Chapter 47 ♥

553K 11K 2.1K

Chelsea  POV

Dito na kami sa building ng condo namin.

Lakad  kami dito sa hallway. Pareho lang kaming tahimik ni Kyle. Psh. Pero hello, ako pa din may bitbit nung tatlong paperbag.

Tss. Sabi niya nga ayaw niyang ipabitbit sakin yung tatlo pa kasi baka madisgrasya lang. If I know, ayaw niya lang ako mahirapan. Ayiii! Haha. Pakapalan na ng mukha ‘to. Eh sa yun yung napi-feel ko eh, bakit ba?

“Hoy  nobody akina yan. Baka iuwi mo pa. Yang isang paperbag, sayo. Umuwi ka muna dyan sa unit mo.  Five minutes dapat andito ka na sa unit ko. Maliwanag?”

Sumimangot ako. “Opo Kamahalan.” Sarkastiko kong sabi saka siya tinalikuran at pumasok na sa condo ko.

Pagpasok ko ng unit ko tumaas nako sa kwarto para magpalit muna ng damit. Dadala pala ako ng chips sa unit ni Kyle. Sabi niya movie marathon daw eh. Hindi naman pwede sa’kin ang pizza lang. Kulang yun. Haha.

Pinatong ko muna 'yung paperbag na galing kay Kyle. Mamaya ko na titingnan.

Kapalit na'ko ng damit. Ayos na. Pupunta na ako sa unit ni Kyle.

Lakad

Lakad

Lakad

Bzzzztt..

Door buzzer yan ni Kyle. Bumukas naman agad ang pinto. “Lampas ka ng 1 minute.” Nakasimangot na sabi niya saka iniluwang yung pagkakabukas ng pinto para makapasok ako.

Dumiretso na ako sa living area niya. “Sobra ka naman kamahalan.”

Umupo na ako sa couch niya. Naramdaman kong kasunod ko lang si Kyle. Grabe ang sarap sa feeling ng ganito. Yung balik sa dati. Sa dating Kyle na nakilala ko. Mas komportable kasi ako sa dating Kyle. Ngayon, wala na akong nararamdamang awkwardness for him.

Kahit pa first kiss ko siya o nakatabi na sa kama na matulog, parang nagsilbing happy memory ko nalang yun. Hindi na ako nangangamba kung anong mangyayari basta ang mahalaga sakin ngayon, masaya ako pag kasama si Kyle. Si Kyle na walang modo, pero may puso din yan. Si Kyle na mahilig manigaw pero caring naman. Nakakatuwa at bumalik na ulit kami sa dating gawi.

“Anong panonoorin natin Kamahalan?” tanong ko kay Kyle nang makalapit siya dito sa couch. Kinuha kasi niya yung pizza tapos may coke in cans din. Ako naman, eto may dalang chips. Pinatong ko na sa center table.

“The Vow. Maganda ‘to. Pinahiram lang sa’kin ni Ken. Maganda daw eh kahit hindi ganon ka-bago.” Kalmadong sabi niya saka naupo sa tabi ko. Wow, umaasenso si Kyle, tumatabi na sakin.

Kilig naman ako. Chos!

“Anong genre yan?” tanong ko ulit habang pinapanood siyang mag-set-up nung DVD.

“Romantic love story.” Matipid niyang sagot saka pinindot na ang PLAY button. “Simula na.” dugtong niya.

Sumandal na ako sa couch at nagsimulang manood. Pero hindi pa ako nakakatagal sa panonood ay bigla akong nakaramdaman ng awkward feeling.

Paano ba naman. Si Kyle tumabi sakin ng tabing-tabi tapos sumandal din siya sa couch. Grabecious na malupit, ramdam ko yung balat niya na dumidikit sa balat ko.

Aish. Inabala ko ang sarili ko sa pagkain ng pizza habang nakatutok ang tingin saTV screen.

“Nobody..” he called me with his husky voice.

O-My-G.

“E-Eh, b-bakit?” sabi ko na hindi inaalis ang tingin ko sa TV screen. Mahirap na. Masyado kaming malapit sa isa’t isa. Gustuhin ko mang itulak si Kyle para hindi kami magkadikit, tumututol ang puso ko.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!