Chapter 38 ♥

571K 10.9K 3.7K

Chelsea POV

Grabe yung si Kyle. Di ko na ma-gets yung ugali. Ano kayang nakain ng damuhong yun? Ang bait bait sakin tapos ngumi-ngiti pa. Grabe talaga.

I like you..

I like you..

I like you..

I like you..

Kyaaaa! Bakit ba naaalala ko pa yun. Eh ayokong maging assuming. Kahit pa narinig ko yun ng malinaw, hindi pa din ako makapaniwala. Si Kyle magkakagusto sakin?

Aish. Sakit sa bangs!

"Crush, andyan ka na pala! Hindi ka nagtext na uuwi kana."

Hanla. Si Adrian naka-pout pa. Kyaaa! Ang cute niya promise. Pero kalma lang, kalma lang ako.

"A-ah, hehe sorry naman." Sabi ko nalang.

"Kukunin ko lang yung binili nating icecream at pizza kanina sa mall, nuod ulit tayo ng movie. Meron ako dito. Okay?" Excited na sabi ni Adrian.

As if naman makakatanggi ako. Eh nasira kaya bonding moment namin kanina dahil kay Kyle. "Sige." Nakangiting sagot ko.

Sumenyas lang si Adrian na pasok na siya sa loob ng condo niya kaya pumasok na din ako. Palit muna pambahay.

Ayoko munang isipin yung mga nakakalokang confession nila sakin. Di ko keri ngayon.

Tenenenenen!

From: Kamahalan
Go online

Aish. Wala akong panahong mag-facebook. Magba-bonding kami ni Adrian.

To: Kamahalan
Bukas nalang. Manunuod kami ni Adrian ng movie

Hays. Panira talaga tong si Kyle eh. Makapag-ayos-ayos, dadating si Adrian.

 --

Kyle POV

Tenenenen!

From: Nobody
Bukas nalang. Manunuod kami ni Adrian ng movie.

Ano? Silang dalawa manunuod? Aba, aba!

To: Nobody
Saan kayo manunuod ng movie?

Bakit ba. Gusto ko malaman eh. Maka-porma talaga si Adrian eh.

Tenenenenen!

From: Nobody
Dito lang sa condo. Sige na kamahalan. Goodnight na din.

Ampu! Sa condo nya? Lagi ba silang nanunuod ni Adrian ng movie together sa condo niya? Kaya ba may picture sila? Hindi tama yun.

Mabilis pa sa alas-kwatro na nagpalit ako ng damit at kinuha susi ng kotse ko. Akala niyo makakapagsaya kayo ha. As you wish men!

 *

Adrian POV

Na-excite ako bigla. Manuod na ulit kami ni crush ng movie sa condo niya. Siguradong exciting.

Kinuha ko na yung foods tapos pinatong ko muna sa center table kasi kukunin ko pa yung DVD na panonoorin namin.

Napatingin ako sa laptop ko. Nakabukas pala. Patayin ko muna. Siguradong mapapatagal ako mamaya sa condo ni nobody.

Magla-log-out na sana ako ng facebook nang..

Totoo ba 'tong nakikita ko?

Kyle Shin-Woo changed his profile picture • 30 minutes ago

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!