Chapter 48 ♥

528K 9.9K 2.3K

Chelsea POV

Natapos yung movie. Naiyak nga ako kanina ng pa-simple. Kaiyak kaya yung ibang scenes.                

“Nobody..”

Talagang nagiging magugulatin na ako ngayon sa tawag ni Kyle eh. Kung anu-no kasi sinasabi at ginagawa. Parang timang.

“Bakit po Kamahalan?” tanong ko.

“Diba slave kita?”

Ayan na naman siya sa slave thingy tapos kalokohan naman ang iuutos. Psh.  “Oh, ano nga po Kamahalan?”

Grabe lang. Ngalay na’ko sa pagtunghay. Si Kyle kasi nakatayo na. Ako andito pa sa couch nakaupo.

“Inuutusan kitang dito ka na matulog sa unit ko. Tabi tayo.”

Makaka-pektus talaga ako ng wala sa oras. “Ulitin mo nga sinabi mo Kyle.” Sabi ko sa kaniya ng nanlilisik ang mata at umuusok ang ilong.

“He-he, wala. Sabi ko maaga kang matulog kasi may pasok pa tayo bukas.”

Takot din pala eh. Psh. Nanliligaw palang siya ‘no. Kung maka-asta kala mo, boyfie na eh. Tumayo na ako. “Sige, uuwi na ako Kamahalan.” Sabi ko.

Lumapit siya sa akin at..

“Bakit mo ako niyayakap?”

Hindi siya sumagot bagkus, mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa’kin.

“Kyle?”

Bumitaw na siya pero nakatingin pa rin siya sakin. “Aish, hindi ko man lang naramdaman ang chest mo. Masyadong flat.”

“ANONG SABI MO KYLE????”

Nag-uusok ilong ko. Langyang Kyle, ayun nagtatakbo papuntang kusina. As if naman hahabulin ko siya. Gago talaga yang si Kyle. Lagi na lang napapansin yung chest ko. Bakit ba?

Aish. “Uuwi na nga ako!” nakasimangot na sabi ko saka nagsimula ng mag-martsa palapit sa pintuan.

“Nobody! Di ka na mabiro. Hoy amo mo pa din ako baka nakakalimutan mo.” Sabi niya.

Nag-nod lang ako. “Sige na. Uuwi na ako sa unit ko.” Paalam ko.

“Okay. i-lock mo mabuti pinto mo ha?”

I smiled. Napaka-caring naman ni Kamahalan.

“..baka kasi pasukin kita mamaya sa unit mo. HAHA.”

Aish! Walang hiya talaga ‘tong si Kyle. Adik! “Ewan sayo! Baliw!” sigaw ko saka tumulan ng lumabas ng unit niya.

Open ng pinto sa unit ko.

Pagpasok ko, napahinga ako ng malalim. Grabe, di pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina.

Shemay, kinikilig pa din ako! Awtsu.

Napahawak na naman ako sa labi ko. Nakakailan na si Kyle sakin ah. Kinuha na nga niya first kiss ko. Pati ba naman second kiss at third kiss?

Psh. Pero, at least, masaya talaga ako ngayon dahil back to reality na kami ni Kyle.

Pumunta na ako ng kwarto bago pa ako makapag-daydreaming. Kailangan ko na rin matulog. May pasok pa bukas.

*

Kyle POV

Daig ko pa ang bading na kinikilig ngayon. Tangina!

Nahalikan ko si nobody, dalawang beses pa. Isa pa, masaya talaga ako dahil sa sinabi niya sakin kanina. Hindi ko din in-expect yun kahit pa narinig ko na sa kaniya kagabi na mahal niya ako.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!