Chapter 13 ♥

561K 10.8K 503


Chelsea POV

Alas sais na pala. Nanuod pa kasi ako practice nina Adrian. Speaking of Adrian, natutuwa talaga ako sa kaniya.

Hehe.

Nag-i-insist nga na ihatid ako. Sabi ko lang may dadaanan pa'ko.

Dito ako mall. Tinawagan kasi ako ni Janna na magkita kami. Naglalakad ako dito sa loob. Hinahanap ko si Janna. Ay, ayun!

"Janna!"

Lumingon siya agad then she smiled at me.

"Tara dali."

Yung totoo Janna?  Bakit ang hilig mo manghila? Tumigil kami dito sa beauty section ng department store.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko kay Janna.

Curious ako. Wala kasi akong hilig sa mga ganito.

"Ibibili kita. Dapat matuto kang gumamit ng mga 'to." Sabi ni Janna.

What? Ako gagamit? Hindi nga ko sanay. Wala naman kasi akong pambili dati. Ngayon may pera na'ko pero diko alam ano bibilhin kasi dina ko familiar sa mga ganito. Yung sahod ko nga pala kay Kyle na 5k a day, napag-usapan namin na every friday nalang nya bigay. Bale 25k siya.

Ayos. Kaya dapat pakabait ako kay Kyle. Kahit minsan gusto ko na siyang lunurin sa sumusulak na tubig. Joke lang. Ang galante lang talaga ni Kyle.

Mayaman eh.

Tagal ko na pala nakatunganga. Nakabili na agad si Janna.

Lakad

Lakad

Lakad

Nakarating kami sa food court. Umupo kami at pinakita ang mga binili sa'kin.

Ang dami at ang gaganda. Ang bilis nya yatang mamili kanina eh ang dami nito?

“Sakin lahat 'to?" I asked her amazingly.

"Yeah." Janna smiled at me.

Mas excited pa'to sakin na gamitin ang mga binili nya. Eto yung list na binili nya sakin:

Extract Papaya Lotion
Eskinol
Ponds Whitening Cream
Tender Care Powder
Iwhite
Loreal Foundation
Loreal lipstick
Loreal eye pencil
Loreal eye brow
Loreal cream
PH care
BB Cream
Make up remover
Wipes

Kyaaaa! Hindi ako pamilyar sa mga 'to. Kung nagtataka kayo ba't ko nasabi yung list, pwes nakatingin kasi ako sa receipt.

Haha. Pero nang tingnan ko 'yung price, nahiya na naman ako kay Janna.

"Janna di naman ako marunong gumamit ng mga 'to."

Pero kung tutuusin na-e-excite ako sa mga binili ko. Sa kwarto ko kasi, tanging polbo lang ang nakapatong sa side table ko ang ginagamit ko. As in yun lang.

Sa palengke ko pa yun nabili. Hindi naman ako marunong mag-ayos.

"Tuturo ko sa'yo lahat yan okay? Buti pa sama ka sa bahay ngayon." Sabi ni Janna

Hanla? Baka mamaya may ipagawa si Kyle. Init pa naman ng ulo nung kumag na 'yun.

"Wait. Tawagan ko muna si Kyle." Sabi ko

Dinukot ko na iphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

"Parang boyfie ha? Kailangang magpaalam muna?" Janna gave me a weird smile.

Adik 'tong si Janna.

"Hello Kyle."

[Kelan ka pa nagkaroon ng karapatan na tawagan ako?]

Psh. PMS? Sungit eh.

"Itatanong ko la---"

*Toot toot*

Ay tae! Bastos. Binabaan ako? Problema nun? Wala talagang modo.

Nag-dial ulit ako.

"Kyle, wag na wag mong ibababa!"

[You're disturbing me! ---Who's that ba Kyle?]

Ano yun? Husky voice ng babae? Malanding boses?

Yuuuuucccckkkk!

Si Kyle may ginagawang kababalaghan. Kaderder! Ignorante man ako, siyempre gets ko naman yun.

"Ge Kyle. Bye."

[Kyle!!!! End that call.]

Hindi ko na nahintay magsalita si kyle. Malamang naaabala ko nga sila. Nadidiri ako. Haha. Lalaki naman kasi siya. Nature na nila yun. Nasa itsura naman ang maging playboy.

Ay naku.

Ibig sabihin free ako ngayon. Busy sya eh. Pero..

Nadidiri ako tlaga. Ahahaha.

"Ano yun?" Janna asked me with her confused look.

"Ah, wala. Wala. Tara na?" Niyaya ko na si Janna.

Ayoko isipin yung narinig ko. Nadidiri talaga ako. Eeeeewwwww!


Kyle POV

Andito kami sa bar. Nagkayayaan tigers eh. Akala ko nga yayayain pa ni Adrian si nobody. Pag nagkataon, uutusan ko lang syang umuwi na. Masyado pa syang ignorante.

Haha. Pulaero ako eh. Naiinis nako sa mga babae dito. Kanina pa yaya ng yaya magsayaw. Di ako marunong saka alak ang pinunta ko dito. Hindi babae.

Ang tigers kanina pa nagsasayawan at nag-e-enjoy kasama ang mga babae. Aish. Napatingin ako sa cellphone ko.

Nobody calling..

Aba, at ano namang nakain nito at tinawagan ako?

[Hello Kyle.]

"Kelan ka pa nagkaroon ng karapatan na tawagan ako?"

Syempre masungit ako. Haha. 'Nak ng teteng palapit na naman si KC. Kanina pa'ko nilalandi nito eh. Di ko sya type.

[Itatanong ko la---]

End call

Pinatay ko na. Kunwari masungit.

Tumunog ulit cellphone ko

Nobody calling..

Ulit? Ano bang kailangan nitong babaeng 'to?

[Kyle, wag na wag mong ibababa!]

"You're disturbing me!"

Sinigawan ko na sya. Epal kasi. Patawag-tawag pa. Bakit hindi si Adrian ang tawagan nya?

“Who's that ba Kyle?" si KC habang nilalandi ako. Husky voice pa sya. Nang-aakit.

Para namang napakaganda nya. Kapal kapal ng make up.

[Ge Kyle. Bye.]

Tingnan mo 'to tatawag-tawag tapos ge daw? Baliw.

"Kyle!!!! End that call." KC shouted at me.

"Wala kang karapatang sigawan ako!" sigaw ko.

Badtrip 'tong babaeng 'to. Feeling ba nya boyfried nya ko?

"Sorry Kyle. I just want you to notice me." Sabi ni KC.

"Sorry din pero hindi kita type. And please? Stop lingering around me? Nahihilo na ako sa'yo. Ayokong makita yang mukha mong parang hinilamos sa harina!"

Pagkasabi ko nyan lumabas na'ko ng bar. Ayoko na. Uuwi nako.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!