Chapter 8 ♥

577K 12.5K 1.8K

Chelsea POV

Kanina habang wala pa ang prof sa last subject, nilista ko na yung mga bibilhin kong school supplies.

Eto listahan ko.

Red Ballpen
Black Ballpen
Yellow Pad
Bond Paper
Colored Paper
Pencil
Eraser
Sharpener
Notebooks
Crayon
Ruler
Manila Paper
Folder
Plastic Cover
Sliding Folders

Ayan. Dami kong bibilhin. May project kasi. Buti nalang may pera ako. Hehe. Inayos ko na gamit ko. Uwian na eh.

4pm kasi labas ko.

"Hoy nobody."

Naku naman. May iuutos na naman panigurado 'tong Kyle na'to. "Ano?"

Try ko magsungit. Ahaha.

"Sumama ka sa'kin sa mall ngayon."

Ano? Mall? Eh pupunta naman talaga ako do'n eh? Pero bakit nya ko niyayaya? "Bakit? May lakad ako."

"5k."

Ayan na naman ang magic word nya. Badtrip 'to.

"Bakit ba kasi?"

Naiinis ako. Excited pa naman ako mag-shopping sa National Bookstore.

"Marami akong bibilhin sa National Bookstore." Sabi nya.

Eh? Pareho kami ng pupuntahan? Sabagay may project nga kasi kami.

"Ano namang kinalaman ko d'on?"

Pwede naman na sya nalang eh. Para bibili lang.

"Pagkatapos bumili, iuuwi mo 'yon dahil igagawa mo ako ng project." sabi ni Kyle

Lechugas!

“Ako pa gagawa ng project mo?”

Anak naman ng teteng oh!

"Talent fee." Sabi ni Kyle

$___$

Tumataginting na 10k ang talent fee. Kyaaaa. Hindi ko uurungan yan. Ahahaha.

"O, tara? Ano pang tinatayo-tayo mo dyan?"

Sinakbit ko na bag ko at nauna ng maglakad.

Lakad

Lakad

Dito kami parking lot.

Buti buhay pa'ko.

Mamamatay na'ko sa sama ng tingin ng mga estudyanteng nadadaanan namin kanina eh. Pa'no ba naman, kasabay ko maglakad si Kyle. Medyo nauuna pala sya ng konti. Ba't ba ang dami nitong fans kahit masama ang ugali? Aish.

"Get in." Kyle

"Ha?"

"Nobody, kailangan ko pabang tagalugin?"

Init ng ulo. Saka bakit ba nobody tawag nito sa'kin? Banatan kita sa lungs eh.

"Oo na. Sasakay na."

Narinig ko singhapan ng mga babaeng nasa may parking. Pa'no ba naman eh sumakay nga ko sa kotse ng kamahalan.

"Sino sya?"

"Oh my god! Don't tell me pinatulan sya ni prince Kyle?"

"Katapusan na ng mundo!"

"Anong meron sa babaeng yan?"

"Ginayuma niya ang prince natin."

Yan. Sari-saring sinasabi ng mga babae dun. Parang mga engot. OA magreact. Para nakasakay lang sa kotse, girlfriend agad? Aish.

Lalandi.


Kyle POV

Dito na kami sa National. Sinama ko si nobody para iuwi na din nya. Syempre sya gagawa ng project ko. Para san pa at slave ko sya? Tatanggi pa nga kanina.

Buti napapayag ko dahil sa talent fee. Mukhang pera 'tong si nobody. Ang dami na namin nabili. Kasi bumili na rin sya ng mga gamit nya. Nagulat nga ako kasi may mga ballpen at notebook pa.

Wala pa ba syang gamit? Ako puro coloring materials lang at illustration board para sa project. Dahil mabait naman ako, ako nalang magbabayad ng lahat pati yung kay nobody.

Wala man akong puso, mabait pa din ako.

Haha. Joke lang. Hindi ako mabait. Galante lang talaga ako. Wala na kasing mapaggamitan ng pera.

"Kyle ako na ang magbabayad nitong sa'kin." Sabi ni nobody

"Ako na. Kawawa ka naman. Mahirap ka pa naman."

 Nang-aasar kong sinabi yan sa kaniya. Nag-pout sya.

Shit. Teka. Bakit parang..

Parang kakaiba yung na-feel ko. Shit, bakit parang naku-cute-an ako sa kanya pag nagpa-pout sya?

Erase.

Erase.

Hindi sya cute. Isa syang nobody. Aish! Binayaran ko na lahat. Potek naman!

"Hoy Kyle baka gusto mo'kong tulungang bitbitin ang mga 'to?" sabi ni nobody

"Slave kita di ba? Wala kang karapatang utusan ako." Sagot ko.

Babae man siya, slave ko pa din sya. Buhatin mo mag-isa!

"So rude."

Napatingin ako kay nobody. "May sinasabi ka?"

"Wala. Sabi ko ang gwapo mo."

Halata namang fake smile. Batukan ko 'to eh. Napahawak ako sa bandang puso ko. Iba talaga eh. Nasosobrahan na yata ako sa kape, ninenerbyos nako.

Pero teka?

Di naman ako nagka-kape. 

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!