Chapter 24 ♥

631K 12.5K 1K
                                    


Chelsea POV

Andito kami ngayon ni kamahalan sa supermarket. Paano ba naman, basta na lang nagyayaya. Eh kagagaling ko lang kaya ng mall. Aish, pinapagod ako ng mokong na'to, kainis! Kung pwede lang ako tumanggi eh.

Kumuha siya ng cart at..

“Itulak mo yan, alipin kita diba? Gusto mo ako pa magtulak?” sabi ni Kyle saka pinatulak sakin ang cart. Kahit kailan, napaka-walang modo talaga ng lalaking yan. Aish.

Pasalamat ka talaga alipin mo'ko dahil kung hindi, ihahampas ko sayo tong cart na'to!

Lakad..

Lakad..

“Mag-jowa ba sila? Bakit parang hindi naman sila bagay?”

“Baka katulong lang ni handsome guy kasi siya yung nagtutulak ng cart.”

“Dapat lang, kasi di naman sila bagay 'noh!”

Tiningnan ko ng masama yung tatlong babae na nag-uusap-usap. Bakit ba kailangan pa nilang pansinin? Mukha ba talaga akong maid? At yang si Kyle? GWAPO lang yan! Pero masama ugali niyan.

“Ay, tiningnan tayo ng masama ni girl. Narinig ba nya tayo?” tanong nung isang babae na kala mo, japayuki kung manamit. Nagtitipid yata sa tela.

“Nagbubulungan lang naman tayo eh.” Sagot nung isa.

Di nako nakapag-pigil. Nilapitan ko sila.

“Anong klaseng bulungan meron kayo? Rinig na rinig ko kaya! Nagbulungan pa kayo? Wala ba kayong magawa sa buhay niyo?” mataray kong sabi sa kanila. Hindi ako papayag na ganunin 'no.

“Ay ang taray mo naman, maid ka lang naman ni handsome guy. Kung makapagsalita ka..” nakikipagtagisan pa ng tingin sakin yung isang babe na parang leader nila.

“Unang-una, hindi ako maid. Mas mukha ka pa ngang maid sa'kin.” sabi ko.

Ayoko talaga sa lahat, yung inaapi ako. Sabunutan ko sila eh.

Tumawa si japayuki girl. “Ha-ha. Are you kidding me? Look on how I dressed, ang layo-layo sa'yo.”

Aba, aba! “Yeah you're right. While looking on your dress, pakiramdam ko nasa Japan ako.” napapa-english ako ng wala sa oras eh. Lintik!

“Oh, see. Ganyan kataas ang fashion sense ko.” nagmamalaking sagot ni girl.

Natawa ako. “Hindi mo na-gets?” tanong ko.

“What?”Nanlalaki na yung butas ng ilong nung babae.

“Kaya feeling ko nasa japan ako, kasi mukha kang japayuki dyan sa suot mo. Naghihirap ka na ba para magtipid ng tela? O talagang ganyan ka na ka-desperada na mapansin ng mga lalaki kaya ka nagsusuot ng ganyan kasagwang mga damit? Damit nga bang matatawag yan? O saplot lang?” sarkastiko kong sabi.

Napasinghap yung tatlong babaeng mukhang tuko. “What did you say???” galit na galit na yung girl

Akma niya ako susugurin nang humarang sa harap ko si Kyle na di ko inaaasahan.

“Leave her alone. Or else..” kakaiba yung boses ni Kyle. Parang seryosong galit na ewan. Pero bakit nya ko pinagtatanggol? Himala.

Pero na-touch naman ako. Promise!

Nagsi-alisan na yung tatlong babae. Takot ba naman kay Kyle. Humarap siya sakin. “AT IKAW? PWEDE BANG MAG-CONCENTRATE KA SA PAMIMILI PARA MAKAUWI NA TAYO AT MAKAGAWA KA NA NG PROJECT NATIN?”

Ano daw?

“Feeling mo naman pinagtanggol kita. Ginawa ko lang yun kasi nagmamadali tayo diba? Tch. You’re wasting my time.” pagkasabi niya tinalikuran na niya ako at nagtingin-tingin na ng displays.

Ang walang hiya, na-touch pa man din ako. Akala ko pinagtanggol talaga ako ng mokong. Aish. Sama talaga ng ugali.

Sumimangot ako at tinulak ko na ulit yung cart at sumunod kay Kyle. Kuha dito, kuha doon. Hindi man lang tumitingin ng prize, kuha lang siya ng kuha. Mga tsitsiria na mukhang mamahalin.

“Nobody, may gusto ka ba? Kuha ka lang.” sabi ni Kyle.

Napangiti naman ako. He-he, pampalubag-loob ba yan Kyle?

“...may pera ka naman eh, kaya ikaw magbabayad ng kukunin mo. Akala mo libre? Asa ka.” dugtong niya.

Walang modo ka talaga Kyle. Kung sabagay may pera nga ako. Kukuha ako. Hehe. May gustung-gusto akong matikman dito eh. Chocolates. Makabili nga, ngayon lang 'to. Dati, cloud9 lang keri ng pera ko. Hehe

KUHA

KUHA

CADBURRY
TOBLERON
HERSHEY's

Tama na muna 'to. Na-e-excite ako kainin. Hehe

-

Kyle POV

Kanina pa ako tingin ng tingin pero si nobody nawala sa likod ko. Nilibot ko ang tingin ko at ayun, mukhang nakikipag-away na naman. Hilig nyan manlait din eh. Pag inaapi siya. Hehe.

Napansin ko na parang susugurin nung isang babae si nobody kaya mabilis akong lumapit at hinarangan si nobody. “Leave her alone. Or else..” mukhang nasindak naman yung tatlong babae na ubod ng papangit kaya nagsi-alisan agad sila.

Pagkatapos nyon, tumingin ako kay nobody na parang napapangiti pa. “AT IKAW? PWEDE BANG MAG-CONCENTRATE KA NA LANG SA PAMIMILI PARA MAKAUWI NA TAYO AT MAKAGAWA KA NA NG PROJECT NATIN?” sigaw ko.

Sa halip kasi na namimili na kami, nag-aaksaya lang sya ng oras sa mga walang kwentang babaeng yun. Pero honestly, may something sa'kin na gusto ko talaga syang ipagtanggol kanina. Ewan ko ba.

Hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya sakin. “Feeling mo naman pinagtanggol kita. Ginawa ko lang yun kasi nagmamadali tayo diba? Tch. You’re wasting my time.” sabi ko pa tapos tinalikuran ko na siya at nagsimula ng kumuha sa mga displays.

Kuha..

Kuha..

Kuha..

Pinagkukuha ko mga chips. Lays, Doritos, cheetos, mga PIC-A, Nova, piattos, marami pa. Para may stock ako sa kwarto.

Napatingin ako sa chocolate na nasa display, Van houten. Nagkaroon ako ng urge na kunin. Tatlong bar na malalaki. Lumingon ako kay nobody. Napansin ko na tumitingin din sya pero di siya kumukuha. “Nobody, may gusto ka ba? Kuha ka lang.” sabi ko

Ngumiti siya. Wow, himala. First time nginitian nya ko. Kay Adrian lang kaya yan lagi ngumingiti.

Dug, dug...

Dug, dug..

Aish bakit ba eto na naman yung kabog ng dibdib ko? Ampu! Bwisit na nobody 'to, kasalanan niya. Bakit kasi ngiti-ngiti pa.

Argh, “...may pera ka naman eh, kaya ikaw magbabayad ng kukunin mo. Akala mo libre? Asa ka.” sinabi ko nalang. Hirap maging mabait! Pero ako pa din naman magbabayad mamaya ng kukunin niya. Sinabi ko lang yun para sumimangot ulit siya. Hehe ^__^

Natapos kami sa pamimili at nagpunta ng counter.

“Kyle ako muna magbabayd, etong sa'kin.” sabi ni nobody na kumukuha na ng pera sa wallet niya. Chocolates lang klinuha niya. Mahilig siguro 'to sa chocolates.

Tiningnan ko siya. “Hindi na, ako na magbabayad lahat niyan. Kawawa ka naman. Diba mahirap ka lang? Kaya ako na, kasi mayaman ako eh.” sabi ko.

HAHA. Ganyan ako kayabang.

“Aish. Ewan sa'yo Kyle, pero salamat.” sabi niya.

Binayaran ko na lahat at nagpunta na kami sa parking lot.

“Kyle, hindi mo talaga ako tutulungan buhatin 'to?” tanong ni nobody.

Para limang plastic lang. “Napakahinang nilalang mo naman! Para saan pa at slave kita kung limang plastic lang, di mo pa kayang dalhin?"

“Oo na kamahalan, dami mo pa sinasabi. Psh.”

Nauna na siyang maglakad. Aba, aba. Tinatalikuran na ako nitong alipin ko ah. Simangot na simangot na naman si nobody. Bagay sa kaniya. Ha? Sinabi ko ba yun? Bagay sa kaniya? Erase, erase.

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon