Chapter 11 ♥

604K 11.8K 1K


Chelsea POV

Breaktime..

"Crush, tara sa tambayan. Dun na tayo mag-breaktime." Yaya ni Adrian

Ano ba naman 'tong si Adrian. Crush lang ba talaga ko nito. Well, katabi ko na sya ngayon dito sa room. Bale pinagigitnaan nila ako ni Janna. Ewan ko ba dyan.

"Eh, sabay kami ni Janna eh. Saka, nakakahiya sa kamahalan."

Kamahalan = Kyle

"Hindi yan. Isama mo nalang si Janna. Matagal ko na 'yang kilala. Elementary pa."

Tumingin sya kay Janna. "Di ba Janna?"

Kumunot yung noo ko kay Janna kasi naman para syang namumutla na ewan.

"Janna, may sakit ka ba? Namumutla ka." Tanong ko.

Syempre worried ako.

"Ah, hindi. Hindi. Wala 'to. He-he. " Nauutal na sagot ni Janna.

Alanganin pa yung tawa nya.

"Ano na?" Si Adrian parang naiinip na.

Eh kasi naman eh.

"Nobody tama si Adrian. Dun ka sa tambayan mag-breaktime para naman mapagsilbihan mo ako. Bilisan mo dyan. Sumunod ka na." sigaw ni Kyle.

Langyang Kyle bigla-bigla nalang magsasalita tapos kung maka-utos wagas!

Pagsisilbihan daw.

Psh.

"Oh narinig mo na ang kamahalan mo. Tara dali." Sabi ni Adrian.

Wala na akong nagawa. Paano ba naman hinila na'ko ni Adrian. Buti automatic yung isa kong kamay at nahila ko din si Janna. Awkward naman kasi kung ako lang. Saka kami lagi ni Janna ang magkasabay mag-break eh. Hindi ko naman siya syempre hahayaang mag-isa lang. Andito na kami sa tambayan ng tigers.

At raaawwwwrrrr! Ang dami ngang tigers!

Ang gugwapo. Yung iba nakita ko na last time. Madami pala sila.

"Hoy nobody ikuha mo ako ng graham sa ref." utos ni Kyle.

Panira naman 'to ng moment.

"Janna. Pagsilbihan ko lang ang kamahalan ko ha. Kwentuhan muna kayo ni Adrian."

Hindi ko magets si Janna. Namumutla talaga eh.

"Adrian, ikaw muna bahala kay Janna. Tinatawag na'ko ng kamahalan." Sabi ko.

"Sige ba."

Aish. Adrian ang gwapo mo na, ang bait mo pa, ang friendly mo pa.

IKAW NA!

Kumuha ako sa ref ng graham. Wow lang ha! Ang daming laman ng ref nila. May cake pa. Eh samantalang ako, kapag may birthday lang ako nakakatikim ng cake. Dito, pangmeryenda lang nila. Mayaman nga naman. Lumapit ako kay Kyle para ibigay 'yung graham na nilagay ko sa platito.

"Anong gagawin ko dyan?" tanong ni Kyle.

Aba? Di ba pinakuha ako ng ugok na'to?

"Sabi mo po ikuha kita ng graham kamahalan."

Konting timpi pa Chelsea!

Inhale

Exhale

"Oo nga." Sagot ni Kyle.

Yun naman pala eh. Ano bang nginangawa nitong si Kyle? Sabihin niyo lang, talagang babanatan ko na'to sa lungs! Promise!

"O bakit mo tinatanong kung anong gagawin mo dyan? Malamang kakainin."

Nakakapag-pilosopo ako ng wala sa oras eh.

"Alam kong kakainin yan. Subuan mo ako."

Ano?

"SUBUAN???" sigaw ko.

Exaggerated ba?

Ito kasing si Kyle eh. Napapasigaw ako rito. Langya.

"Naks, Kyle pa-simple ah!" sabi nung isang tigers. Alam ko Ken name niya eh.

"Style mo Kyle." Sabi nung isa ring tiger.

Napatingin ako kay Kyle na nakangisi sa'kin. What's with him?

"Subuan mo na ako dali." Pagsusungit ni Kyle.

Seriously? For real? "Eh, Kyle..."

Baka mamaya nanti-trip lang 'to eh.

"Hindi ba't alipin kita? Kaya pagsilbihan mo ako. Dali!" makapag-utos talaga si Kyle eh.

Seryso talaga sya?

"Hoy Kyle may mga kamay ka kaya hindi ka na dapat subuan ni Tweety girl." Sabat ni Adrian.

My knight in shining armor.

"Huwag kang makialam Adrian, slave ko 'to baka nalilimutan nyo. Kaya iuutos ko sa kaniya kung ano ang gusto ko." Sabi ni Kyle

Desidido talaga magpasubo? Napansin ko parang naiinis na si Adrian.

Naku, baka magkainitan pa. "Fine," sabi ko. Mabuti na 'yun, Slave naman nya ko talaga. Baka mamaya mag-away pa sila ni Adrian.

"Crush.." si Adrian.

"Okay lang Adrian." Sabi ko agad.

Aish. Pasalamat ka talaga Kyle.


Kyle POV

Eh bakit ba sila nakikialam? Gusto ko magpasubo eh. Para saan pa at nag-alipin ako? Mukhang naiinis na nga sa'kin si Adrian. Masyado siyang concern kay nobody.

Aish. Boyfriend ka ba? Kung maka-react!

Nakaupo na ngayon sa tabi ko si nobody dito sa couch.

"Oh," si nobody.

Tinutukoy niya yung graham. Susubuan na kasi niya ako.

Ngumuya ako ng masarap.

Sarap naman talaga 'pag may alipin.

"Isa pa.."

Ang sarap ng graham

"Tss." Umingos pa si nobody.

"Are you mocking at me?" tanong ko. Para kasing may binubulong-bulong pa eh.

Napapa-english ako eh. Sa halip na sumagot, sinaksak niya sa bibig ko 'yung kutsara.

"Aray naman, papatayin mo ba ako nobody?" Sinigawan ko siya.

Ito namang si nobody pa-inosente.

"Patay agad?" sarkastikong sabi ni nobody.

Namimilosopo na'tong babaeng 'to ah. "Pinipilosopo mo ba ako?"

Sumimangot siya which I find it cute. Ahhh! Hindi. Hindi siya cute.

"BUSOG NA AKO." Kumakabog na naman ang dibdib ko. Langya

Nakatingin lang siya sakin. Naksimangot pa.

"IKUHA MO NGA AKO NG MINERAL!" Napapasigaw tuloy ako ng wala sa oras.

Takbo tuloy agad si nobody sa ref. Haha. Pero ano ba 'tong nararramdaman ko. Badtrip.

Mr. Popular meets Miss NobodyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!