Chapter 44 ♥

525K 9.5K 1K

Chelsea POV

Dahil ba yun sa cold treatment ni Kyle?

"Masakit ba yung sabunot sa'yo ng bruhang yun? Tahan kana." Inaalo ako ni Janna.

I sobbed. Napaluha lang ako konti. Ewan ko. Kusa akong naiyak eh. Umiling ako sa tanong ni Janna at kinuha yung alok niyang tissue

Nagpupunas na ako ng tissue ng dumating si Adrian. "Crush? Umiiyak ka ba?" Tanong niya.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Hindi. Wala 'to. Napuwing lang ako." Sabi ko nalang. Hindi naman ako ang klase ng babae na nagpapaawa effect pa.

As long as maitago ko yung feelings ko, itatago ko. Inborn na yun.

"Ano bang nangyari?" Tanong niya tapos lumipat tingin niya kay Janna. "Janna?"

"Nagsabunutan sila ni Angel. As usual, inaway na naman nila si Chelsea. Masyado silang insecure." Sabi ni Janna.

Pipigilan ko pa sana siya kaso wala, bilis nya magsalita.

Hindi nagsalita si Adrian pero tumayo ulit sya. Pagtingin ko..

Hanla. Andun sya sa harap nina Angel. "Sinong nagbigay sa inyo ng karapatan na awayin si Chelsea?" Sigaw ni Adrian.

Tumayo ako para pigilan siya pero pinigilan naman ako ni Janna. "Let him be."

Walang sumasagot sa grupo nina Angel. Lahat sila tameme. Galit kasi yung mababanaag sa mukha ni Adrian.

"Isa pa ha? Isa pa. Wag nyong hintaying pumatol ako sa inyo. Hindi tamang magalit kayo kay Chelsea. Now I'm telling you, subukan nyo pang guluhin si Chelsea ako makakalaban nyo."

Pagkasabi nun. Tumabi na ulit sakin si Adrian at niyakap ako. Nakatungo nga lang ako pero medyo gumaan loob ko kasi pinagtanggol ako ni Adrian kaya hinayaan ko lang sya. Buti pa si Adrian, laging to the rescue.

He really proved that he likes me.

Unlike kanina. Hindi ako pinagtanggol ni Kyle. Diba liligawan nya ko? Bakit ganun sya sakin?

Aish. Akala siguro nila, naiyak ako dahil sa ginawa nina Angel. Pero ang totoo niyan, nasaktan ako sa cold treatment ni Kyle.

*

Kyle POV

Dito ako tumuloy sa tambayan pagkalabas ng room. Hindi na'ko a-attend ng klase. Badtrip ako kagabi pa.

Nakita ko kasing hinalikan ni Adrian si nobody pero no reaction sya. Di man lang sya nagalit.

Hindi ko matanggap na nasuntok nya ko dahil lang sa halik sa pisngi ng isang beses.

Totoo lang, dapat matuwa ako kasi nahalikan ko siya kagabi sa lips mismo pero parang nawala yung saya sa dibdib ko dahil sa nakita ko din kagabi.

She's really unfair. Nagmumukha nalang ba akong tanga? Si Adrian ba talaga gusto nya kaya sakin parang inis na inis siya palagi? Tapos kay Adrian? Napakalumanay at pa-tweetums sya.

Ano yun? Pretending na wala siyang gusto kay Adrian pero ang totoo niyan, meron pala?

Para san pa kung liligawan ko pa rin sya? Kung gagawa pa ako ng effort sa kaniya? Kung ngayon palang nakikita ko na kung sino ang posibleng magustuhan nya.

No other than.

Si Adrian.

Halata naman. Masyadong mainit ang dugo nya sakin, kay Adrian hindi. Aish.

Kaninang umaga nag-decide ako na hindi na sya isabay papasok. Sigurado namang mag-aagawan na naman kami ni Adrian. At ako pipiliin nya dahil mapipilitan lang sya dahil slave ko sya.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!