Chapter 39 ♥

540K 10.6K 2.7K

Chelsea POV

Maaga akong nagising. Papasok na naman ako. At hanggang kaninang paggising ko, iniisip ko pa din yung mga FANSCLUB nina Kyle at Adrian. Baka sugurin ako ng mga yun. Ayay!

Huminga ako ng malalim saka binuksan ang pinto ko para lumabas na. Nagtext na din si Adrian na palabas na siya.

Nailock ko na rin pinto ko. Pagharap ko.

“K-Kyle????”

Hindi sumagot si Kyle sa halip ay nginitian niya lang ako. OMG. Ano na ba talagang nangyayari? Mababaliw nako kakaisip.

“Crush andito ka na pala-“ natigil yung sasabihin ni Adrian nang makita niya din si Kyle na nasa harap ko ngayon.

“KYLE?”

“The one and only.” Sagot ni Kyle.

Kami ni Adrian parehong shock. Bat yan andito? “Bakit ka nandito??”

“Sabay tayo papasok.” Sabi niya.

“ANO?!” sabay pa kami ni Adrian.

Kyaaaa! Maloloka nako promise!

“Hey Kyle. Lagi kaming sabay ni Chelsea kaya kami na magsasabay.” Sabat ni Adrian na seryosong-seryoso yung mukha.

Tensyon.

Hindi siya pinansin ni Kyle sa halip sakin siya tumingin. “Nobody, tara na papasok na tayo.” Hinawakan niya ako sa kanang braso pero mabilis din akong hinawakan ni Adrian sa kaliwang braso.

Ayan na naman sila. Pambansang laro natin, TUG OF WAR.

“K-Kyle, eh kami ni Adrian magsasabay kasi..” pinutol niya ang sasabihin ko.

“SASABAY KA SA AKIN! THAT’S AN ORDER NOBODY! BAKA NAKAKALIMUTAN MO SLAVE KITA?” ma-awtoridad na sabi ni Kyle. Nanlilisik pa mata niya kay Adrian.

OMG talaga. Hindi ko na sila kinakaya. May point si Kyle, alipin niya ko. May right siyang utusan ako pero si Adrian kasi, siya na yung lagi kong kasabay papasok eh.

Ayan. Hila si Kyle, hila si Adrian. “ANO BA?” sigaw ko. Di ko na napigilan sarili ko. “BABALIAN NIYO BA AKO NG BUTO??”

Sabay silang napabitaw sakin at natahimik. “Bakit ba kayo nagkakaganyan? Bakit ba parang galit na galit kayo sa isa’t isa ha? At anong ibig sabihin ng mga profile picture niyo sa facebook? Ha? Alam niyo bang ginugulo niyo isip ko? Hindi ko na kayo ma-gets.”

Tumingin ako kay Adrian. “Alam kong nagsabi ka na sa akin na liligawan mo ako. Pero anong ibig sabihin nung picture? Ni hindi ko alam yun?” tingin naman ako kay Kyle. “At ikaw Kyle bakit kailangan mong gawing profile picture yung magkasama tayo? Hindi ba’t alipin mo lang ako?”

Huminga ako ng malalim. “ANO NA LANG SASABIHIN NG MGA FANS NIYO?” sigaw ko sa kanila. Tameme silang dalawa. Mabait naman kasi ako diba? Kapag lang talaga ganitong nainis nako di ko na makayanang magsalita.

Masaya naman ako dahil they cares for me. Pero nasosobrahan na sila. “Alam niyo? Akala ko mga babe lang ang mahirap ispelengin. KAYO RIN PALANG MGA LALAKI.”

Grabe hiningal ako sa mga sinabi ko. Pero at least medyo gumaan pakiramdam ko dahil nasabi ko yung saloobin ko.

“Crush, sorry about the picture, hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko. You know how much I like you. I already told you about it. Sorry talaga pero sana wag ka ng magalit sa’kin.” Medyo gumaan pakiramdam ko sa sinabi ni Adrian.

“N-Nobody... ah, eh..”

“ANO KYLE? MAY SASABIHIN KA BA? DAHIL KUNG WALA AALIS NA AKO DAHIL BAKA MA-LATE NAKO. WALA AKONG SASABAYAN SA INYO NGAYON. MAGTA-TAXI NALANG AKO” sigaw ko.

Akma na akong aalis nang mapatigil ako sa sinabi ni Kyle.

“Nobody, I like you too. Hindi ko alam paano nagsimula. Hindi ko alam paano ako nagkagusto sa isang nobody na katulad mo. Hindi ka naman kagandahan. Hindi ka naman sexy. Wala ka ngang boobs at pwet pero gustung-gusto kita. Gusto kong nakikitang masaya ka. Gusto ko ring nakikita kang nakasimangot kasi lalo kang naging cute sa paningin ko. Sa tuwing magpa-pout ka sa harap ko, bumibilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko naman alam na gusto na kita eh. Until Adrian told me na liligawan ka niya. Hindi na ako mapakali mula noon. Ayoko. Ayokong ligawan ka niya dahil gusto kita. Oo mahilig akong manigaw pero sincere ako sa pinapakita ko sayo. Noong late gift ko sayo sa Star City? Pakana ko yun, kinausap ko lang yung prof na bigyan tayo ng ganoong project. Kasi hindi ko alam kung paano kita isu-surprise. At yung picture? It was also a plan. Hindi naman talaga nagpapapasa yung prof natin ng picture. Gusto ko lang magkaroon ng picture dahil kinain ako ng selos ko ng makita ko yung picture niyo ni Adrian. Wala na. Sumabog na talaga ako kaya eto, sinasabi ko sayo. I LIKE YOU at kung nililigawan ka na ni Adrian, liligawan din kita! I really like you nobody.”

Spell, SHOCK.

Hindi ko alam kung anong ire-react ko.

“Argh, it’s so gay.” Narinig ko pang sabi ni Kyle. Nakatalikod na kasi ako sa kanila ni Adrian. Ayokong lumingon. Hindi ko alam.

Ewan?

Liligawan daw ako ni Kyle?

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH.

Lalong gumulo utak ko. Aish. Bakit ba ang lakas ng appeal ko? Shemay naman!

“Kung liligawan ka din ni Kyle, handa akong makipag-kompetensya sa kaniya kahit kaibigan ko pa yan.” Sabi ni Adrian

For real na talaga?

“Handa din akong makipag-kompetensya sayo Adrian.” Matigas na sabi ni Kyle.

“EWAN KO SA INYO!” sigaw ko saka tumakbo na ako sa elevator. Gusto ko munang makaalis sa harap nilang dalawa. Hindi na kaya ng powers ko yung mga sinabi nila.

Hindi pa din ako makapaniwala na si Kyle? Magkakagusto sakin? Simple lang ako pero ayan, dalawang nagga-guwapuhang lalaki pinag-aagawan ako. Paano na lang kung naging sobrang ganda ako?

Shemay.

*

Third Person POV

Nagkatinginan sina Adrian at Kyle nang tumakbo paalis si Chelsea. Walang gusong humabol dahil alam nilang mainit ang ulo ni Chelsea sa kanila.

“Kasalanan mo 'to.” Sabi ni Adrian kay Kyle.

“Paanong naging ako ang may kasalanan?”

“Hindi pala gusto ha?” pangungutya ni Adrian kay Kyle.

Namula ang mukha ni Kyle. Hindi naman niya akalaing masasabi niya yun. Pero totoo ang mga sinabi niya. Gusto niya talaga si Chelsea. Kagabi, halos di sya makatulog hangang sa na-realize niya na gusto talaga nya si Chelsea.

“Hindi pala nagseselos ha?” tuloy ni Adrian.

“Shut the fuck up Adrian!”

Ngumisi lang si Adrian. “Akala mo ba papatalo ako sa'yo? ako ang nauna sa kaniya. Asungot ka lang.”

“ANO? At sa tingin mo papatalo din ako sayo?”

"Ang pagkakaalam ko, ayaw ni Chelsea ng sinisigaw-sigawan siya. Edi talo ka na agad Kyle?"

"Hindi ba pwedeng magbago? Ha? Talo agad?"

“May the best man win.” Hamon ni Adrian.

“Nasa akin ang huling halakhak Adrian, tandaan mo yan.” Banta ni Kyle. "I will never let her fall for you dahil lahat gagawin ko para ako ang magustuhan niya."

"Tingnan nalang natin. Gawa nalang wag puro salita. Mula ngayon, kakalimutan ko munang kaibigan kita dahil mula ngayon, karibal na ang turing ko sa'yo."

"Same to you Adrian!"

Halos mag-apoy na ang mata nila sa pagtititigan ng sabay na tumunog ang cellphone nila.

KRIINNNNNNNG!

“Shit late na!”

“Damn!”

Sabay nilang sabi saka nagtatakbo na pababa.


Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!