Chapter 63 ♥

507K 9.5K 3.3K

Kyle POV

Hindi ko alam bakit nagalit si nobody.

Eh ayun pumasok sa loob. Ayoko naman kasi talaga ng tawagan. It's corny for me.

Bakit ba kailangan pa nun?

Pag naiisip ko yung sinabi niyang mga tawagan like buko, bhe.. At kung anu-ano pa, ayoko talaga!

Huminga ako ng malalim. Galit si nobody. Gagawin ko nga pala lahat ng gusto niya. Aish. Ano namang magiging tawagan namin if ever

Aish.

Kami nga ni Mandy dati, wala ding tawagan.

Wala nakong nagawa. Susundan ko na sa loob si nobody. Ayokong masira 'tong gabi namin.

Hinanap ko siya sa entertainment room, sa dining area pero wala. Baka nasa kwarto.

Pagbukas ko ng pinto, hindi ako nagkamali. Aba, may kausap pa sa phone? Hindi ko muna sya tinawag. Pinakinggan ko muna sila.

"Eh gusto ko kasi may tawagan kami. Kaso ayaw niya."

Kulit talaga. Sino ba yung kausap nya.

"Kahit na. First boyfriend ko siya tapos hindi man lang nya mapagbigyan ang gusto ko. Kinakahiya nya ako."

Hindi ko siya kinakahiya. Ay nako.

"Ewan ko ba! Basta gusto ko talaga may tawagan kami eh para sweet diba? Kesa naman nobody lang tawag nya sakin."

Suko nako. Sige na papayag nako.

"Ano.. Ano kasi gusto ko.. Gummy Bear!"

Gummy bear ang gusto nya? Langya.

"Ano ka ba! Maganda kaya."

Papayag ba ako?

"Eh sige na James. Thank you ha."

Si James kausap niya? Tch.

"Bye."

Natapos na yung tawag kaya tuluyan nakong pumasok sa kwarto. "Nobody.."

Aba, sinimangutan lang ako. Hindi ako pinapansin. "Sinong kausap mo?"

Kailangan ko pa din itanong kahit narinig ko na. Damn bakit ba parang nagseselos ako.

"Wala." Sagot nya.

"Nobody galit ka ba?" Tanong ko. Tumabi ako sa kaniya. Nakaupo kasi sya sa kama. I pinched her cheeks.

"Ano ba! Dun ka na nga sa labas."

Sungit. "Nobody wag ng masungit." Sabi ko.

"Ewan sayo."

Tch. Galit talaga. "Sorry na."

"Umalis ka na nga sabi. Matutulog nako." Sabi nya.

"Di pa nga natin na-e-enjoy ang cruise eh. Let's have dinner." Yaya ko sa kaniya.

"Ayoko."

Kulit. "It's an order nobody!" Napapasigaw na naman ako eh.

"Naninigaw ka na naman." Sabi nya.

"Ba't di mo ako hinalikan?"

"Ahhh! Kakainis ka."

"Aray naman!"

Hilig nito manghampas. Sisgaw lang may hampas pa. Ang hirap pala suyuin nito.

"Sige na. Hindi ako gutom. Ikaw nalang kumain."

Style nito paawa effect.

"Oh, sige na. Anong gusto mong tawagan?" Tanong ko. Wala eh, no choice na'ko kundi pumayag.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!