Chapter 1 ♥

1.2M 19.4K 5.8K


Chelsea POV

First day of class. Boring.

Actually, hindi ako excited. Sino ba naman ang ma-e-excite kung alam mong pagdating mo sa school, lalait-laitin ka lamang ng mayayamang students? Hayyyyss!

Bakit ba may mga ganoong tao?

Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala.

Ako nga pala si Chelsea Torres. 17 years old. Freshmen. Business Management Course. Only child. Ulila.

Actually tama yung nabasa niyo, ulila na ako. Doon ako nakatira sa Tita Yolly ko pero kapalit niyon, nagsa-sideline din ako ng mga work na pwede para may pang-tustos ako sa pag-aaral. Hindi naman kasi kayang sagutin iyon ng Tita ko. Hindi naman sila mayaman. May maliit lang silang karenderya kung saan tumutulong ako kapag walang pasok.

May isa siyang anak. Si Charisse, medyo hindi kami magkasundo. Kesyo asungot daw ako sa bahay nila. Ang arte ng lola niyo, tsss!

By the way, mag-aaral nga pala ako sa isang sikat at mayamang school, ang Shin-Woo University.

Pero bago kayo magtaka kung bakit ako doon mag-aaral, let me clear this, isa po akong dakilang scholar.

Madami akong pinag-exam-an na schools na tumatanggap ng scholars at yun nga, sa swerte ko nakapasok ako sa SWU.

Akalain mong ang isang tulad ko na mahirap lang ay makakapasok na rin sa wakas sa isang exclusive school!

Kyaaaa~ I am so eggzoited.

Oopps! Kanina pa pala ako nagkukwento, male-late na'ko.

Binilisan ko ng maglakad hanggang makarating sa SWU. Walking distance lang naman ang layo nung school sa bahay, imagine niyo nalang mula ortigas hanggang guadalupe. Haha malayo-layo din. No choice, tipid ako sa baon. Tricycle lang kasi yung dumadaan sa street namin.

Lumapit ako sa guard at itinanong kung saan banda yung Room 102. Dun kasi yung room ko. Hindi pa naman ako pamilyar sa school na'to kasi super laki niya as in! Malaki pa siya sa tatlong mall na pinagsama-sama.

Isa pa, wala pa akong kakilala kahit isa rito kasi bago palang ako. Sana magkaroon man ako ng kaibigan kahit mahirap lang ako.

"Ateng guard, san po yung room 102?"

"Estudyante ka ba rito?" Masungit yung pagkakatanong ni ateng guard na mukhang naghilamos ng harina sa kapal ng make-up.

"Opo." Magalang kong sagot.

"Baka naman niloloko mo lang ako? Hindi mo ba alam itong pinuntahan mo? Shin-Woo University 'to iha, mayayaman ang estudyante rito." Tumawa pa si ateng guard. Sarap pektusan nito.

"Alam ko po. Scholar po ako dito." Pagkasabi ko inabot ko yung assessment ko sa kaniya. Pasalamat siya hindi ko pinalamon sa kaniya ung papel. Kainis kasi.

Mahirap nga ako pero hindi naman ako papayag na maliitin lang ng kung sino. Isa akong palaban na babae!

"Ang swerte mo. Ayan, diretsuhin mo yang hagdan paakyat tapos kaliwa. Makikita mo na yung number sa may pinto ng room." Masungit pa rin si ateng guard.

Hmm! Sungit nito. Gawin kong tinapay mukha mo eh.

Wala nga pala kaming uniform dito. Kaya nga malamang pumunta na naman ako ng ukay-ukay para makabili ng pang-itaas. Nakakahiya naman kung ulit-ulit ang damit ko.

Sa wakas nakita ko na rin ang room ko. Pagpasok ko, lahat ng atensiyon nasa akin. Wait, may dumi ba ako sa mukha?

Para tuloy akong manginginig sa titig ng mga 'to. Para silang living monsters.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!