Chapter 41 ♥

596K 10.6K 3.8K

Kyle POV

 "I'm living next door. In front of your unit. Kakalipat ko lang kaninang umaga." Sabi ko kay nobody.

"ANO??" Sabay pang sabi nina Adrian at nobody.

Kala nyo ha. Haha. "Surprise?" Tanong ko sa kanila.

"Kaya ba andun ka na agad kaninang umaga?" Tanong ni nobody

Tumango ako. "Yeah."

"Hindi ka talaga papatalo Kyle 'no?" Sarkastikong sabi ni Adrian.

"You know me. Kelan pa'ko nagpatalo?" Hamon ko sa kaniya.

Akala ba nya hindi ako seryoso kay nobody? Nagkakamali siya. Lahat kaya kong gawin.

"Psh." Adrian. "Dapat pala nagmonitor ako ng mga kumukuha ng unit sa building namin para napigilan kita." Parang nang-aasar na sabi ni Adrian.

"Kung nagkataon naman na pigilan mo ako, bibilhin ko building niyo para wala ka ng masabi." Nang-aasar ko ding sabi. Akala niya talaga papatalo ako sa kaniya?

Hindi muna tayo magkaibigan ngayon.

“Pwede bang tumigil na kayong dalawa? Nakakabingi kayo." Sigaw ni nobody.

Highblood na yan ngayon. Hindi ko na nga napapanindigan ang maging amo niya. Parang nabura na yung tungkol dun dahil nililigawan ko na siya. Pero okay pa din kasi para naman na sakin yung mga uutos ko sa kaniya. Haha. May advantage pa din ako kay Adrian.

"Sorry crush." Sabi ni Adrian. Pa-good boy effect, pwe!

"Nobody, sakin ka na sumabay. Hindi porket nililigawan na kita, pwede mo na'kong suwayin. Slave pa din kita. May kontrata tayo." Sabi ko. Syempre may kasamang pananakot yan. Kala nyo ha.

"Fine." Sabi ni nobody na naging dahilan upang ngumiti ako. Haha.

Humarap muna sya kay Adrian. "Adrian sa kaniya nalang ako sasabay. KAMAHALAN ko kasi yan eh."

Aba, talagang diniin pa ang salitang kamahalan?

"Sige basta ingat ka. Manyak pa naman yang si Kyle." Sabi ni Adrian saka mabilis na tumakbo sa kotse niya.

Amputek na'tong si Adrian. Siniraan pa'ko. Langya. "Wag ka maniwala dun." Sabi ko

"Hinihingi ko ba paliwanag mo? Tara na kamahalan, baka nangangalay na kayo tumayo dyan." Sabi nya na may magalang effect pa pero fake naman.

"Tch." Sumakay nako ng kotse ko. Nang makasakay sa passenger seat si nobody, pinaandar ko na car engine.

*

Chelsea POV

Grabe. Talagang bumili din ng unit si Kyle sa building nina Adrian? At sa tapat ko pa? Aish. Daig ko pa bilanggo sa dalawang yan. Daig ko pa presidente eh, may dalawa akong nagga-gwapuhang PSG.

Tahimik lang kami ni Kyle kanina sa kotse niya. Nagpanggap pa nga akong tulog. Haha. Syempre, inis ako pero may kilig din syempre. Hindi ko itatanggi yun.

Dito na kami sa hallway ng unit namin. "Pasok nako. May utos kapa ba Kamahalan?"

"Meron."

Sabi na nga ba. Yan pang si Kyle. Hilig mag-utos. "Ano po yun Kamahalan?"

"Inuutusan kitang mahalin mo ako."

"Joke lang. React agad. Sinubukan ko lang mag-pick-up line. Geh, magpahinga ka muna then mamaya text kita. Sasama ka sa practice ng tigers mamayang hapon."

Speechless pa din ako.

"Sige na. Pasok na'ko sa condo ko." Sabi nya saka tuluyan ng pumasok sa unit nya.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!