“U-Uy crush, bakit?” nauutal na tanong niya.

Ngumiti ako. “Eh kasi para kang may sakit. Ang tamlay mo kaya.” Sabi ko.

Syempre friend ko siya kaya nagwo-worry ako sa kaniya.

“H-Hindi, okay lang ako crush. Gusto mo nood tayo ng movie? Madami akong DVD sa condo ko?” biglang sumigla yung boses niya.

Ano bang nangyayari dito kay Adrian? Pero tama, hindi pa kami nakakapag-bonding ng matindi eh. “Sige ba.” Sagot ko.

“Wait ka lang dito, kuha lang ako sa condo ko.” Pagkasabi nyon, bilis niyang umalis. Parang ninja lang. Ha-ha.

Habang hinihintay si Adrian, kumuha ako ng chips tapos coke in can. Aish naaalala ko na naman yung nanuod kami ni Kyle ng movie.

Erase, erase! Bakit ko ba siya iniisip? Psh.

“Eto na!” sigaw ni Adrian na kapapasok lang ulit dito sa condo ko.

“Anong movie yan?” tanong ko. Baka kasi mamaya, horror eh.

“Sabihin mo mang pambading pero nagandahan ako sa movie na 'to. It Takes A Man and A Woman. He-he, idol ko kasi si John Lloyd.” Sabi niya.

“Wow, romantic comedy yan?” tanong ko. Na-excite naman ako. Maganda nga yun. Napanood ko na nga yung trailer niyan dati sa commercial sa TV. First time kong manuod ng romantic ng may kasamang lalaki. Pero ayos din, si Adrian naman eh. He-he. Crush ko kaya yan.

Sino ba namang hindi magkaka-crush sa gwapo na, mabait pa, sweet pa! Saan ka pa.

Inayos na niya yung DVD saka pinaandar. Naupo kaming dalawa ng magkatabi dito sa sofa. Magkadaikit ha. Tapos pinatay ni Adrian yung ilaw para mas maganda daw panonood. He-he.

*
Third Person POV

Kapwa tutok ang pansin nina Adrian at Chelsea sa panonood, kinikilig, natatawa at naiiyak ang dalawa.

“Nakakaiyak naman yan!” sabi ni Chelsea.

“Hindi kaya. Patingin nga.” Sabi naman ni Adrian at itinapat ang mukha ni Chelsea sa kaniya.

Pinuno ng kaba ang mga dibib nila ng magkatapat ang mukha nila. Ilang inches lang ang layo.

Kakaibang kaba na ang nararamdaman ni Adrian kay Chelsea. Kaya unti-unti niyang nilapit ang mukha niya kay Chelsea. Si Chelsea naman, parang ignorante sa gustong gawin ni Adrian. He’s about to kiss her.

One inches away..

Palapit ng palapit..

Konting-konti nalang..

Tenenenenen!!

Agad silang naghiwalay at tumingin sa magkabilang side. Nasira ang moment nila ng dahil sa tunog ng cellphone ni Chelsea.

 *

Adrian POV

Aish. Malapit na eh. Konting konti na lang mahahalikan ko na si crush. Dapat ko pa ba siyang tawaging crush kung ang totoo, in love na ako sa kaniya?

I really like her. Gusto ko masaya siya lagi lalo na kung ako yung kasama niya. Alam niyo yung feeling na gusto ko ako ang dahilan ng bawat pag-ngiti niya?

I calmed myself bago ulit tumingin sa screen ng TV. Grabeng kaba yun ah. Pero hindi ako nahihiya kay crush. Kinabahan lang. Kaya ko namang ipaglantaran na gusto ko siya eh.

“Kainis 'tong si Kyle!” sabi ni crush kaya napatingin ako sa kaniya.

Chelsea is really a naïve. Parang walang ka-ide-ideya na hahalikan ko na siya.

“Bakit?” tanong ko.

Parang walang nangyari. Haha

“Ah, kasi ipagdala ko daw siya ng pang-lunch bukas. Siya yung nagtext.” Nakasimangot na sabi ni crush.

Si Kyle talaga epal. Siya pala nagtext. Lakas naman ng radar nun, talagang saktong kung kelan malapit ko na siyang mahalikan eh.

Pero minsan napapaisip ako, para kasing may gusto na rin yang si Kyle kay crush pero imposible. Lagi niya ngang sinisigawan eh at inuutusan. Pero, ewan ko ba dyan kay Kyle.

Pero kung may gusto man siya, handa akong makipag-kompetensiya sa kaniya kahit bestfriend ko pa yun. Ako pa ba?

“Nuod na ulit tayo?” sabi ni crush sakin.

Ngumiti lang ako at tumango. Kain din ako ng chips para mawala yung kaba ko.

Nuod..

Nuod..

Nuod..

Napatingin ako kay crush. Nakatulog na. Nagulat ako kasi nakasandal siya sa balikat ko.

Napangiti naman ako. Sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko tuloy, kami na eh. Ang sarap talaga kasama si crush, kahit yung simpleng panunuod lang ng movie.

Mayaya nga 'to minsan mag-date. He-he.

Bubuhatin ko na sana siya para dalhin sa kwarto niya. Mukhang napagod 'to kanina. Pero may naisip ako..

Tsup!

Wag kayong mag-isip ng kung ano. Sa noo ko lang siya hinalikan. Mabuhat na nga. Ay teka pala.

Dinukot ko iphone ko sa bulsa ko. Tapos, selfie.

Click!

Flash!

Pagtingin ko, ang cute ng kuha namin. Para kaming mag-on. Hehe, nakasandal kasi si crush sa balikat ko. Ang ganda niya pa kahit tulog. Lalo siyang nagmukhang anghel.

Ting!

Bright Idea. He-he.

Buhatin ko na 'to sa kwarto niya. Hiniga ko siya at kinumutan. After nun, bumaba na din ako. Wag kayong green-minded. Ha-ha.

Pinatay ko muna DVD at TV bago inayos yung mga chips. Tapos lumabas na’ko ng condo niya. Alam ko naman passcode kaya ni-locked ko na din para secured siya.

Pagpasok ko sa condo ko,

“YESSSSSSSSSSS!!”

Nahalikan ko siya sa noo. Ha-ha!

Amputek! Kinikilig yata ako.

For Pete sake, it’s so gay!

Mr. Popular meets Miss NobodyWhere stories live. Discover now