Chapter 45 ♥

529K 10K 1.4K

Kyle POV

Dito nako sa unit ko. Nahiga muna ako sa couch. Hay.

Badtrip.

Pero diko pa rin maiwasang maisip yung sinabi ni Lance na umiyak daw si nobody. Aish. Sinaktan ba ng mga babaeng yun si nobody bukod pa sa sabunutan na nangyari?

Malalagot sila sakin. Akala nila ha. Aish. Bakit ba inaalala ko pa din yun. Dapat ko na syang hayaan kay Adrian. Masaya naman na sila. Hindi na dapat ako dumagdag pa.

Tenenenenen!

From: Oliver
House Party sa unit ni Chelsea. Invited lahat ng tigers. Mamaya daw 7pm.

GM

Uso pa pala GM. At si Oliver pa? Bading. Tch.

 Pero totoo kaya? House party?

Tenenenenen!

From: Nobody
Punta po kayo sa house party mamaya sa unit ko 7pm.

GM

Aish. GM? Ano yun? Green Minded? Gagambang Maganda? Aish.

Ayoko nga. Gusto ko personal text matanggap ko. Yung ako mismo niyayaya.

Bakit pa pala ako pupunta dun? Para makita ang sweetness nina Adrian at nobody?

Di nalang.

Ting!

BRIGHT IDEA

Tama. Dapat pala pumunta ako para mapakita ko kay nobody na wala na sya sakin. Na wala na akong pakialam sa kaniya. At oo nga pala, de-declare ko pa nga pala sa kanila na stop nako sa panliligaw sa kaniya.

Tama.

*

Chelsea POV

Sent.

Wooo. Grabe hindi ko matiis na itext si Kyle. Syempre invited din sya sa house party mamaya.

Sa hiya kong magtext ng personal message. Nagkunwari na lang ako na GM yun. Pero ang totoo sa kaniya ko lang sinend.

Bakit ba. Hiya ako talaga.

"Crush, okay na lahat. Handa na para sa house party." Nakangiting sabi ni Adrian. Si Janna kangiti din pero..

Kay Adrian sya nakatingin?

Bakit kaya?

“Okay. Buti pa pahinga muna tayo habang hinihintay sila." Sabi ko.

"Sure! Let's watch TV muna." Sabi ni Janna saka tumakbo sa couch kasunod si Adrian.

I automatically smiled. I'm really lucky to have them.

Basta papakasaya ako mamaya at kakalimutan muna yung mga bumabagabag sa dibdib ko.

Saka first time kong maka-attend sa house party. Lulubusin ko na. Hehe.

Naupo nako sa tabi nina Adrian. Abala lang kami sa panunuod ng TV.

Bzzzztttt!

Bakit ba lagi akong nasa-shock pag may nagba-buzz sa pinto?

Konsensya: Kasi iniisip mo palaging si Kyle yan.

Tse! Hindi kaya. Tumayo nako para pagbuksan sino yun.

"HAPPY HOUSE PARTY!!"

Langya. Nagulat naman ako. May confetti pa kasing effect pagbukas ko ng pinto. Tigers pala. Iingay pa.

“Brad." Sabi ni Ken kay Adrian. "Hi Janna!"

"Hello. Buti nakapunta kayo."

"Oo naman. Hello Chelsea. He-he. Si captain?"

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!