Chapter 12 ♥

587K 11.3K 1.8K


Chelsea POV

5

4

3

2

1

TEEENNNGGGGGGG!

Yes, uwian na.HAHA.  Nag-countdown lang ako para maiba naman. Boring kasi 'yung last subject, PHILOSOPY OF MAN.

Aish!

"Crush."

Napatingin ako kay Adrian Oo si Adrian. Siya lang naman ang tumatawag sa'kin ng crush eh.

“Uyy.."

Binalik ko 'yung tingin ko sa gamit ko kasi inaayos ko pa.

"Sama ka sa'kin." Sabi ni Adrian.

Ano daw?

"Ha?"

"Sabi ko sama ka sa'kin. Nuod ka ng practice namin sa court." Yaya ni Adrian.

Waaaaa! Never ko pa na-try manood ng practice ng basketball. Pang-LIGA lang yung napapanood ko. Sasama ba ako? Eh baka may iutos sakin si kamahalan.

"Kung si Kyle ang iniisip mo, wag kang mag-alala kasama siya sa practice."

Ay oo nga pala. Siya nga pala team captain. Shunga ko talaga.

 “Sige, sige!"

Si Janna nga pala nauna na. Ewan ko ba dun. May sakit yata? Pero sabi niya okay lang siya.

"Sige."

Wala naman kaming assigments eh. Natutuwa talaga ako dito kay Adrian, super gentlemen niya. Tapos ang bait bait pa. Opposite ni Kyle.

Naglalakad na kami papuntang gym. Nung makarating kami dito sa loob, namangha ako. Ang ganda ng court.

At...

At ang daming tigers nga!

Sila yung nasa tambayan kaninang breaktime

"Hi Chelsea." Si Ken.

Kumaway lang ako.

"Hoy nobody, bakit ka andito?" sigaw naman ni Kyle.

Panira talaga lagi ng moment 'tong si Kyle "Niyaya ako ni Adrian. Nagpapalit lang siya ng damit sa CR. Masama ba?" tanong ko. Ako pa ang susungitan nito.

"Tss."

Aba tinalikuran ako. Hmmp! Susuntukin ko na sana eh.

Hehe.

"Ikaw pala si Chelsea." sabi nung lalaking gwapo din.

Hello..." nakangiting sagot ko.

"I'm Drei."

Nagsilapitan pa yung iba.

"I'm Lyndon."

"I'm Jerome, kilala mo na'ko."

"I'm Luke."

"I'm Cavill.”

"I'm Oliver.

"And last but not the least, I'm Kit."

Nakakatuwa naman sila. Ang ga-gwapo na, ang babait pa.

"Hello sa inyong lahat. I'm Chelsea."

Nag-ngitian sila.

Kyaaaaaaa!!

Nanghihina na ang tuhod ko. Bakit ang gu-gwapo niyo?

"Back to practice! Ano pang tinutunganga nyo dyan?" Sigaw yan ni Kyle.

Panira talaga Aish.


Kyle POV

Ano ba talagang balak ni Adrian? Nagiging close na yata sila ni nobody ah. Aba, aba biglang naglapitan ang team kay nobody. Lakas makahatak nitong si nobody.

Tss.

"Back to practice! Ano pang tinutunganga nyo dyan?" Sinigawan ko sila.

Nag-iinit ang ulo ko. Si nobody naman ayun naka-pout. Kutusan ko 'tong babaeng 'to. Gustung-gustong pinapalibutan eh. Napansin kong lumapit na si Adrian kay nobody. Nagpaalam yata na magpa-practice na. Naupo siya sa isa sa bench. Nagsimula yung practice. Pahinga muna ako. Sila muna. Napatingin ako kay nobody. Ewan ko ba ba't di ko mapigilang mapatingin sa kaniya.

Focus na focus ang tingin niya kay Adrian. Bawat galaw nakasunod ang tingin. Aish!

"Hoy nobody!" Sinigawan ko nga

"Oh, bakit?”

Galit pa yata. "Kunin mo 'yong mga towel ng team sa may locker."

Utusan ko muna 'to kesa tingin lang ng tingin kay Adrian. Nag-pout na naman siya.

"OPO!!!"

Masama pa yata ang loob. Alipin ko siya eh, Bakit ba? Maya-maya natapos din ang practice. Nang mapalingon ako kay nobody parang hindi ko nagustuhan ang nakita ko.

Pinupunasan niya ng pawis sa likod si Adrian. Si Adrian naman ngiting-ngiti. Sarap pag-untugin. Hilig maglandian sa harap ko.

"Hoy nobody!" Tinawag ko siya para sira ang moment nila.

HAHA! AKO PA BA??

"Bakit po kamahalan?" tanong ni nobody

Masunurin. "Punasan mo likod ko. Pawis na pawis nako 'oh!" tinuro ko pa yung tumutulong pawis ko sa noo.

Sumimangot siya. As always.

"Wala ka bang kamay?" nakasimangot na sabi ni nobody

Ginagalit ba'ko ng babaeng 'to?  Bakit si Adrian? Wala bang kamay? Bakit ba minsan ang bait ng babaeng 'to, minsan ang sungit.

"5k."

Syempre magic word. 

"Ay nako Kyle. Akina nga." Sabi ni nobody

Inagaw pa niya towel, walang ka-sweet-sweet. Masama pa loob! Pinunasan na niya likod ko.  Woooh! Sarap sa pakiramdam.

Hehe.

Napatingin ako kay Adrian at iba ang tingin niya sa'kin. Selos? Eh, wala eh. ALIPIN ko 'to.


Janna POV

Nakakainis. Kailangan ko pa tuloy magdahilan kanina kay Chelsea na may lakad pa. Ang totoo kasi niyan.

Malaki ang pagka-gusto ko kay Adrian. Oo, since elementary naging crush ko na siya Super bait kasi nya. Super gentlemen. Lagi pa niya ko pinagtatanggol sa mga nang-aaway sa'kin non.

At nakaclose ko naman siya non kasi katabi ko siya sa upuan. Ang tagal na. Lumipas na ang highschool pero hanggang ngayon, gusto ko pa din pala siya. Kahit sa Japan ako nag-highschool hidni ko pa rin naiiwasang i-stalk ang FB profile niya.

Kung dati super cute niya,

Ngayon, super gwapo na. Lalo tuloy akong na-i-inlove. Nagiging close na yata sila ni Chelsea pero no hard feelings naman. Mabait naman kasi talaga si Chelsea. Nahihiya lang ako talaga kay Adrian kaya halos mamutla ako 'pag nakakaharap sya. Di bale, mas okay na ring maging friend ko ulit siya.

Ayoko namang aminin sa kaniyang may gusto ako sa kaniya. I will pretend na lang na hindi ako apektado sa presensiya niya. 

Sana kaya ko!

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!