Chapter 43 ♥

544K 10K 836

Chelsea POV

Dito ako sa living room ko. Nanunuod ng TV pero tulala lang.

Almost one hour na ang nakalipas ng manakaw ang first kiss ko pero di pa rin ako maka-get-over.

Waaah! Ang hirap. Diko expect na gagawin ni Kyle yun. Ano nalang mukhang ihaharap ko sa kaniya? My golly naman.

Bzzzttt..

Harujusko! Yung kaba ko, wagas!

Slow motion pa akong tumayo para pagbuksan yung nag-buzzer sa pinto.

Eto na. Sa harap na'ko ng pinto. Hinga malalim tapos sign of the cross.

Bukas.

"Uy crush, bakit parang nakakita ka ng multo?

Ay jusko! Grabe, buti si Adrian pala yun. "A-Ah, wala. Pasok ka." Sabi ko.

Umupo kami dito sa living room. "Brownies nga pala for you.

Wow, may brownies. Mukhang masarap. Hehe.

"Ayt, thank you Adrian. Nag-abala ka pa."

"Napadaan kasi ako sa mall kanina kaya ayun. He-he."

Napangiti naman ako. Bakit ganun, wala na akong awkward feeling para kay Adrian, parang comfortable na ako sa kaniya.

Unlike kay Kyle, ang lakas na lagi ng kaba ko pag kaharap siya.

What's happening on me? Hindi naman ganun dati. Nasisigawan ko pa nga si Kyle eh

Aish. Ayoko munang isipin si Kyle. Naloloka ako.

"Crush, any problem? Natutulala ka?"

Natauhan naman ako sa sinabi ni Adrian. "A-Ah, wala, wala!" Tanggi ko. Naman kasi.

"He-he. Ikaw talaga nobody." Ginulu-gulo pa niya buhok ko.

Ang light lang ng feeling pag kasama ko si Adrian.

"Uy, wag mo namang guluhin buhok ko." Sabi ko nalang.

“Nga pala crush, gusto mo bake tayo ng cookies bukas dito sa unit mo?"

Bigla namang nagliwanag yung mukha ko. Siyempre gusto ko. Waaah! Exciting. "Oo ba! Sige."

"Deal yan ha. Bale bukas. For sure naman, isasabay ka na naman ni Kyle pauwi. Ano bang laban ko dun eh Kamahalan mo yun." Natatawang sabi ni Adrian.

Ngumiti lang ako.

"Puntahan nalang kita dito sa condo mo pag-out natin galing school. Nabasa ko sa fanpage ng school, half-day lang bukas eh. Tapos punta tayo mall para makabili ng ingredients at mga kailangang gamitin sa pagbe-bake ng cookies. Okay ba?"

"Sure, sure! Na-excite naman ako. He-he.

Adrian smiled at me. "Good. Bukas nalang ha. Pahinga ka na."

 Tumango ako. "Okay. Ikaw din."

Hinatid ko siya sa may pintuan. But before saying my goodnight to him, he gave me a peck on my cheeks then ran away to his unit.

Ayt. Hilig na nun magnakaw ng halik. Aish. Adrian. Napatungo ako at pailing-iling nalang ako.

Pagtunghay ko.

Si Kyle nakatayo sa may pinto ng unit nya. Nakita ba niya yung ginawa ni Adrian?

Hanla.

"Si Adrian, anytime pwede kang halikan tapos parang wala lang sayo. Pero nung ako, isang beses lang tapos nasuntok pa. You are so unfair nobody." Kyle said coldly while looking at me.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!