Chapter 60 ♥

553K 9.8K 1.5K

Chelsea POV

Hinga malalim

Woooh!

Nakalabas din ng room. Pauwi na'ko ngayon. Tinakasan ko silang lahat. Kasi naman. Ayoko sabayan si Kyle.

Waaaa. Buti na nga lang nagkaroon sila ng urgent practice kanina kasama ang tigers.

At least di niya ko nagulo kanina sa klase. Kadaldalan ko nga lang si James kanina eh.

Pero tinakasan ko din sya. Haha. Ayoko makasabay kahit sino sa kanila.

Masyado naman na kasi ako nakukuyog. Waaa. Bakit kasi ako? Hindi naman ako ganoon kaganda eh.

Nag ordinary bus nalang ako pauwi. Mahal kaya taxi. Hehe. Kailangan ko pa din magtipid 'no.

Muni-muni ako habang andito sa bus. Maya-maya, may nakatabi ako.

"James?"

Eto talagang si James parang may powers. Talagang nasundan pa din nya ako?

"Hi."

Nasundan pa din ako. "H-Hello."

"Bakit di mo ako hinintay?"

"Eh kasi naman nagmamadali ako." Pagsisinungaling ko.

"Bakit naman?"

 "May mga gagawin pa akong assignments natin."

He smiled at me. "Ang sipag mo talaga. Maganda ka na nga, mabait pa, palangiti, matalino, masarap kausap, masarap kasama tapos ang sipag mo pa."

Kyaaa. James, utang na loob wag mo akong puriin ng ganyan.

"He-he." Yan lang naisagot ko. Kasi naman eh.

"Nasayo na lahat ng gusto ko sa isang babae."

"H-Ha?"

Anong ibig niyang sabihin?

"Wala. Tara na nga baba, ayan na building natin oh."

Hinila na ako pababa ni James. Hawak pa nya kamay ko

Hanubayan!

Nawawala na ako sa sarili ko. Kaloka talaga pag may mga nakakasalamuha kang gwapo.

Andito na kami sa may harap ng building.

"Kailangan talaga magka-holding hands pa kayo?"

*Tingin sa kamay*

Hanla. Sa sobrang pag-iisip ko di ko nahila kamay ko kay James. Hinila ko agad.

Waaah. Si Kyle nanlilisik mata. Bakit ba andito yan sa harap ng building?

"E-Eh.."

"No need to explain." Sabi niya sakin at lumipat ang tingin kay James. "Ikaw, pwede ka ng umalis."

Hindi pa pala alam ni Kyle na dito din nakatira si James. And worst, sa tabi pa ng unit nya.

James smiled at Kyle. "Dito din ako nakatira."

"Nananadya ka na ba? Sinusundan mo ba si nobody??"

"Actually coincidence lang. Si Lance ang kumuha ng unit ko dito. Ang galing nga eh. Para kaming destiny."

Hanla. Nag-uusok na ilong ni Kyle.

Napasinghap ako nang tingnan ako ni Kyle ng masama. "Pumunta ka sa unit ko pagkabihis mo. Mag-uusap tayo."

Pagkasabi nyon umalis na si Kyle. Nauna ng umakyat sa unit nya.

Hindi tuloy ako makakilos sa kinatatayuan ko. Mag-uusap daw kami. Hala. Lagot ako.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!