng araw-araw? Boyfriend lang ang peg? 'Nak naman ng teteng!  Kinikilig na naman ako.

"Para mapigilan na ang paglaki ng muscles dyan sa binti mo."

Seryoso ba talaga 'tong si Adrian? So talagang malaki na nga nag maskels ko sa binti? Waaaaaa.


Adrian POV

"Para mapigilan na ang paglaki ng muscles dyan sa binti mo."

Syempre kailangan ko ng dahilan. Hindi ko pa nga napapansin ang binti niya eh. Lagi naman kasing naka-pantalon Ahaha. Gumagawa lang ako ng dahilan para masundo ko siya lagi. Wala lang. Gusto ko eh.

Lalo na ngayon na nalaman kong araw-araw siyang naglalakad. Baka mamaya may bumastos pa sa kaniya.

Crush ko siya kaya po-protektahan ko siya

Yan ang goodboy! Ahehehhe.

"Huwag na, Adrian."

Ayan na naman siya sa huwag na.

"Sa ayaw at gusto mo, dadaanan kita palagi dito. Classmate naman tayo eh."

Seryoso ako ngayon. Feeling ko kasi kailangan ko siyang i-protect lalo na kay Kyle. Gago pa man din yung si Kyle. Lakas man-trip. Yayain ko nga 'to mamayang manood ng practice namin ng Tigers.

Ipapakilala ko rin siya sa team as my friend. Hindi as slave ni Kyle Ang gaan gaan talaga ng pakiramdam ko sa kaniya Aish kung ma-inlove man ako sa kaniya, hindi ko pipigilan ang sarili ko.

“Adrian naman.."

Sumilay ako saglit kay Chelsea. Hala? Nagba-blush? Ang cute! Ang pula ng pisngi niya. Hehe.

Lalo pa siyang namula. Kasi naman pula yung blouse niya. Bagay sa kaniya.

"Basta wala kang magagawa." Tumawa ako pagkasabi niyan.

Ting!!!!

Wag ka, sound effect 'yan. May bright idea kasi ako.


Kyle POV

Sa school..

Himala. Hindi sumabay sa'min si Adrian papunta dito sa room. Baka na-late 'yun ng gising.

"Kyaaaaaa!!!!!!!!!!!!"

"Bakit sila magkasabay ni prince Adrian?"

"Oh my golly!"

"Shocks!"

Napatingin naman ako sa mga kaklase namin specially girls. Kung maka-react kasi wagas. Teka, si Adrian daw? Pagtingin ko sa may pinto,

Nanlaki mga mata ko.

Magkasabay sina nobody at Adrian? Anong meron? Aba 'tong si Adrian. Slave ko 'yan eh. Tch. Itong si nobody sarap batukan eh. Gustung-gusto! Aish. Bwisit.

"Hanep si Adrian, naporma na." puna ni Lance.

Tiningnan ko siya ng masama pero di ako nagsalita.

"Oh, Oh bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Lance.

"WALA!" sigaw ko.

Ewan ko ba, bakit ba ako naiinis? Eh kasi sabay sila, eh slave ko 'yang si nobody. Tama, naiinis ako kasi slave ko 'yan. Wala siyang karapatang matuwa. Aish.

"Hanep ka Adrian ah?" sabi ni Lance.

Kauupo lang ni Adrian sa tabi namin. Sa halip na sumagot si Adrian, ngumiti lang sya. Hwag mong sabihing seryoso 'tong ugok na 'to?! Dumating na yung prof.

Sabay kaming napatingin ni Lance kay Adrian nung nag-raise hand siya.

"Yes Mr. Buenavista?" sabi ng prof.

"Ma'am, can I sit beside Ms. Torres?" tanong ni Adrian.

Ano daw? At talagang lilipat pa siya ng upuan?

 "Sure Mr. Buenavista. You can sit beside her. Mr. Lopez, lipat ka na lang ng ibang upuan." Sabi nung prof.

"Kyle okay ka lang?" tanong ni Lance.

Tuwang tuwa si ugok na tumabi kay nobody. Tch. Kunwari pa, kinikilig naman 'tong si nobody Paparusahan kita mamaya, makita mo!

"Hoy Kyle." Tawag ni Lance.

"Ayos lang ako."

 Pero sa totoo hindi ko alam ba't inis na inis ako.

 “Eh, bakit punit punit na yang papel mo?" tanong ni Lance.

Napatingin naman ako sa papel ko sa ibabaw ng desk.

Ba't punit punit na'to?

"Apektado ka ba Kyle?" tanong ulit ni Lance.

Ako apektado?

HINDI.

"Hindi 'no! Hindi lang talaga matibay ang papel na'to."

(?-_-)  Lance

Anong sabi ko?!

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!