Chapter 58 ♥

493K 9.7K 2.6K

Chelsea POV

Monday

Back to school na naman.

Grabe lang. Parang feeling ko ang haba ng weekend ko dahil ang daming nangyari. Kasi naman eh. Bakit kasi... Aish! Makapasok na nga.

Paglabas ko ng pinto ng unit ko..

“Kyle bakit ka andito?”

Nagulat ako dahil andito si Kyle. Syempre, honestly inagahan ko talaga ngayon kasi iniiwasan ko sina James at Adrian. Alam kong magtatalo na naman yung mga yun ngayon kaya eto papasok ako kahit ang aga pa. Pero bakit ang aga din ni Kyle? Naramdaman niya yung balak ko?

“Sinusundo ka. Papasok na tayo.”

Nagbalik na talaga si Kyle?

“Pero Kyle..”

Bastos talaga nito. Paano ba naman. Basta nalang hinila ang bag ko at nauna ng maglakad.

Pero infairness, kinilig ako. I find it sweet, kyaaaa! Haha.

Napangiti tuloy ako sa kasumunod na kay Kyle.

 --

Sa school..

“Oh my golly! Pinagdala siya ni Prince Kyle ng bag?”

“I can't breath!”

“Sila na ba?”

“Hindi talaga sila bagay eh.”

“I'm going to collapse!”

“Paano na tayo?”

Aish. Etong mga babae 'to sa halip na mag-aral, walang ginawa kung hindi ang mamuna ng iba. Aish.

Napatingin ako kay Kyle. Cool na cool pa din siya habang naglalakad. Ang light nga ng awra niya ngayon eh.

Nakarating na kami dito sa room. Wala pa masyadong estudyante. Kasi naman aga nga namin diba? Naupo na ako sa upuan ko. Si Kyle naman diretso sa upuan niya sa likod.

“Kyle yung bag ko, akina.” sabi ko.

Hindi siya sumagot, sa halip ay tumayo sya at lumapit sakin bitbit ang bag ko.

Ang awkward. Kasi naman tumabi siya sakin. Nakaharap pa siya at..

NAKANGITI?

Kyaaa! Wag kang ganyan Kyle. Baka bumigay na'ko. Waaah.

“Nobody..”

Nagiging magugulatin talaga ako pag si Kyle ang tumatawag sakin. Kya!

Hindi ako sumagot sa halip, nginuso ko sa kaniya ang ilan naming kaklase na nakatingin samin. Kasi, ang awkwad talaga eh. Mga tsismosa kasi mga yan.

“HOY KAYO? TIGILAN NIYO ANG PAGTINGIN SA AMIN KUNG AYAW NIYONG DUKUTIN KO ANG MGA MATA NIYO!”

Seriously Kyle? Kailangan harsh? Pero effective naman. Haha. Kaniya-kaniyang tanggal ang tingin samin. Naiilang kasi talaga ako. Baka kung anong isipin nila.

“Nobody..”

Ayan na naman yung goosebumps pag naririnig ko yung tawag niya.

“Ha?” nag-aalangan kong sagot. Di pa nga ako makatingin ng diretso kay Kyle.

“I love you.”

“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHAsdfghjkl.”

Napatigil yung moment ko ng pagsigaw. Si kyle tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya. Shemay, ang bango ng kamay niya. Chos!

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!