Chapter 25 ♥

595K 10.1K 988


Chelsea POV

Kararating lang namin ni Kyle dito sa kwarto nya galing supermarket. At talagang ako nagbitbit nung binili namin. Napaka-ungentlemen talaga nyang si Kyle kahit kailan.

"Gagawin ko na yung project natin." I said after putting all the plastic bags on the table.

“Fine.” sagot niya saka dumiretso sa desktop niya. As usual, yan naman lagi niya pinagkaka-abalahan.

Psh. Hindi ba lumalabo mata nito kaka-computer? Kinuha ko yung plastic ng national bookstore tapos umupo ako dito sa couch niya. Sinimulan ko ng gawin yung project namin sa arts. Sana matapos ko agad.

-

Janna POV

“Ano kayang ginagawa ni Chelsea ngayon. I really missed her.” sabi ko kay Adrian.

Andito kami sa garden, pinag-usapan kasi namin yung plano namin sa birthday ni Chelsea. Handa na lahat, yung tutugtog na lang ang kulang. At syempre, yung isusuot ni Chelsea on her day.

“Oo nga eh, parang ang tahimik ng room pag wala si crush.” sagot ni Adrian.

As usual, talagang crush yung tawag niya kay Chelsea but it's okay with me. He-he, sa ngayon mas gusto kong maging close ulit kami ni Adrian.

“Janna..”

Nawala ako sa pag-iisip sa tawag ni Adrian. Bakit parang ang lakas ng epekto sa'kin pag tinatawag nya ko sa pangalan ko? Aish, kinikilig yata ako. Ha-ha.

“Bakit?” I asked.

“Tara cutting tayo, let's go hang-out kahit sa mall.” yaya niya na ikinagulat ko.

Is he asking me on a date? Okay sige, ako na assuming. Nagyayaya lang sa mall, date agad nasa isip ko. He-he! Tatanggi pa ba ako? Kung ang kapalit ng pagka-cutting ko ay ang makasama ko si Adrian, why not?

I smiled at him. “Sure.” Oh, diba, walang isip-isip. Gora agad! Yan tayo eh.

“That's great! Let's go!” natuwa siya sa sagot ko.

-

Kyle POV

Natapos ko ng basahin yung “Mr. Popular Meets Ms. Nobody Book 2” sa wattpad, hindi pa rin yata tapos si nobody sa project namin. 

3 hours na ang lumipas ah. “Hoy, nobody, di ka pa tapos dyan?”

Hindi siya tumingin pero sumagot naman siya. “Wait, 5 seconds. Plastic cover na lang.” sabi niya.

Mukhang busy talaga siya at kinareer nya ang paggawa ng project namin. Kung sabagay bukas makakapasok na'ko kasi wala na yung violet sa bukol ko.

“DONE!” napatingin naman ako agad sa pagsigaw niya. 5 seconds nga ah, tapos na.

Tumayo na'ko sa harap ng desktop ko. Tiningnan ko yung ginawa niya. Bale tig-isa kami dun, maganda, mahilig akong manlait pero magaling siya sa paggawa ng arts. Magaling syang mag-drawing.

Pero siyempre hindi ko siya pupuriin, baka lumaki ulo eh. “Bilisan mo na dyan, samahan mo ako manuod ng movie.” sabi ko.

Para syang namutla na ewan. “Eh Kyle, ikaw nalang.”

Ano bang nangyayari sa babaeng 'to? Parang sira. “Bakit naman?” tanong ko.

“Eh alam mo na namang duwag talaga ako sa horror.”

Ah, yun pala. Akala siguro niya horror ulit ipapanood ko sa kaniya. Hindi! Baka mamaya yumakap na naman siya sa'kin. Nakaka-swerte na siya sa pag-tsansing sakin.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!