Chapter 7 ♥

687K 13K 3.9K

Chelsea POV

Umaga. Kanina pa'ko dito sa kwarto. Pano ba naman. Parang nahihiya ako. First time kong magsuot ng mamahaling damit.

Kyaaaaa!

Pinili kong suotin 'yung pantalon tapos blouse na kulay pink. May collar siya tapos may print sa gitna na CAT. Cute talaga nito.

Yung doll shoes na pink na may ribbon 'yung ginamit ko. Ready na'ko. Nakakapanibago talaga. Pero ang sarap sa pakiramdam.

Sinuklay ko na 'yong wavy kong buhok at nag-pony. Mamaya pala, pupunta akong mall. Bibili ako ng magandang bag pack. Pasira na kasi 'tong bagpack ko. Highschool pa 'to eh. 150 pa bili ko dito kaya iningatan ko talaga. Tutal may talent fee naman ako kay Kyle kagabi.

Saya naman. Makakabili na din ako ng ilang school supplies. Isang notebook, isang ballpen, ilang piraso ng yellow pad lang kasi laman ng bag ko. Ahehe.

Lakad
Lakad
Lakad

After 1235456789 hours, nakarating din sa SWU.

|||||||||||||    |||||||||||||

Wag ka. Gate ng school yan.

Huminga muna 'ko ng malalim bago pumasok ng room. Dapat confident ako. Si Chelsea kaya ako.

"Oh, look who's here." Sabi na nga ba, hindi lilipas ang araw na hindi ako mapapansin nitong si Angel.

Pektusan ko na talaga 'to. Hindi nalang ako kumibo. Diretso ako sa upuan ko.

"See! Ang cute cute mo Chelsea. Bagay sa'yo ang suot mo." Puri ni Janna

Galak na galak.

Pag-upo ko, lumapit naman si Angel.

"Wow, saan ka naman naka-sideline at puro bago ang suot mo? O baka naman nagnakaw ka?" sabi ni Angel.

Aba aba. Pwede ko syang palampasin pero ang sabihan akong nagnakaw? Nyeta. Suntukan na lang! Tumayo ako. "Pag ba may bago, nagnakaw agad?"

Tiningnan ko sya ng masama.

"Malay ko ba? Hindi natin alam." Sagot ni Angel

Arte magsalita ang bruha.

"Alam mo Angel. Kung wala kang magawa sa buhay mo, humanap ka ng pwede mong pagka-abalahan kaysa makialam ka sa may buhay ng may buhay!"

Pinag-iinit nito ang dugo ko ah. Feeling pretty na nga 'ko sa new get-up ko tapos kung anu-ano pang sasabihin. Panira ng araw.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng gusto kong gawin. Miss maid!" sigaw ni Angel

Ayan na naman tayo sa maid thingy. Banatan ko kaya 'to?

"Maid maid ka na naman dyan! Kaunti nalang lalampasuhin na talaga kita."

Mabait akong tao pero 'pag ginaganun ako? Naku! Asahan mo, lalaban ako.

"Ay, natatakot ako!" Nag-act pa sya na parang natatakot.

Aish.

"Chelsea, mabuti pa wag mo ng pansinin 'yan. You're just wasting your time!" Mataray na sabi ni Janna.

Sinamaan pa ng tingin si Angel.

"Ay! Mas natatakot na'ko." Arte ni Angel

May sapak yata 'to eh. Sa sobrang inis ko, sinenyasan ko si Janna na pahiram ng lipstick. Buti na-gets niya. Inabot nya sa kamay ko habang nakikipagtagisan ako ng tingin kay Angel na mukhang harina ang mukha. 

Ngumiti muna ako.

"Angel, may ibubulong ako sa'yo." Malambing kong sinabi 'yan.

Ahehe.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!