Chapter 61 ♥

595K 10.3K 2.7K

Chelsea POV

Mulat mata.

Grabe bakit sakit ng mata ko. Parang namamaga. Aish. Nag-iiyak nga pala ako kagabi.

Hanla. Teka, anong oras na? Late nako. Babangon na ako nang may mapansin ako.

Kaninong kwarto 'to? Napansin ko cellphone ko na nakapatong sa side table.

524 missed calls
213 message

Seriously? Asan ba ako?

9 na ng umaga. Di na ako makakapasok. Late na talaga. Pero asan ba talaga ako?

Tiningnan ko yung missed calls. Lahat galing kay Kyle at isang unregistered number.

I checked the messages.

From: Kamahalan
Where the hell are you?

From: Kamahalan
Are you with Adrian? Damn. Where are you?

From: Kamahalan
Bakit hindi kayo pumasok? Damn it, answer my calls!

From: 09*********
Chelsea. Si James 'to. Ninakaw ko lang number mo sa record mo sa school. Asan ka?

Loko si James. Talagang ninakaw? Di ko na binasa ibang text. Naalala ko. Masama nga pala loob ko kay Kyle.

Ano bang nangyari kagabi?

Isip..

Isip..

Nag-flashback sa isip ko yung nangyari kagabi and..

Is that real?

I kissed Adrian?

My golly!

*tok tok*

Kumunot noo ko kasi wala akong idea sinuman yan. At hindi ko pa din alam kung nananaginip pa ba ako dahil nasa ibang kwarto ako.

Bumukas ang pinto.

"A-Adrian?"

Si Adrian nakangiti habang dala yung tray ng food. Waaah. Naaalala ko yung kagabi.

Shemay! Nakakahiya.

"Gising ka na pala. Pinaluto kita ng breakfast. It's better kung dito mo nalang kainin." He said.

Bumangon ako saka naupo lang sa kama. "Pero Adrian, asan ba ako?"

"Batangas."

Ah. Batangas pala.

"ANO? BATANGAS?"

Tumango si Adrian. Shemay. Paano ako napunta dito sa Batangas?

"P-Pero paanong.."

"Dinala kita dito. Masyado kang depress kagabi. You should take some rest."

Kagabi..

Kagabi..

Kagabi..

Waa! Naaalala ko yung kiss. Kakahiya. Sana hindi na maalala yun si Adrian. Nakakahiya talaga ako.

"Pero paano yung klase natin?" Tanong ko.

"Tumawag na ako sa profs natin and I informed them na may mahalaga tayong lakad."

Grabe lang. Ganun ba kadaling magpaalam sa mga prof ng shin-woo? Kung sabagay, si Janna nga paalis-alis lang eh.

"Pero Adrian di mo na dapat 'to ginawa. Naabala kapa tuloy."

Bakit kasi sobrang bait ni Adrian? Kahit nadulas na ako sa harap nila na si Kyle ang gusto ko, andito pa din sya sa tabi ko. Napaka-swerte ng magiging girlfriend niya. He is every women's perfect boyfriend.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!