Chapter 5 ♥

748K 12.8K 1.8K


Chelsea POV

Kararating ko lang dito sa bahay. Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto ko.

Maliit lang 'to pero may single bed naman kahit papaano. May maliit din akong table sa gilid ng kama kung saan nakapatong ang picture ko kasama sina Mama at Papa.

5years old kasi ako no'n nang maaksidente sila at namatay. 

Napatingin ako sa damitan ko. Pinaglumaang cabinet ng pinsan kong si Charisse. Wala pang sampu ang damit ko, pulos galing pa sa ukay ukay. Ang doll shoes ko naman na lumang-luma na nag-iisa lang na ginagamit ko pampasok.

Ganito na ba talaga ako kahirap? Tiningnan ko ang coin purse ko. 50 pesos nalang pala ang laman.

Dapat pala sa sabado ipaglaba ko na ulit si Aling Telma para magkaroon ako ng 300 pesos.

Pero teka, hindi ba't tinaggap ko na 'yung kontrata ni Kyle na maging alipin nya? At ang pagkakatanda ko, base dun sa kontrata, 5k a day babayaran ako ni Kyle. Kyaaaa!

Ibig sabihn pwede na'kong hindi maglaba sa sabado. Pero itutuloy ko pa din ang paggawa ng mga project ng classmate ko. 500 din 'yun. Syempre mayayaman classmate ko eh.

Ganon na kasi gawain ko nung highschool pa.

Hay, mas mabuting isipin ko na nga lang na sideline ko lang ang pagiging alipin kay Kyle. No choice naman, kesa matanggal ako sa skul.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dun.

Binuksan ko yun at mabungaran si Charisse.

"Wala ka bang balak na tumulong sa baba?" Mataray na pagkakasabi niya.

Ang tinutukoy nya ay ang karenderya.

"Bababa na ako. May gagawin lang akong saglit na assignment."

Talaga namang may assignment pako. Para kahit mapuyat ako mamaya eh, ayos lang.

"Assignment! Pwee! Porket sa SWU ka nag-aaral, masyado ka ng mayabang."

Aba, aba?

"Wala akong pinagmamayabang sa'yo, Charisse."

Tinaasan niya ko ng kilay. "Tse, bilisan mo na dyan at sumunod ka na sa baba!"

Umalis na ang bruha. Ang init talaga ng dugo sa'kin ng babaitang 'yun.

Charisse POV

Ay nako! Nakakainis talaga yang Chelsea na 'yan!

Porke ba nakapasok siya sa exclusive school na SWU, pa-importante na sya?

Ewan, basta ako alam ko makakapasok din ako do'n! Sabi ni Mama, hinihintay lang niya ang padalang pera ng Lolo ko na nasa America. Ako kasi ang unang apo nila sa father side ko.

Bale yang si Chelsea, sa mother side ko sya pinsan. Kaya nga pinatira yan ni Mama dito sa'min. Kung 'di lang sya ulila eh! Hay.

Ako nga pala si Charisse Alano. 17 yrs old. HRM sa San Agustin College. Private school din pero maliit lang ang tuition. Hindi naman kasi ako pumasang makakuha ng scholar.

'Yang si Chelsea, sinwerte lang talaga 'yan.

Minsan, nagkakayayaan kami ng mga barkada ko na tumambay sa labas ng SWU, andun kasi ang ultimate crushes namin. Ang guguwapo kaya ng students do'n kaya nga lalong uminit ang dugo ko kay Chelsea kasi dun siya nakapasok. Kainis!

"Charisse, tumulong ka na dito."

"Opo 'ma!"


Chelsea POV

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!