Chapter 68 ♥

460K 7.7K 896

Chelsea POV

Aww. Sakit ng ulo ko. Kakagising ko lang. 

Pero teka? Asan ako? 

Nang magmulat ako ng mata ko, nakita ko si Mandy. "Mandy?"

"Hey Chelsea. Nawalan ka ng malay. May sakit ka ba?" Tanong nya.

Napansin ko nasa kwartong puro puti lang ang nakikita ko. "Asan ako?"

"Hospital. Hindi ko kasi alam gagawin sayo. Bigla kana lang nawalan ng malay."

Ano bang nangyari sakin. Aish. "Eh anong oras na?"

"11pm."

Hanla. Gabi na. Bakit ba'ko nawalan ng malay?

Dali-dali akong bumangon. "I need to go. Kailangan ko ng umuwi." Sabi ko saka nagmamadaling lumabas ng hospital.

Narinig ko pa yung sigaw ni Mandy bago ako makasakay ng taxi pero diko nalang pinansin. Hanla. Di pa ako masyadong nakaka-review. Paktay ako.

Shocks! Yung iphone ko. Kinuha ko iphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

521 missed calls
216 message

Paktay ako kay Kyle.

Tiningnan ko ang message.

From: Gummy Bear
Where are you?

From: Adrian
Crush, asan ka? Nag-aalala na kami dito.

From: James
Chelsea, san ka nagpunta? Wala ka dito sa unit mo. We are worried about you.

From: Gummy Bear
Kanina pa ako tumatawag bakit di mo sinasagot?

From: Gummy Bear
Wala ka sa unit mo. Saan ka ba nagpunta?

From: Gummy Bear
Damn! Please answer my damn calls!

Hanla! Pumunta si Kyle sa unit ko? Hanla talaga. Anong sasabihin ko? Hindi ko pwedeng sabihin na nagkita kami ni Mandy. Magagalit yun lalo.

Bahala na.

*

Kyle POV

Kanina pa'ko nag-aalala kay nobody. Pati si Adrian binulabog ko na para mabuksan ang pinto ng unit ni nobody pero wala pala siya dito.

Andito ako sa salas ng unit nya. Hinihintay siya kasama sina Adrian at James

Baka mamaya kung ano ng nangyaring masama sa kaniya. Kanina pa din ako tumatawag pero di niya sinasagot.

May sumagot pala. Isang beses. Boses lalaki. He just told me, 'Don't disturb us.'

Who the hell is he? Kaya nga gusto ko ng makita si nobody. Ano bang pinaggagagawa nun? Kala ko ba magre-review sya?

Hindi ako mapakali lalo na dun sa lalaking sumagot ng tawag ko. Niloloko ba ako ni nobody? Hindi naman siguro.

Nobody, asan ka na ba. Hihintayin ko siya at hindi ako aalis dito hangga't wala siya.

"Adrian, James pwede na kayo umuwi sa unit nyo. Ako na bahala kay nobody." Sabi ko sa dalawa.

"Gusto ko din sana maghintay." Sabi ni Adrian.

"No need. Ako na bahala. Balitaan ko naman agad kayo pag dumating na sya." Pagpipilit ko.

We have something to talk about ng kami lang.

"Okay." Sabi ni James.

"Text mo nalang ako 'pag dumating na siya." Paalala ni Adrian.

Tumango lang ako sa kanila at sinundan sila ng tingin palabas ng unit ni nobody.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!