Chapter 33 ♥

581K 10.8K 1.9K

Chelsea POV

Sa condo..

Grabe, kahit papaano napagod din ako sa lakad namin ni Kyle kanina. Grabe, ang saya ko pa din. Enjoy talaga kasi hindi din ako sinungitan at sinigawan kanina ni Kyle.

Kraaaawwkkk..

Wag ka. Tunog yan ng gutom na sikmura. Haha.

Hala gutom nako. Makapagluto nga.

Aish. Wala nga pala akong bigas. Makapunta nga munang supermarket. Maaga pa naman. Makatingin na rin ng mga pwede pang mabili. Hehe.

Nagpalit lang ako ng simpleng shirt at tokong tapos kinuha ko wallet ko sa bag. Pouch lang gagamitin ko. May malapit kasing supermarket dito. Tricycle lang sasakyan.

Bumaba nako ng building. Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa supermarket.

Pagpasok ko sa supermarket, kuha akong cart. Feel na feel ko na talaga. Hehe. First time ko palang mag-supermarket na mag-isa eh. Nung kasama ko kasi si Kyle at si Adrian, nahihiya naman ako kumuha ng kumuha.

At least ngayon may freedom ako. Hehe.

Tenenenenenen!

Dinukot ko iphone ko sa pouch ko.

From: Kamahalan
Where are you?

Naku, wrong timing. Uutusan pa yata ako nito.

To: Kamahalan
Supermarket lang po kamahalan. May utos ka?

Sana naman wag ka muna mag-utos Kyle. Binilisan ko na. Tingin dito, tingin doon.

Kumuha ako 25kg na sack na bigas. Kasya naman sa cart. Tapos diswashing liquid nga pala saka foam na panghugas.

Tapos na. Tingin tingin pako. Gusto ko ma-try tong yakult. Kuha ako.

Kuha pako ng chips. Hehe. Wag na chocolates. Ang dami sobra sa ref ko. Hehe. Kuha din ako mga bottled water, C2, juice na malalaki. Wala akong inumin sa condo.

Naku, mabigat to. Patay na. Sabagay, patulong nalang ako sa boy sa baba ng building ng condo mamaya.

Tenenenenen!

From: Kamahalan
Saang supermarket?

Psh. Kelangan talaga tanungin pa? Malamang utusan ako nito. Nagreply nalang ako. Istorbo talaga 'tong si Kyle.

Makapagbayad na nga. Okay na 'tong mga kinuha ko.

"Kyaaa! Ang gwapo naman niya!"

"Oo nga! Artista ba sya?"

"Grabe, nakakainlove naman si Kuya."

"May girlfriend na kaya siya?"

Aish. Ano ba yan. Bakit ba ganito na mga babae sa kapanahunan ngayon, lantaran magpakita ng interes sa lalaki. Makakita lang ng gwapo, sigawan na. Aish.

"Hoy nobody."

"Ay Nobody!" Ay putek napapasigaw ako. Boses yun ni Kyle ah.

Lumingon ako sa likod ko

"BAKIT KA ANDITO?" tanong ko. Bigla bigla nalang 'tong sumusulpot.

"Bakit? Sayo 'tong supermarket?" masungit na sagot niya.

"Psh. Ewan sa'yo. Geh, wag kang istorbo magbabayad pa ako."

Inabot ko na yung bayad sa cashier tapos sa cart pa din nilagay nung bagger yung nai-plastic niya pati yung sack ng bigas.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!