Chapter 9 ♥

587K 11.8K 2K


Chelsea POV

Aish. Ilang araw na din ang lumipas..As always. Alipin pa din ako ni Kyle.

Utos dito, utos doon.

Wagas eh. Sabado ngayon at balak kong maglaba ng madudumi kong damit. Buhat ko na 'yung madudumi kong damit para sana pumunta sa labahan kaso..

Krrrrriiinnnnngggg!

Alam na! "Hello?"

[Pumunta ka sa bahay ngayon na.]

"Busy ako." Naku naman. Hindi pwedeng hindi ako maglaba eh.

[5k.]

*toot toot*

Bastos na nilalang. Kesyo 5k, 5k. Aish! Kainis talaga! Makapunta na nga! As if naman may choice ako.

Naku, Kyle namumuro ka na.


Kyle POV

Ang tagal naman ni nobody. Wag mo sabihing hindi siya pupunta? Lintik lang ang walang ganti. Napatingin ako sa pinto. May kumatok eh.

"Pasok!" sigaw ko.

Andito pa din ako sa harap ng desktop. Nanunuod sa youtube ng kung anu-ano.

"Problema mo na naman?"

Aba si nobody dumating. Takot pala sa 5k. Akala nya ha.

"Dito ka lang maghapon. Maglilinis ka, mag-aayos, gagawa ng assignment ko at aaliwin mo'ko dahil bored na'ko."

Trip ko 'tong gawing clown ngayon eh.

"Wow ha? Nilulubos mo yata ang pagiging alipin ko." Sarkastiko niyang sabi tapos tumuloy na sya dito sa kwarto ko.

Naupo sya sa couch. Ako naman nakatingin lang sa kaniya. "Hindi ka pa maglilinis?" tanong ko.

Nag-pout siya. Aish. Bakit kailangan pang mag-pout? Potek. Bigla tuloy akong nailang. Bwisit!

"Maglinis ka na nga!" sigaw ko saka sinuot ulit ung headset.

Bakit ba kasi ganito nararamdaman ko?


Adrian POV

Kabababa ko lang ng kotse ko. Andito ako kina Kyle. Boring kasi sa bahay kaya tatambay muna ako dito. Dire-diretso na'kong pumasok sa loob kasi kilala na naman ako dito. Dito nako sa harap ng pinto ng kwarto ni Kyle. Hindi ko na naman kailangang kumatok.

Pagbukas ko..

Chelsea? Bakit siya narito sa kwarto ni Kyle?

"Adrian?" banggit ni Chelsea

"Uyy.." sabi ko.

Naglilinis pala siya ng kwarto ni Kyle. Ito talagang si Kyle pahirap. Kala ko sa school lang slave, pati pala sa bahay. Eh ang dami dami naman nilang maid, hindi dun ipagawa. Kawawa naman si crush.

"Tss. Bakit ka andito?" tanong ni Kyle.

Parang masama pa ang loob niya na pumunta ako ah? Banatan ko kaya 'to? Hehe joke lang.

"Bored ako eh." Sagot ko.

Lumapit ako kay Chelsea. Binulungan ko siya. "Pagpasensyahan mo na si Kyle."

Nag-pout siya. Naman! Lalo siyang naging cute.

"Sanay na'ko dyan kay kamahalan." Sabi ni Chelsea.

Natutuwa talaga ako sa kaniya. Ligawan ko kaya? Siyempre joke lang. Crush lang naman, ligaw agad? Goodboy ako.

Napansin ko pawisan na si Chelsea kahit aircon naman ang kwarto ni Kyle. Aha! May panyo ako. Dinukot ko ang panyo ko sa bulsa ng short ko. Tapos pinunasan ko noo ni Chelsea .

O__O Chelsea
-___O Kyle

Hehe.

^____^ Ako

"Adrian.." Parang nahihiya si Chelsea.

"Napansin ko lang na pawisan kana kaya kita pinunasan." Nakangiting sabi ko.

"Ah okay." Mukha pa ding nahiya si Chelsea

Nagtuloy-tuloy sya sa paglilinis. Si Kyle babad na naman sa youtube.

"Ay, natapos din!" sigaw ni Chelsea.

Napatingin naman ako kay crush. Ayun tapos na. Makulit na nga lang 'to. Bored na'ko talaga eh.

"Crush." Tawag ko.

Nagba-blush ba'ko? HAHA

-___O Kyle
*_______* Chelsea

"Anong sabi mo Adrian?" tanong ni Chelsea.

Aysus! Gusto talagang ultin. "Sabi ko crush." Nag-smile ako sa kaniya.

Si Kyle nakita ko sa peripheral vision ko na pasimpleng nakatingin samin. Tsismoso.

"B-Bakit?" Nauutal pa yata si crush.

"Kasi crush kita kaya mula ngayon, crush na itatawag ko sa'yo." Paliwanag ko.

Yan ang tinatawag na confident.

Gwapo ko eh.


Chelsea POV

"Kasi crush kita kaya mula ngayon, crush na itatawag ko sa'yo."

Hanla? Seryoso ba si Adrian? Crush daw nya ko? Ehhhhhhhhhhhhhhhhh!

Wag!!! Kinikilig ako eh... Acheche!

Parang impossible namang magka-crush 'to sakin. Ang gwapo siya, mayaman tapos sikat sila sa school. Tapos ako, ordinaryong tao lang. Baka pinagti-trip-an lang ako.

"Adrian, wag mo naman akong pag-trip-an."

Eh kasi... Baka maniwala ako. Hehe. Nakerengkeng na talaga ako. Dalaga na'ko!

Magsasalita pa sana ako kaso hindi ko naman in-expect yung gagawin ni Adrian.

TSUP!

O_________________________O

Kyaaaaaaa! Did he..

Did he...

Did he kissed me?

Oh my God!

Oopppss...Kalma lang. Sa pisngi lang naman ako kiniss ni Adrian. Hehe. Pero kahit na, kyaaaa!!!

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAA!! Adrian, bakit mo ako hinalikan??"

Ngumiti lang si Adrian sa'kin. Lakas makaloko nito. Pepektusan na kita dyan

Aish!

"Sabi mo kasi nanti-trip lang ako. Eh crush naman talaga kita. Napatunayan ko na. Maniniwala ka na?"

So totoo nga? Hanla? Kinikilig na naman ako. Shemay!

"Oo na lang. Psh."

Suko na'ko.

Baka kasi pag nagsalita pako, baka kung ano pa gawin ni Adrian. Pero, crush nya ko talaga daw eh?

Kiligmuch!


Kyle POV

Sarap batukan 'tong dalawang 'to. Ano ako, invisible man? Dito pa naglandian sa kwarto ko. At sa harap ko. Parang di man lang ako napansin.

Aish.

Ito talagang si Adrian. Ito namang si nobody, obvious na obvious na kinikilig. Sabunutan ko 'tong babaeng 'to. Makapag-youtube na nga lang. Hiyang-hiya naman ako sa dalawang 'to.

Kwarto ko 'to eh.

MAXIMUM VOLUME
♫♫

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!