Chapter 34 ♥

564K 10.7K 1.2K

Adrian POV

Napailing na lang ako ng biglang umalis si Kyle. Parang timang. Pulang-pula mukha. Ano bang nangyari dun.

Tch.

Akyat na nga ako. Kukumustahin ko pala si crush. Ay, sila nga pala partner ni Kyle, baka hinatid niya si crush dito?

Kakahatid ko lang din kasi kay Janna. Galing kaming intramuros. Historical para astig. Hehe.

Pag-akyat ko, bihis muna ako dito sa condo ko tapos labas din para naman pumunta kay crush. Hehe. Sarap naman sa feeling. Katabi ko lang siya. Anytime pwede ko siya puntahan.

Bzzzttttt

Nga-buzzer pa din ako kahit alam ko naman yung passcode nung pinto. syempre, respeto ko na yun kay crush.

Nagbukas naman agad yun. "Lakas naman talaga ng trip mo 'no?"

Nagulat ako sa sigaw sakin ni crush kaya di ako nakapagsalita.

Nanlaki mga mata ni crush.

"A-Adrian ikaw pala yan.." Nauutal na sabi nya.

"Hindi crush, picture ko lang 'to. Ha-ha. Para kang nakakita ng multo." Sabi ko saka dire-diretso akong pumasok sa loob.

Hmmm..

Pagpasok palang, amoy ko na. Ang bango! Amoy porksteak!

"Pasensya ka na Adrian, akala ko kasi si Kyle." Sabi niya.

"Si Kyle? Ah." Baka nga hinatid. Malamang nag-bwisitan na naman yang dalawang yan. Pero never mind. Hehe. Baka magselos lang ako. Lumakad nalang ako papuntang kusina.

"Wow porksteak!" Sabi ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni crush.

I nod. "Hindi pa nga eh. Pero kung pakakainin mo ako dito, hindi ako tatanggi." Paawa effect. Haha.

“Oo naman, tara. Kakain palang din ako eh. Sabay na tayo.” Sabi niya.

Umupo nako sa dining table niya. Napansin ko dalawa na yung platong nasa mesa. “Parang alam mong dito ako kakain ah. Talagang may plato agad?” biro ko.

She just smiled. “He-he, si Kyle kasi dapat dito kakain kaso ayun biglang umalis parang baliw.” Natatawa pang sabi ni crush.

Napatungo nalang ako at pinilit ngumiti. So dapat pala si Kyle yung kakain dito? Kakapag-selos naman. Tch.  Pinilit kong maging energetic pa din kahit ang totoo, hindi ko matanggap. Selos talaga ako eh.

“Kain ka lang ng madami ha?” sabi pa ni crush saka naupo na rin sa tapat ko.

Kung si Kyle ba ang andito, ganun din siya? Masarap sana tong porksteak lalo na kung hindi ko nalaman na para kay Kyle dapat 'to. Hays. Ganito ba pag inlove?

Selos talaga ako eh.

*

Chelsea POV

Natapos kaming kumain ni Adrian. Hinugasan ko muna kinainan namin tapos siya andun sa salas nuod ng TV. Parang medyo matamlay nga siya eh. Kanina naman hindi eh. Tahimik nga lang kami habang nakain.

Tanungin ko nalang siya after ko dito. Baka mamaya, may sakit na pala siya.

Nagpunas na ako ng kamay. Tapos na ako maghugas eh. Lumapit ako kay Adrian sa salas saka tumabi sa kaniya.

Walang paa-paalam, sinipat ko yung leeg niya kung mainit. Hindi naman.

Nanlaki mata ni Adrian.

Gulat na gulat?

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!