Chapter 40 ♥

598K 10.8K 1.3K


Kyle POV

Napasabak pako ng salitaan kay Adrian. Ah. Putek talaga.

Hindi ko pa naman balak na umamin kay nobody kaso si Adrian kakabadtrip na eh.

Akala niya papatalo ako sa kaniya? As he wish! Akala nya lang yun.

Eh bakit ba. Gusto ko naman talaga si nobody. Na-realize ko yun kagabi.

**flashback**

Dito ako sa kwarto ko. Grabe di ako matahimik. Kanina pako pagulung-gulong dito sa kama ko.

Lumapit ako sa intercom. "Butler pumunta ka dito sa kwarto ko ngayon din!" Sigaw ko.

Naupo muna ako sa couch at wala pang 2minutes andito na si Butler.

"Ano po yun young master?" Tanong ni Butler.

"Upo ka dito Butler." Yaya ko sa kaniya.

Di na talaga ako matahimik eh.

"Could you tell me the signs if a person is in love?"

Kakaiba yung ngiti ni Butler. "Si Miss Chelsea po ba yan young master?"

"Binigyan ba kita ng permisong tanungin ako? Wala! Project ko yan. E-explain bukas. Sabihin mo na agad. Dami mo pang sinasabi." Sabi ko. Atat kasi tong si Butler. Bakit ba naisip nya agad si Chelsea?

"Lagi niyo siyang naiisip." Simula ni Butler

Nakinig lang ako. Oo nga lagi kong iniisip yang si nobody.

"Naiinis at nagagalit kayo sa mga lalaking nagpapakita ng interes sa kaniya."

Tama. Galit at naiinis ako kay Adrian kasi inamin nya na gusto niya si nobody tapos liligawan na niya.

"Parang naiinis kayo kapag nakikita niyo sya na masaya sa iba."

Tama ulit? Naiinis ako pag nakikita ko silang nagtatawanan kaya ko nga biglang inuutusan lagi si nobody eh.

"Gusto niyo siyang nakikita."

Ewan pero alam niyo naman. Lagi ko siya pinapupunta dito. At kung anu ano lang iuutos ko.

"Concern kayo sa kaniya at ayaw nyo syang nakikitang umiiyak o nasasaktan."

Yung nanuod kami ng horror. Nung umiyak siya bigla ko siyang nayakap at kinomfort.

"Basta yun young master. Marami pang signs pero yan yung mga main signs." Sabi ni Butler.

"Ah okay sige makakalabas ka na." Sabi ko.

Nung makalabas siya, napahawak ako sa bandang dibdib ko. Lakas ng tibok ng puso ko. Ibig sabihin, gusto ko na nga si nobody?

Anong gagawin ko? Putek naman.

Krrriiinnnng!

Napadako tingin ko sa iphone ko. "Hello?" Sagot ko sa tawag.

[Okay na Mr. Shin-Woo. Pwede na din kayong lumipat anytime.]

I smiled. "Okay thank you."

Pinatay ko na yung tawag. Ayos na. Haha humanda ka sakin nobody. Akala mo may kawala ka pa sakin? Asa.

Lapit ulit ako sa intercom. "Butler punta ka ulit dito!"

One minute lang yata andito na agad si Butler

"Yes young master?"

"Help me pack my things." Sabi ko.

"Lilipat na kayo Sir?"

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!