Chapter 17 ♥

566K 10.9K 1.8K

Lance POV

Wow first time. Teka, ano bang kinalaman ko sa mga maiingay na nilalang sa mundo? Oo, tama ka. Ako si Lance Abellano

Cold-hearted

Tahimik

Walang lovelife

Mahilig sa basketball

Mahilig kumain

Half korean ako

Yung mother ko yung korean. Wala na ang nanay ko. Yung bunso kong kapatid na si Fancy. Highschool palang yun dito din sa SWU. Si Adrian at Kyle bestfriend ko na mga yan. Grade 6 kami nun ng maging close kami hanggang ngayon. Nung 2nd year highschool naman kami gumawa ng team sa basketball.

Tama na nga kwentuhan. Dito kami court. May practice kami. Ewan ko ba dito kay Kyle ba't kailangan pa nya papuntahin dito si Chelsea. Nung isang beses, si Adrian ang nagsama sa kaniya. Si Captain Kyle maintindihan ko pa kasi alipin nya yun kaso si Adrian mukhang malakas tama kay Chelsea.

Sabagay..

Maganda naman si Chelsea. Simple lang, walang ka-make-up-make-up sa mukha unlike other girls here in school. Yun nga lang, walang boobs at pwet. Haha

Choosy ako eh. Saka simple din sya manamit. Yung buhok nga nya na hanggang balikat na medyo kulot tinatali pa nya minsan. Hindi marunong mag-ayos.

"Ano po yun kamahalan?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Chelsea habang kausap si Kyle

Malamang may iutos na naman si captain.

"May polbo ka ba dyan sa bag mo?" Tanong ni Kyle

"Meron. Bakit?" sagot ni Chelsea

"Lagyan mo ako sa likod. Ang init eh."  Utos ni Kyle.

Si Kyle nagpapalagay ng polbo? Kelan pa yan natutong magpolbo? Eh di nga yan gumagamit nun. Pag ako naglalagay minsan sa likod, sinasabihan akong bakla. Amputek bakla na si captain?

"Pang-mahirap lang ang polbo ko." Sabi ni Chelsea

"Ganon ba? Sige wag na lang. Baka ma-virus pa ako at malagyan ng bacteria. Hindi ako gumagamit ng mga bagay na  pang-mahirap.

Ang harsh naman masyado ni captain. Pero honestly natatawa ako sa kanila ni Chelsea. Etong si captain makautos wagas, si Chelsea naman maiinis pero susunod din naman.

“ANG SAMA TALAGA NG UGALI MO!" Sigaw ni Chelsea.

Sigawan na naman yan panigurado. Alam na. Nabibingi na nga ako sa dalawang yan. Mapa-room, tambayan at pati dito laging sigawan. Parang ang layo sa isa't isa eh.

“TALAGANG MASAMA UGALI KO!" sigaw naman ni Kyle.

"SALBAHE KA!!!" Pagkasabi nyan ni Chelsea, lumapit siya kay captain at..

"ARAY NAMAN!!!!!!"

"HAHAHAHAHAHA." tawanan ang buong team

Pati ako natawa.

Piningot lang naman ni Chelsea si captain. Eh, wala ngang kumakalaban dyan. Kahit mahawakan lang si Kyle ng kaunti, bubugbugin na nyan kung sinuman humawak sa kaniya ng walang pahintulot. Tapos si Chelsea..

Nagawa siyang pingutin? Hindi nagalit si captain? Para talagang baliw ang dalawang 'to. Pero sa totoo lang, bagay sila..

Bagay silang pag-untugin.

HAHAHAHAHAHHA. Tss. Ang iingay.

"Yan dapat sa'yo!" Sabi ni Chelsea tapos lumapit kay Adrian na nagsusuot ng sapatos sa may bench.

Napansin ko iba ngiti ni Adrian pag magkalapit sila ni Chelsea.

"Hoy Lance kanina ka pa dyan. Hindi ka ba napapanisan ng laway?"

Kahit kelan harsh talaga yang si captain eh. Hindi ko lang pinapatulan. Sa ayaw ko magsalita eh. Tama na yung kaingayan nila. Hindi na ako dadagdag.

"Hindi pa naman." Sagot ko.

"Tara, practice na!" Sigaw nya. "Hoy Adrian, tama na yan, practice na!"

Panira ng moment 'tong si captain. Paano biglang sisitahin si Adrian, nagtatawanan pa naman ang dalawa ni Chelsea. Kung hindi ko lang alam na iba type na babae ni Kyle, iisipin ko nagseselos yan. Imposible.

First love never dies at alam ko yun pa din ang mahal ni captain. Zip mouth na'ko. Baka makapag-kwento ako ng hindi dapat. Malalagot ako kay captain pag nagkataon. 

Pero kung pipilitin nyo ko..

Hindi ko pa rin iku-kwento.

Zip mounth.


Chelsea POV

Naboboring na'ko sa panonood ng practice ng tigers. Wala pa naman si Janna. Ay, makalikot nga 'tong iphone ko. May game na naka-install. Temple run. Malaro nga.

Laro

Laro

Laro

"Ay putek nahulog!" Napasigaw ako.

“Crush, sinong nahulog?" Sigaw ni Adrian

Hanla? Lakas pala ng sigaw ko. Hehe. Sorry naman. First time eh. Nadala ako ng laro. "Wala. Etong nilalaro ko. Sorry naman. Ge practice lang kayo." Sabi ko.

"Sa susunod na man-distract ka, ipapakain kita sa buwaya!" Sigaw ni Kyle

Kahit kelan ang sama talaga ng ugali.

"Ewan ko sayo!"

Tuloy na ulit sila sa practice. Ayoko na nga nitong temple run. Nadadala ako eh. Iba nalang.

Hmmm..

Ah eto! Candy Crush Saga. Ay, kailangan ng facebook? Wala nga ko facebook

Paano ba yun? Aish. Hirap ding maging ignorante. Hehe. Bukas nga matanong kay Janna paano mag-facebook. Nagkalikot pa ako sa iphone ko. Nagpicture na lang ako. Boring eh.

Click!

Ay galing, ang ganda ko! Ahehehe. Walang edit yan. Natural! Picture ulit

Japan, japan!

Pose.

Click!

Ang ganda ko talaga. Hehe.



Kyle POV

"Sa susunod na man-distract ka, ipapakain kita sa buwaya!" Sigaw ko kay nobody.

Basta basta nalang bang sisigaw. Akala ko na kung ano. Nakakadistract kaya.

Sumimangot sya sakin. "Ewan ko sayo!"

Aish. Tuloy sa practice. Habang nagpa-practice di ko maiwasan mapatingin kay nobody. Ampu! Nag-se-selfie ang baliw.

Gusto kong matawa pero..

Pero..

Shit, hindi ako matawa kundi napangiti. Ang cute nya. Shit. Erase, erase! Hindi yan cute.

Ang cute talaga eh. Nagpo-pose pa. Potek. Focus focus!

"CAPTAIN!!!!"

Huli na ng mapatingin ako sa sigaw ng team.

*BOOOGSSHH!*

BLANK. 

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!