Chapter 26 ♥

599K 10.8K 1.2K

Chelsea POV

"Uwi na ako." paalam ko kay Kyle. Tutal nakanuod na naman kami ng movie at tapos na din yung project namin.

Hindi ko na nga namalayang naka-idlip na'ko dahil sa kadamutan ni Kyle ng cake. Oo nga pala, makakapasok na ko ulit bukas.  

Malamang ang dami kong hahabuling lessons. Kainis! Pero at least medyo gumaan pakiramdam ko habang nakakasama si Kyle ng matagal. Yung tipong mas nakikilala ko siya. Mas nagiging aware ako sa ugali niya.

Nakaka-enjoy din naman palang kasama si Kyle. Sweet din siya. Sa una lang tapos biglang babawiin. Psh. Walang modo lang talaga yung si Kyle eh.

"E'di umuwi ka. Syuuu!" Tinaboy pa ako ng walang modo kong kamahalan. Napakasama talaga ng ugali ng lalaking 'to.

Sumimangot ako. "Kelan ka kaya babait sakin." Bulong ko habang inaayos yung gamit ko na iuuwi ko.

"May sinasabi ka nobody?" Tanong ni Kyle na masama ang tingin sakin. Para na akong lalamunin ng buhay.

"Wala po kamahalan. Sige po, aalis na ako." Sabi ko saka lumabas na ng pinto.

Aish. Hanggang nagyon nalilito pa rin ako dito sa bahay nina Kyle. Gano kaya sila kayaman para magkaroon ng ganito kalaking bahay? Sana ako din. Ahehe. Makasali nga sa Deal or No Deal. Baka manalo pa ako ng 2million o 1million. Hakhak.

O kaya, sali kaya ako sa The Voice? Malaki premyo din dun.  Magaling naman ako kumanta.

I set fiiiiiiiirrrrrreeeee to the rain!

Sample palang yan. Mala-anne curtis boses ko men. Hay, kelan kaya ako yayaman tulad ni Kyle o ng iba ko pang classmate? Pero sabagay. Money doesn't matter to me. Ang mahalaga, may friends na'ko. Andyan si Janna at si Adrian na ang babait talaga sakin.

Tama na. Nagiging ma-drama na'ko. Hehe. Malapit na pala ako sa bahay. Kanina pako naglalakad-lakad eh. Pagpasok ko dito sa kwarto ko inilapag ko muna bitbit ko sa single bed ko tapos nagpalit ako ng damit pambahay. Na-excite ako bigla na tingnan yung binili kong bag at wallet. Yehey, ganda talaga ng bag. Nilipat ko na yung mga gamit ko dahil ito na yung gagamitin ko bukas pagpasok. Kinuha ko yung wallet kong hello kitty na magre-resign na pati yung maliit kong sobre na inipit ko sa ilalim ng foam ng kama ko. Laman nun yung bayad sakin ni Kyle. Iniipon ko syempre.

Nilagay ko na lahat yun sa bago kong wallet. Katuwa.

Nakuha ko na yung bag at wallet sa plastic pero napansin ko parang may laman pa yung plastic kaya sinilip ko.

May chocolate? Tatlong malalaking bar ng chocolate? Paano napunta 'to dito? Kinuha ko yun tapos napansin ko may post-it notes palang nakadikit.

Nobody sa'yo nalang yan. Mayaman naman ako. Marami akong pambili nyan. Saka malapit na expiration nyan kaya ko binigay sa'yo. Wag kang assuming. -Kyle
 
I smiled. Yang si Kyle, harsh talaga yan magsalita. Pranka at walang modo pero alam kong mabait pa din sya deep inside. Yang mga kabutihang ginagawa niya, dinadaan lang niya sa bastos na paraan. Hahaha Mas nakikilala ko na sya habang tumatagal.

Van Houten. Yan name ng chocolate. Napatingin naman ako bigla sa expiry date. 2014 pa ah. Si Kyle talaga magdadahilan lang, sablay pa. Pero di bale, mag-thank you ako sa kaniya bukas.

Tulog na'ko. Aga pa pasok bukas eh. Goodnight.

-

Kyle POV

The next day..

Maaga akong pumasok kasi kinausap ko pa yung Dean namin regarding sa absent namin ni nobody. Kahit papaano ayoko din mapasama yung grade at attendance niya. Pero wala eh, alipin ko sya kaya kailangan din niyang um-absent.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!