Chapter 50 ♥

559K 10.3K 1.5K

Chelsea POV

Hay salamat. Out na din. Kanina pa'ko na-boboring. Hehe.

Konsensya: Excited kalang kasi mag-mall kayo ni Kyle..

Hindi ah! Hanla. Malay ko nga bakit gusto ni Kyle pumunta sa mall mamaya eh.

"Chelsea, una na ako. I know naman may lakad kayo ni Kyle." Nakangiting paalam sakin ni Janna.

Ngumiti lang ako at tumango. "Asuxual. Ingat ka Janna." Sabi ko.

"Janna! Sabay na tayo. Tutal di ko naman masasabayan si crush dahil kay Kyle. Kinakanya na naman masyado si crush." Sabi ni Adrian. Ngumiti naman si Janna.

Tumingin sakin si Adrian. "Sige na crush. Una na kami ni Janna. Ingat ka kay Kyle." Sabi niya.

Pagkasabi nun, tumakbo na sila ni Janna. Hila-hila pa niya si Janna. Minsan napapaisip ako, bagay sila. Hehe.

Walang hard feelings kasi diba parang friends lang din tingin ko kay Adrian.

"Nobody tara na."

Tinatawag na'ko ni Kamahalan. Aish. "Opo." Magalang kong sagot. Pero kunwari lang. Haha.

Lakad na kami. Siyempre nakasunod lang ako kay Kamahalan. Ayoko nga sabayan, mamaya mag-hysterical pa ang mga fans nyan. Haha.

"Bilisan mo nga nobody."

Psh. "Mabilis akong maglakad. Ang laki lang talaga ng hakbang mo." Katwiran ko.

Kasi naman diba, mas malaki talaga humakbang mga lalaki sa babae.

"Tch." Yan lang narinig kong sabi nya. Tch. Tch. Puro ganyan.

Sa wakas nakarating na din kami dito sa parking lot. Pero may napansin ako. "Iba yata kotse mo?" Tanong ko.

"Nagpabili ako kahapon kay Butler. Sawa na ako sa kotse ko eh."

Ganon ba talaga ang mayayaman? Pag pinagsawaan na ang isang bagay, anytime na gustuhin nilang bumili, bibili sila? Psh. Aksayado sa pera.

Teka may naalala ako.

Yey! Sweldo ko pala ngayon at sabado bukas. Makapag-liwaliw nga bukas.

"Get in." utos niya.

Sumakay naman ako agad. Alam niyo na, baka mamaya masigawan pako ng mokong na yan.

He started the car engine and played some music.

♫♫Oh, kiss me beneath the milky twilight
Lead me out on the moonlit floor
Lift your open hand
Strike up the band and make the fireflies dance
Silver moon's sparkling
So kiss me♫♫

Ano ba naman yang kantang yan.

"Kiss me.."

Napatingin agad ako kay Kyle. "A-Anong kiss me?" nauutal kong tanong.

"Hay! Nobody wag ka ngang assuming! Sumasabay lang ako sa kanta. Tch."

Okay ako na pahiya. Kasi parang na-trauma na ako sa kiss, kiss na yan eh. Psh.

After 123456789 years, sa wakas nakarating kaming mall.

Lakad

Lakad

Lakad

Aish. Ang bilis maglakad nitong si Kyle. Nang-iiwan. "Hoy Kyle!" tawag ko sa kaniya.

Lumingon naman siya agad. "O bakit?"

"Nagmamadali ka ba? Baka pwede mong bagal-bagalan lakad mo, rush hour?" inis na sabi ko.

"Tch." Tumigil naman siya at hinintay ako. Ngayon magkasabay na kami. Ahehe. Parang couple lang. Chos!

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!