Chapter 69 ♥

565K 9.9K 2.7K
                                    

Chelsea POV

Asan kaya si Kyle. Lunch na pero wala siya. Tinanong ko si Adrian, wala naman daw sa tambayan nila.

Nag-aalala tuloy ako. Ano na kayang nangyari dun. Galit pa naman sakin yun. Kasi 'tong bibig ko, sinungaling eh. Aish.

Krrrriiiinnnngggg..

Napatingin ako sa iphone ko.

Gummy Bear calling..

Bigla akong kinabahan. Hanla.

I answered the call. "Hello."

[Pumunta ka dito sa mansyon. Ngayon na. No more excuses.]

"Per---"

*toot toot*

Hanla. Binabaan ako. Bakit ganoon? Parang kinabahan ako bigla. Parang feeling ko may mangyayaring di maganda? Anu bayan.

Dali-dali akong nag-ayos ng gamit ko. Aabsent nako. Kelangan kong puntahan si Kyle. Seryoso sya. Hindi ko sya pwedeng suwayin.

Buti nalang naka-para agad ako ng taxi paglabas ko ng school. Ilang minutes lang naman papunta kina Kyle.

After ilang minutes andito na rin ako sa mansyon nila. Pagkabayad ko kay manong driver, tumakbo na ako papasok ng gate nina Kyle. Sinalubong naman ako ni Butler at sinabi saking dumiretso ako sa kwarto ni Kyle.

Akyat.

Takbo.

Bzzzzttttt..

Syempre kailangan ko pa din mag-buzzer kahit girlfriend na niya ako.

Nagulat ako ng pagbuksan ako ni Kyle ng pinto. "Gummy bear.."

"Come in." seryosong sabi niya. Ramdam ko yung cold treatment niya.

Umupo ako sa couch. "Gummy bear, may problema ba?" tanong ko sa kaniya.

Naglakad siya papalapit sa kinauupuan ko saka may inihagis na pictures sa center table.

Ako ang nasa picture.

Teka..

Hinawakan ko ang picture. Hindi ko 'to alam . Kelan nangyari 'to?

"NOW TELL ME WHO THE HELL IS THAT GUY?!" sigaw ni Kyle na ikinasindak ko.

I looked at him and i see his eyes burning. "Kyle.."

"WHAT?"

"Hindi ko 'to alam.."

He gave me his fake smile. "Really? Pati ba naman yan itatanggi mo pa? Damn it nobody! Kitang-kita na! Niloloko mo ako!"

Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako kay Kyle. Naiiyak na ako. Wala akong alam sa picture na ito, hindi ko nga kilala ang lalaking ito at kelan 'to nangyari. Paano to nangyari.

"Kyle hindi ko talaga alam 'to.."

*BOOGSSHH*

Itinaob ni Kyle yung center table. Basag ang salamin. "MAGALING KA DING MAGSINUNGALING 'NO? NILOLOKO MO AKO! SHIT LANG DAHIL WALA AKONG KAALAM-ALAM! GINAGAWA MO LANG PALA AKONG TANGA!"

Naiyak na'ko. Diko na kinakaya ang galit ni Kyle. Takot na takot ako. Nanlilisik na yung mga mata niya sakin. "Kyle maniwala ka sakin. Di ko alam yan."

"THEN WHAT? NA IMBENTO LANG 'TO? FOR PETE SAKE AYAN NA ANG PICTURE! MALINAW NA MALINAW, IKAW YAN! IKAW!!"

Napapahagulhol nako ng konti. Ayaw maniwala ni Kyle. "Kyle diko talaga alam. Hindi kita niloloko. Diko yan kilala. Baka...baka setup lang yan."

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon