Chapter 37 ♥

542K 10.9K 1.9K

Chelsea POV

“Ano.. ah..ah, I like you!”

Oh my..

I heard it clear.

Teka, he likes me? Si Kyle? Si Kamahalan? As in si Kyle Shin-Woo na kamahalan ko na anak ng may-ari ng school na nasa harapan ko ngayon?

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

What to do. What to do.

Masyado na ba talaga akong maganda para.. para magustuhan nila? Si Adrian kakasabi lang na liligawan nya ako tapos ngayon, si Kyle.. si Kyle, gusto daw nya ko!!!!!!!!!!!!!

What to do. SHOCKED AKO AS IN!

Pinilit kong kumalma. Tama, I will act na parang hindi ko narinig yung sinabi niya. Kilala ko na tong si Kyle. Sweet yan talaga pero walang modo. Haha.

Chelsea, kalma, kalma!

“HOY NOBODY, Sabi ko I like carbonara! Tara kain tayo. Ayan oh.”

Like what I’m saying. Kilala ko na yang si Kyle. Defensive ang mokong! Kalma lang ako, kalma lang.

Buti medyo napapaklama ko na sarili ko kahit gusto ko ng magsisigaw dito. “A-Ah sige.” Sabi ko nalang.

Pero, gulat talaga ako. Parang di pa din ako makapaniawala sa narinig ko.

 
I like you..

I like you..

I like you..

I like you..

I like you..

KYAAAA! Gusto ko ng magsisigaw. Aish.

“UMAYOS KA NGA! MALI KA NG RINIG! MAGLINIS KA NGA NG TAINGA MO!”

Grabe lang ha. Nawala tuloy yung kabog ng dibdib ko. Putek talaga tong si Kyle. Napaka-defensive eh. Rinig na rinig ko kaya. Walang diperensya ang tainga ko 'no! Kainis talaga. Sasabihing gusto ako tapos ganyan?

Buti pa si Adrian. Aish. “Ewan sa’yo Kyle! Hindi naman ako nagsasalita dito, daldal ka ng daldal dyan! Defensive ka bwisit!” sigaw ko saka naupo nalang at tinuon pansin sa carbonara.

Grabe talaga yang si Kyle. Hindi naman sa nagmamaganda ako pero ikaw ba naman, sasabihan  ka ng I like you sabay bawi. Bwisit syaaa!

“KAPAL NG MUKHA MO! AISH.” Sigaw sakin ni Kyle. Aba’t nakakapuro na sakin. Sya pa galit ha? Sa inis ko, kumuha ako ng carbonara at isinaksak sa bibig niya.

“Asdfghjkl.” Si Kyle hindi na makapagsalita ng ayos. Yan dapat sayo. ”Kumain ka na dyan. Puro ka satsat. Nakakabingi ka na.” sabi ko saka kumain na din.

Hayyysss. Ewan pero nabubwisit talaga ako kay Kyle. Gusto ba talaga nya ako? Aish. Binigyan pa ako ng iisipin eh. Sarap pektusan talaga ng lalaking ‘to.

Pero teka. Bat naiinis ako?

Eh kasi naman KINIKILIG AKO!

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” wala na di ko na napigilang sumigaw. Wala eh, kilig talaga ako dahil sa sinabi niya. Gwapo kaya nyang si Kyle kahit walang modo.

Sinong hindi kikiligin pag sinabihan ka ng I like you diba? Kaso panira tong si Kyle, siguro nung nagsabog ang diyos ng ka-sweet-an, nasa ilalim yan ng lupa, natabunan kaya hindi nakasalo kahit katiting.

“Bakit ka sumisigaw dyan?” tanong ni Kyle.

Sumimangot ako. “WALA! Kumain na lang tayo. Panira ka talaga ng moment.” Sabi ko.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!