Chapter 14 ♥

571K 11.1K 631


Kyle POV

Sa bahay..

Medyo hilo ako. Nakainom eh. Pagpasok ko sa kwarto ko, napaupo talaga ako sa hilo. Aish. Buti  nakauwi pako ng ayos. Dinukot ko cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

Dialling Nobody..

[At bakit naman?]

Ayos pambungad ah. Pektusan ko kaya 'tong babae na ito? “Pumunta ka dito sa bahay.” utos ko.

Kailangan ko ng alipin. Bakit ba kasi ngayon ko lang naramdaman yung pagkahilo.

[Busy ako]

Aba choosy.

“5k”

[Kainis ka Kyle! Kanina tinatawagan kita tapos ngayon tatawag ka!]

Galit pa? Tae naman. “5minutes. Pag wala ka pa, you’re dead!” Pinatay ko na tawag.

Bwisit! Pag ganitong nahihilo na talaga ako eh
 Sinandal ko muna ang ulo ko sa head rest ng couch ko Maya-maya napatingin ako sa relo, 6 minutes na. Wala pa din ang baliw na 'yun.

*Tok Tok*

“Pasok!” sigaw ko

Nahihilo talaga ako Pagbukas ng pinto, slow motion akong tumingin kay Nobody

O____________________O

Teka? Si nobody ba 'to? Lasing na ba talaga ako? Hindi na ako nakakakilala? Umiling-iling ako. Si nobody 'to eh.

“Aray!!”  paano ba naman, binatukan ako.

“Ano bang nangyayari sa'yo? Para kang timang kung makatingin dyan.”

Si nobody nga? Hala. Nag-iba itsura. Gumanda. Aish! Bakit ko ba yan pinupuri?

“Lasheng ako.”

Iba na salita ko. Hehe.

“Halata nga. Bakit mo ba 'ko pinapunta dito?” iritadong sabi ni nobody.

 “Teka muna, bakit parang nagbago itsura mo?”

Nagtataka talaga ako. Pinagmasdan ko siya. Parang may powder tapos may ma-black sa mata niya e. Tapos naka-lipstick.

Ang bango pa niya.

“Inayusan ako ni Janna eh. Panira ka talaga ng moment.” sabi ni nobody

Kung maka-reklamo talaga 'to walang patawad.

“Hoy, wala kang karapatang magreklamo.”

Nahihilo ako.

“Sabi ko nga.”

Wala pa akong inuutos pero napansin kong iniimis-imis nya yung mga kalat.

" Hoy nobody!”

Tinawag ko siya. Humarap naman siya agad.

Ang ganda talaga nya!

“Ano?!” sigaw ni nobody.

“Bakit ba highblood ka?”

 Wala naman akong ginagawang masama. Pag si Adrian, laging nakangiti. BIAS. Ako amo niya eh.

“Open mo facebook ko tapos accept mo lahat ng friend request.”

HAHA. Wala akong maisip na iutos eh. Gusto ko lang naman talaga siyang papuntahin.

Ewan ko ba sa sarili ko.

“Adik ka ba Kyle? Hindi ako marunong mag-facebook!”

Ano daw?

“Anong klaseng nilalang ka ba talaga?”

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!