Chapter 57 ♥

511K 9.7K 1.7K

Chelsea POV

We are walking towards the hallway. Ang intense lang ng feeling.

Alam nyo kung bakit?

Kasi naglalakad kami habang pinag-gigitnaan ako nina Adrian at James. Akalain mong ka-floor din namin siya?

Shemay naman. Si James ganda ng ngiti habang tinitingnan ako. Si Adrian naman, sama makatingin.

"Ah, eh. James dito na kami ni Adrian."

Andito na kasi kami sa may tapat ng unit namin ni Adrian.

Lumuwang yung ngiti ni James. "Eh dyan lang yung unit ko eh."

Paano ba naman, yung tinuturo niyang unit niya daw ay yung katabi ng kay Kyle. Bale katapat ng kay Adrian.

Sumobra na yung coincidence na nangyayari samin ni James. Di na kinakaya ng brain cells ko. Promise!

"Paanong dyan ang unit mo?" Gulat na gulat na tanong ni Adrian.

James smiled a bit. "Dahil yang unit na yan ang kinuha ni Lance. Katabi daw kasi niyan ay yung kaibigan niya."

Napaisip ako. So si Kyle yung tinutukoy niyang katabi niya na kaibigan ng half-brother niya.

Grabe lang talaga.

"Sige na. Pumasok ka na sa unit mo." Utos ni Adrian.

Hanla?

"Hindi Adrian. Mauna ka na kasi ihahatid ko pa si Chelsea sa unit nya." Nakangiting sagot ni James.

Parang sumama lalo ekspresyon ng mukha ni Adrian. "Eh ayan lang unit ni Chelsea. Ako na bahala sa kaniya. Sige na mauna ka na pumasok."

"Hindi, mauna ka na."

"James mauna ka na."

"Hindi Adrian ikaw na."

Ano 'to? Deja vu?

Parang Kyle at Adrian lang?

Psh. "Tumahimik nga kayong dalawa! Buti pa mauna na akong pumasok sa inyo. Bye."

Madali akong pumasok sa unit ko. Diko na nilingon yung dalawa. Ang kulit kasi. Aish. Nadagdagan tuloy sakit ng ulo ko. Grabe lang.

Hays. Diko din maintindihan ba't ganon naman si Adrian. Bakit masama tingin nya kay James? Eh ang bait-bait kaya nun saka friend ko na sya eh.

Isa pa, medyo naaawa ako sa kaniya kasi mag-isa lang pala sya dito. Tapos dipa sya ganun ka-pamilyar sa pilipinas. Tapos sabi nga nya di sila close ni Lance. Asa kapa kay Lance.

Naupo ako sa couch saka isinandal sandali ang ulo ko sa headrest.

Kkrrriiinnng!

Tumutunog iphone ko. Dinampot ko yun sa tabi ko na nakapataong sa couch kung saan ako nakaupo. Hindi ko na tiningnan kung sino tumatawag. Medyo masakit talaga ulo ko.

Pinindot ko na ang answer button nang hindi nakatingin. Nanatili akong nakasandal dito sa couch.

[Nobody.]

Napabalikwas ako mula sa pagkakasandal nang marinig ang boses na yun.

Yung boses ng taong dahilan ng kaguluhan sa isip ko. Ang taong naging dahilan ng pagiging malungkot ko.

Isang araw din syang hindi nagparamdam sakin. "A-Ah.."

Grabe parang wala naman ako masabi.

[Pumunta ka dito sa mansyon. Ngayon na.]

Hanla? Wala pala sya sa unit nya?

"Eh Kyle.."

[That's an order.]

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!