Chapter 6 ♥

670K 12.2K 1.9K


Chelsea POV

Andito kami ngayon ni Janna sa mall. Tulad nga ng sabi niya kanina, sa ayaw at gusto ko dapat akong sumama

Brutal din 'tong babae na'to eh. Na-a-amaze ako sa nakikita ko. Ganito pala ang itsura ng mall sa loob. Ang ganda. Ang daming tinda.

Wow talaga.

"Happy?" tanong ni Janna

Tumango lang ako. Nag-de-daydream na'ko ng bigla akong hilahin ni Janna.

"Oy, oy, teka."

Pagkatapos akong hilahin ng Janna na'to, tumigil kami sa isang boutique ng mga damit at shoes. Super kakamangha. Pumasok kami. Ang daming damit ang kinuha ni Janna tapos itinatapat nya sakin.

"Bakit mo tinatapat sakin?"

Ngumiti siya. "Para sa'yo 'to."

Ano daw?

"Hanla, wala akong pambayad sa daming 'yan."

Paano ba naman lampas sampu na yata ang pinagkukuha niya. Dire-diretso pa din sya sa pagkuha ng damit na pang-itaas. Ang gaganda nga eh. Pang-mayaman.

"Okay na. Bottom naman." Sabi ni Janna

Etong babae na'to ang hilig manghila.

"Anong size ng bewang mo?"  tanong niya.

Bakit? Hanla? Masyado ng madami 'tong nakukuha n'ya. Jusko, 5k lang ang meron ako.

"Eh, Janna tama na, wala akong pambayad."

Sumimangot si Janna.

"Ano ngang size mo."

Hanla?

"Eh, 25."

Kung makatingin naman 'tong si Janna para akong lalamunin ng buo eh. Kuha na naman siya ng kuha. 

May pantalon
Tokong
Shorts

Ayyy, ang dami na.

"Done! Shoes naman." Masiglang sabi ni Janna.

Shoes? Ang grabe naman nitong si Janna.

Waaaa. Wala nga 'ko pambayad.

"Anong size ng paa mo?" mga tanong talaga ni Janna eh.

Ayan na nman 'yung pamatay na tingin niya.

"6."

Anong gagawin ko? Shop-aholic yata 'tong si Janna. Wagas eh. Ang dami niyang pinagkukuha.

Mga doll shoes.

Iba't ibang kulay at style.

Kung tutuusin ang gaganda nila. Kaso wala akong malaking pera. Yung 5k ko mukhang malalagas ngayon. Napakakawawa ko namang nilalang.

Sinubukan kong tumingin sa shoe rack ng sapatos tapos pagtingin ko sa price,

7,999.00 pesos?

Langya!

Sapatos lang 'yon ah? Ano 'yon gawa sa ginto?

Teka..

Ibig sabihin, 'yung pinagkukuha ni Janna.

Hanla? Paktay.

"Done!" sigaw ni Janna

Ngiting-ngiti siya sa'kin.

"Let's go sa counter."

Para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Janna.."

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!