Chapter 42 ♥

577K 10.9K 2.1K

MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY is now a published book under LIB/PASTRYBUG/PHR.

Hope you can grab a copy. Avilable at NBS, Pandayan, Powerbooks and Precious Page Stores on all malls nationwide. 3 books.

Price List: Book 1 - P199.75 ♥ Book 2 - P89.75 ♥ Book 3 - P119.75


~♥

Chelsea POV

Dito nako sa unit ko. Di ko na nga masyadong pinansin si Adrian kanina. Diretso na agad ako pumasok dito sa unit ko. Nanlulumo ako na nakokonsensya dahil nasuntok ko si Kyle.

Alam kong pareho kaming mali. Mali na basta nalang nya ako hinalikan pero sa tuwing maiisip ko na nahalikan na naman din ako ni Adrian, nakokonsensya talaga ako kasi si Adrian di naman yan nakatanggap ng suntok sa'kin. Pero si Kyle..

Aish. Ang hirap makonsensya. Kainis.

Kriinnnnnggg!

Napatingin agad ako sa iphone ko kung sinong tumatawag.

O__O

Hala si Kyle. Baka monster na yun dahil sa galit sakin tapos baka tinawagan na niya Papa niyang patalsikin ako sa school? Waaa. Wag naman sana. I'll make it up to him.

Nag-sign of the cross muna ako bako sinagot yung call.

"H-Hello.." nauutal pako, shemay!

[Chelsea! Ikaw ba yan?]

Hala sino yun? Hindi yun boses ni Kyle ah. Saka bakit parang ang husky ng boses?

"Oo, pero sino ba 'to?"

[Si Ken 'to! Pumunta ka ngayon dito sa unit ni Kyle. Naghihingalo na siya!Dali! Hintayin ka namin. Geh.]

O___O

Ano daw? Si Kyle naghihingalo? Hanla. Dali-dali akong tumakbo sa unit ni Kyle.

Buti nabuksan ko agad yung pinto. Hindi naka-lock. Takbo ako papasok. "KYLE??" sigaw ko.

Sinalubong ako nina Jerome at Cav. "Nasa kwarto niya." hanla. Ang lungkot pa ng mukha nila.

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

"Umakyat ka na lang sa taas." Sabi ni Cav.

Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Dali-dali akong umakyat sa kwarto ni Kyle. "Kyle!"

"Uy Chelsea buti andito ka na. Kailangan mong alagaan si captain." Sabi ni Ken.

Napatingin ako kay Kyle na nakahiga sa kama niya. natutulog yata. "Ano bang nangyari sa kaniya?" tanong ko. Parang nangigilid na yung luha ko. Kasi naman. Bakit ba apektado na ako ngayon kay Kyle?

"Grabe ang stress niya kanina. Muntik na nga siyang mag-suicide." Sabi ni Ken.

O___O

"S-Suicide???"

Tumango lang siya. "Pero wag kang mag-alala, napigilan naman namin siya. Bantayan mo nalang siya at hintaying magising. Kailangan na naming umalis. May kailangang pa kaming asikasuhin. Ikaw na bahala sa kaniya."

Tumango ako. "Okay ako na bahala." Sabi ko. Umalis na si Ken.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog. Grabe, ano bang nangyari kay Kyle?

Bakit sabi nila muntik na siyang mag-suicide? May problema ba siya? Grabe. Nade-depressed ako.

Habang tulog si Kyle, mas mabuti kung ipagluto ko siya para dinner maya paggising niya

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!