Chapter 27 ♥

564K 10.2K 458


Chelsea POV

Sa school..

Grabe, si Janna at Adrian close na rin pala. Aba, ayun sa may pinto mukhang seryoso pinag-uusapan. Ayt nagseselos na'ko. Hoy, hindi dahil may gusto ako kay Adrian ha. Eh kasi friend ko sila pareho. Eh para akong alone dito eh.

"Hoy nobody!"

Napalingon agad ako sa sigaw ng kamahalan. "Yes po, kamahalan?"

"Selos ka?" Tanong nya habang nakangisi. Mukha pa siyang nang-aasar. Nginunguso pa niya sina Adrian at Janna.

Sumimangot ako. "Hindi 'no!" Tanggi ko. Adik ba 'tong si Kyle.

"Kunwari kapa. Tch." Narinig kong sabi niya.

Diko nalang sya pinansin. Naghalumbaba na lang ako dito sa desk ko tapos muni-muni.

Grabe, birthday ko na pala bukas. Hehe, mamaya isip ako saan magandang kainan para ma-treat ko naman sina Janna at Adrian. Sila lang close friends ko eh.

Dami pa'ko ipon. Ahehe. At dahil friday ngayon, sasahod din ako kay Kyle mamaya ng tumataginting na 25k + 10k dahil sa paggawa ko ng project nya. Ayeeee!

Dami na'ko ipon. Hehe. Dapat nagpapagawa ako ng ATM para maitago ko yung pera. Magagamit ko yun for future matters.

Magpaturo pala ako kay Janna mamaya. Hehe.

"Chelsea!" Magiliw na tawag sakin ni Janna habang papalapit sila ni Adrian sa'kin.

Ngumiti lang ako.

"Lalim ng iniisip ah?" Puna ni Adrian saka naupo sa upuan niya. Si Janna umupo na din.

"Hindi ah. Hehe." Tanggi ko.

"Mall tayo later." Yaya ni Janna sakin.

Bumilog ang mata ko habang nakangiti. "Tamang-tama, yayayain din kita. Eh, papaturo sana ako sa'yo paano kumuha ng ATM. Alam mo na, yung nakukuha kong sweldo ko Kyle, iipunin ko. Mahirap naman kung lagi lang nasa wallet ko." Sabi ko sa mahinang boses lang syempre.

Diba nga si Janna lang at tigers ang may alam na alipin ako ni Kyle.

"Yun ba, sureness!" Nakangiting sagot ni Janna. Bait nya talaga. Hehe.

"Wala yatang klase. Wala pa prof. 30minutes late na ah." Sabi ni Adrian.

Tumango ako. "Oo nga eh." Kanina pa kaya boring kasi wala pa prof. Last subject pa naman namin 'to.

"Hoy nobody."

Ayan na naman ang kamahalan. For sure uutusan ako nyan.

"Bakit po kamahalan?" I gave him my fake smile.

“Pumunta ka mamaya sa bahay. Ipaglinis mo ako ng kwarto." Sarkastikong sabi niya.

Sabi na nga ba eh. Napatayo ako. "ANO?"

Kasi naman..

"May reklamo?"

"May lakad kami ni Janna eh." Napakamot ako sa ulo ko. Bakit ba laging wrong timing tong si Kyle?

Kainis. Makakatanggi ba ako?


*

Adrian POV

"Pumunta ka mamaya sa bahay. Ipaglinis mo ako ng kwarto." Narinig kong sabi ni Kyle kay crush.

Wrong timing tong si Kyle. Hindi pwede, mamaya siya ibibili ni Janna ng isusuot bukas sa birthday party na hinanda namin. Matatagalan sila dun sa mall kaya kailangan dumiretso na sila dun pagka-out namin dito sa school.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!