Chapter CLVII

5.1K 888 50
                                    

Chapter CLVII: Before Anything Else

Nakangiting binibigyan ng tingin ni Finn sina Mira at Maya habang may hawak-hawak na teleportation stone ang mga ito. Bahagya niyang itinaas ang kaniyang kamay upang sumenyas ng pagpapaalam sa dalawa. Tumango lang sa kaniya ang mga ito at pagkatapos, magkasunod nilang dinurog sa kanilang kamay ang teleportation stone. At sa pagpapagana nila sa mga batong iyon, nagambala ang espasyo sa kanilang paligid at unti-unting hinigop ng espasyo ang katawan ng kambal na heneral hanggang sa tuluyan silang maglaho.

Natapos na ang kanilang paliwanagan, at kahit alam ni Finn na hindi pa lubusang naniniwala sina Mira at Maya sa kaniyang mga ibinunyag, nagkaroon pa rin ng pagkakasundo sa pagitan nila at maayos na nagtapos ang kanilang usapan.

Nagbitaw siya ng pangako sa mga ito na tuturuan niya sila ng mga water celestial skill kapag nakarating na siya sa divine realm. Ganoon man, hindi pumayag ang kambal na heneral ng kaniyang ina, pero hindi rin sila direktang tumanggi. Ang sinabi lang nila ay kailangan muna nilang makumpirma ang katotohanan mula sa kanilang reyna--kay Kailani--bago sila lubusang magtiwala at maniwala sa kaniya.

Oo. Kahit kina Mira at Maya ay kaakit-akit ang matuto ng mga water celestial skill. Malaki ang maiaambag nito sa kanilang pag-unlad. Siguradong mas magiging malakas pa sila kung matututunan nila ang mga kakayahan na buong akala nila ay eksklusibo lamang sa mga hari at reyna ng kanilang lahi, ganoon man, natuklasan nila na kahit silang mga pangkaraniwang celestial lamang ay may kakayahan na matutunan ang mga skill na iyon.

Mahirap iyong tanggihan, subalit hindi pa kaya nina Mira at Maya na tanggapin iyon dahil mayroon pa rin silang pag-aalinlangan.

Sa kabilang banda, hindi iyon kaso kay Finn dahil lahat ng kaniyang ibinunyag sa mga ito ay totoo, at ang kaniyang intensyon ay maganda. Hindi siya nagsinungaling dahil totoo namang siya na ang kasalukuyang pinuno ng mga water celestial sa mundong ito, siya na ang Water Celestial King. Hindi niya gaanong inaalala kung paniniwalaan siya kaagad ng dalawa o hindi dahil alam niyang pagkabalik ng mga ito sa tabi ni Kailani, makukumpirma rin nila na totoo ang kaniyang sinasabi.

Sa pagbibitaw ng pangako ni Finn natapos ang diskusyon, at bago tuluyang magdesisyon sina Mira at Maya na umalis sa Land of Origins gamit ang mga teleportation stone, pinabaunan niya muna ang mga ito ng mga Conveying Sound Inscription.

Hinaluan niya ang mga iyon ng mga Conveying Sound Inscription na may marka niya, at nakiusap siya sa dalawa na gamitin ang mga inscription na iyon upang kaagad na maipaalam sa kaniya kung sakaling may malaking problemang kinakaharap ang kaniyang ina. At upang makatugon siya kapag nagpadala ang mga ito ng mensahe sa kaniya, hiningi niya rin ang marka ni Maya.

--

“Master, tama lang ba na pagkatiwalaan mo ang dalawang iyon? Paano kung mayroon silang masamang balak? Paano kung magtraydor sila ngayong alam na nila na hindi na makapangyarihan ang iyong ina katulad ng dati?” tanong ni Eon matapos niyang masiguro na muli na siyang maaaring magpahayag ng kaniyang komento.

Bumakas ang pag-aalinlangan sa ekspresyon ni Finn dahil sa naging tanong ni Eon. Huminga siya ng malalim at malumanay na tumugon, “Wala akong pagpipilian. Kailangan kong sumugal at kailangan kong magtiwala sa mga itinalagang heneral ng aking ina. Sila lang ang maaari kong asahan patungkol sa kaligtasan ni ina. Iyon din ang rason kung bakit ako nagbitaw ng pangako sa kanila na tuturuan ko sila ng mga water celestial skill kapag nakarating na tayo sa divine realm. Dagdag seguridad iyon upang manatili silang nasa tabi ni ina habang hindi pa tayo nakakarating doon.”

“Ang ginawa mo ay tama lang, batang panginoon,” komento ni Auberon. Blangko lang ang kaniyang ekspresyon habang nakatingin siya kay Finn. Muli niyang ibinuka ang kaniyang bibig at nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Kahit na mukhang hindi matatawaran ang kanilang katapatan sa Celestial Sea Empress, mas mabuti pa rin na nagbigay ka sa kanila ng kasiguruhan na kapag nanatili silang matapat, mayroon silang matatanggap na pabuya--ang pagkatuto ng mga water celestial skill mula sa iyo.”

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Место, где живут истории. Откройте их для себя