Chapter 30 ♥

563K 10.4K 769


Kyle PO

Hanggang ngayon, di pa din ako mapakali. Nagtext nga si nobody kanina. Kung wrong sent ba daw ako. Ampu! Aish. Bakit ba kailangan kong ma-konsensya dahil lang diko nabigyan ng regalo si nobody? Eh sa school nga pag basta nalang ako nambubugbog di ako nakokosensya eh. Aish. Nobody, panggulo ka talaga ng isip!

Lumapit ako sa intercom. "Butler come here at my room, now!" Sigaw ko.

Wala pang 2minutes andito na si Butler. "Yes, young master?"

Nag-alangan pa'kong magsalita. Then I sighed. "Ano bang inereregalo sa mga babae?" Tanong ko. Pasensya naman. Wala talaga akong idea.

"Ano po bang okasyon young master?" Tanong ni Butler.

"Baka birthday. Alangan namang pasko eh october palang." Sarkastiko kong sabi.

"Eh, young master kung ako po yung tatanungin niyo.."

"Ikaw na nga yung tinatanong ko eh?" Putol ko sa sinabi niya. Bwisit ayaw pa agad sabihin kung ano.

"Eh, young master depende po sa babae. Kapag mayamang babae o socialite mas magandang magregalo ng materyal na bagay. Iyong mamahalin. Pero kung simpleng babae lang po tulad ni Miss Chelsea.."

"Sinabi ko bang si Chelsea ang bibigyan ko? Wag mo nga i-example yun!" Reklamo ko kahit kay nobody naman talaga yung iniisip kong regalo. Aish.

"Eh basta po pag simple lang yung babae, mas nakakapagpasaya sa kanila yung simpleng bagay din. Halimbawa, pumunta sa amusement park, kumain sa labas o mag-bonding kayo. Ganon po."

Amusement park?

Kain sa labas?

Good idea.

"Okay, makakalabas ka na Butler." Utos ko sa kaniya na mabilis ding lumabas ng kwarto.

Paano ko naman yayayain si nobody sa amusement park? Putek. Hirap naman ng ganito!

Isip

Isip

Isip

Ting!

Alam ko na.


*

Chelsea POV

Sa mall..

"Tara sa department store. I'm so excited to buy stuffs for your condo." Sabi ni Janna habang naglalakad kami dito sa loob ng mall.

Yung gift nya saking SHOP all you can, ngayon ko na gagamitin. Diko pa rin ma-imagine na may sarili na akong condo.

Naalala ko tuloy yung pagpapaalam ko kanina kay Tita.

**flashback**

"Sigurado ka ba Chelsea na kaya mo ng humiwalay sa'min? Saan ka titira." Sabi ni Tita.

"Mangungupahan nalang ako Tita. May mga sideline naman ako. Hindi na rin ako halos nakakatulong dito sa karenderya gawa po ng sidelines ko."

"Pero iha.." Parang nag-aalangan pa si Tita. Sabagay mabait naman sya. Pero one time kasi narinig ko na rin sa usapan nila na ayaw ng Tito ko na andito ako.

"Okay lang po ako Tita. Dadalaw-dalaw nalang po ako dito." Sabi ko.

"Sigurado ka na talaga?"

"Opo."

"Siya sige, kung hindi na kita mapipigilan." Sabi nya saka ako niyakap.

Nagpatulong ako kay Adrian na buhatin yung mga gamit ko sa sasakyan nya. Tapos umalis na din agad kami at dinala gamit ko sa new condo ko.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!