Chapter 66 ♥

483K 9.1K 953

Chelsea POV

"Wag kang lalapit sa'kin!" Sigaw ko kay Kyle.

Naman kasi ang bastos bastos. Bukam-bibig na yang 'let's make a baby' ganyan. Psh.

"Baby ko. I'm just kidding okay?" Sabi niya habang papalapit sakin dito sa kusina.

"Talaga?" Medyo kumakalma ako. "Hindi mo'ko pagsasamantalahan?" 

"Hahahahahahahahahahah!"

"Ano namang nakakatawa?" Sarkastiko kong tanong.

"Wala. Masyado mong sineseryoso ang mga ganung bagay. For Pete sake, bata pa tayo at hindi pa tayo mag-asawa para gumawa ng baby. Ikaw lang ang baby ko. Okay?"

Naramdaman ko nalang ang pag-back-hug sakin ni Kyle habang sinasabi yan. He's so sweet. Kumalma naman ako dahil sa mga sinabi niya. Sweet talaga ng boyfriend ko. "Oo na. Akala ko sineseryoso mo yung ganung bagay eh."

Iniharap ako ni kyle sa kaniya. "Ano tingin mo sakin, manyak?"

"Oo." Mabilis kong sagot. Hehe. Totoo naman eh.

"Tch. Ganyan ba talaga tingin mo sakin?"

Hanla. Parang naiinis na ulit si Kyle. Niyakap ko siya. "Joke lang. Syempre hindi. Hindi ka manyak." Sabi ko.

"Hindi naman talaga ako manyak pero kung gusto mo ng magka-baby tayo, aba! Magpapakamanyak ako para sayo baby ko."

"KYAAAAAAA!!!!!!!!!!"

"Ouch! Aray naman!"

Pinaghahampas ko siya. Kasi naman si Kyle. Ambastos talaga nyan. Ayy.

"Tama na nga. Let's go sa living room. Bonding nalang tayo." Yaya ni Kyle.

Sus. Ayun nauna na pumunta ng living room. Psh. Manyak ng boyfriend ko.

Umupo kami dito sa sofa.

"Baby ko, tingnan mo 'tong post ko sa twitter. Basahin mo din mga comment." Sabi ni Kyle saka inabot sakin yung iphone niya.

Tiningan ko naman agad.

Kyle Shin-Woo @KyleSWattpad Girlfriend ko na si @ChelseaTWattpad. Walang eepal. I love you baby ko.

Makapost talaga 'tong si Kyle.

Nagbasa ako ng comments. Karamihan against samin ni Kyle. Hay gwapo kasi ng boyfriend ko. "Oh, gummy bear."

"Nabasa mo na lahat?" Tanong niya habang kumakain ng chips.

"Ayoko na lahatin. Nakakasawa. Puro kesyo mas bagay kayo, maghihiwalay din tayo, di tayo bagay. Ayt! Kainis lang."

He pinched me on my cheeks. "Wala naman silang magagawa dahil ikaw ang gusto at mahal ko baby ko." He smiled.

Ang gwapo ni gummy bear ko. Shemay! Lalo akong nai-inlove sa kaniya, promise!

"You're now staring at me." Puna niya.

"Ang gwapo mo kasi."

"I know. Pero wag mo masyadong ipahalata sakin na gwapong-gwapo ka sakin." Biro niya.

Mayabang din minsan yang si Kyle eh. Pero kahit ganun, mahal ko yan at napapasaya niya ako.

May sasabihin pa sana ako kay Kyle kaso pagharap ko sa kaniya.. 

Tsup!

He just gave me a peck on my lips. Magnanakaw ng halik talaga. Aish. "Adik ka na."

"Yeah. I admit it." Mabilis niyang sagot.

Ang pranka lang talaga ni gummy bear. Diretsuhan eh. I pinched his nose. Wala lang, ang tangos ng bongga eh.

"Ouch! Bakit ilong ko pa." Sabi nya habang hawak hawak ilong nya.

"Eh, ang tangos eh." Sabi ko.

"Tch. Don't tell me nangigigil ka nasakin?"

"Kyle naman eh!"

"Just kidding." He said then inakbayan nya ako at nilapit ako ng bongga sa kaniya. "I love you." He whispered. 

I smiled and looked at him. "I love you too."

Pareho na kaming nakasandal dito sa head rest ng sofa. Parang bigla akong napagod. Aish. Makapikit muna para maka-idlip.

Zzzzzzz..

*

Kyle POV

Nagsasalita pa ako di ko alam nakatulog na pala ang baby ko habang nakasandal sakin.

Sabagay. Anong oras na din. Tinitigan ko siya. Hindi sya nakakasawang tingnan. Ang sarap nyang panoorin.

Kasi habang tinitingnan ko siya, nakikita ko ang future ko.

Kinilig ako bigla. Shit lang, nababading na ako.

Napansin ko na mukhang masarap yung tulog ni nobody kaya naisipan kong buhatin nalang sya para ilipat sa kama niya.

Hindi man lang sya nagising na binuhat ko siya. Hanggang sa nakarating na kami dito sa kwarto, tulog na tulog pa din.

Pagkahiga ko sa kaniya sa kama, naupo ako sa gilid saka siya tinitigan ulit. "I love you baby ko." I whispered. Napaka-inosente talaga ng mukha niya. Kaya nga mahal ko yan. Di ko kayang mawala sakin ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

Kahit minsan nasisigawan ko siya, kahit nasusungitan ko siya at minsan nagiging cold ako sa kaniya, mahal ko pa din yan. Mahal na mahal.

Ibang-iba yung pagmamahal ko kay nobody ngayon kesa kay Mandy noon. I smiled while staring at her angelic face. Itong babae na'to, itong baliw na'to, itong walang common sense minsan, itong mahilig manghampas at manigaw, ito yung babaeng gugustuhin kong makasama habang buhay.

I sighed. Gusto ko nang umalis para pumunta na sa unit ko pero parang diko kayang umalis sa tabi niya.

Fine.

I decided to sleep here. Tumabi ako kay nobody saka siya niyakap. Then I kissed her.

"Goodnight baby ko."

Zzzzzzzz...

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!